Tzuyu's POV
Yun. Nakita ko silang nagyakapang dalawa. Yes naman! #JungRi is coming back na! Kekekeke! I'm so happy naman sa kanila. Siguro ang saya saya na ni Jungkook ngayon.
Bakit pero bakit habang ipinagmamasdan ko sila ngayon, ba't iba yata ang nararamdaman ko? Like.. yung heart ko.. kumirot.
Hay. Baka masama lang pakiramdam ko. Pero.. feel ko wala naman akong nararamdaman na sakit eh?
Binalik ko ang tingin ko sa kanila at nakikita kong sabay silang lumalakad. Kaya umalis na ako doon sa puno tsaka na ako bumalik sa mga co-members ko.
"Dala ng dala kanina ng trashbin si Kook eh iiwan lang naman pala dito." dinig kong reklamo ni Taehyung at nakita niya naman ako.
"Oh, hi Tzuyu!" sabay pa sila ni Sana.
"Malinis na dito sa soccer field. Tara balik na tayo sa room. Tsaka ibalik na natin yung mga tools." sabi ni Chaeri at tumango naman kami.
"Mauna na muna kayo." utos sa kanila ni Taehyung at tumango naman yung iba. Kaming tatlo nalang dito ni Sana at Taehyung.
"Eh.. saan si Jungkook? Akala ko ba magkasama kayo?" tanong sa akin ni Sana.
Hindi ko naman madedeny sa kanila at hindi ko alam kung dapat pa ba akong magsinungaling, "Ah.. kasama si Yeri. Yun oh." sambit ko at nguso kina Yeri at Jungkook.
Nakita ko namang nabigla si Taehyung sa sagot ko at nanlalaki ang matang nakatingin kina Jungkook at Yeri. Si Sana naman, ibinalik balik ang tingin kay Yeri at Jungkook.. at kay Taehyung na nagugulat. Tsaka nagtataka lang si Sana.
"M-magkasama silang dalawa? E-eh bakit?" nagugulat na tanong ni Taehyung.
"Eh bakit naman kung ganon? May masama ba?" tanong naman ni Sana.
"Ex niya yan." sabay na sagot namin ni Taehyung at nanlaki naman ang mata ni Sana.
"Ano?! Talaga?!" gulat niyang tanong at napatango lang naman kami. "Paano?! As in?! Diba si Yeri sa kabilang section yan?"
"Oo. Basta.. long story." sagot ko.
"But Tzuyu.. why? Ba't ganyan sila? Ba't nagngingitian silang dalawa? Eh sa pagkakaalam ko, grabe ang galit ni Jungkook non kay Yeri eh iniwan siya." sabi ni Taehyung. "Pero kinakausap niya pa si Yeri? Bakit nandyan siya?"
"Gusto niya lang naman i-comfort si Yeri. Eh iniwan kasi siya ni Jaemin at pumunta sa America." sagot ko at nanlaki naman ang mata nila ni Sana.
"Ha?!"
"Oo nga."
"Sinong Jaemin?" tanong ni Taehyung.
"Yeri's boyfriend." sagot ko at nagulat naman sila.
"Ba't di ko yan alam? Hindi talaga nagsshare si Jungkook. Ang daya." parang nagtatampong sambit ni Taehyung at ibinalik ang tingin kina Yeri.
"So cinomfort niya nga? And that Yeri is so happy." komento ni Sana na nakatingin kina Yeri at Jungkook na nagtatawanan.
"Oo nga. Parang ganyan lang ang ngiti nila yung dating sila pa." dagdag ni Taehyung.
Sasabihin ko nalang sa kanila.
"Sa totoo niyan," sabi nila at napaharap naman silang dalawa sa akin. "Wag niyong sasabihin ha? Lalong lalo na kay Jungkook. Just shut up." paalala ko sa kanila.
"Sige sige. Spill it now Tzu!" Sana.
"Jungkook still loves Yeri." pag-amin ko sa kanila at nabigla naman silang dalawa.
"Totoo?!" Taehyung. "Ba't di ko yun alam?!"
"Whaoh!" Sana.
"Oo nga. Siya na nga mismo nagsabi sa akin niyan." sagot ko sa kanya. "Matagal na niyang mahal si Yeri. Simula nung nagbreak sila, mahal niya pa si Yeri." at nashock naman 'to silang dalawa.
"Grabe naman.. hindi ko alam yan ha." Sana.
"So what Jungkook's plan?" Taehyung.
"He wants to back Yeri to him." sagot ko agad at nabigla naman sila.
"Parang wala namang isip si Jungkook. Di'ba alam niya namang may boyfriend si Yeri?" parang pagbababa ni Taehyung sa kanya
"Pero Tae, di niya na makakaya yun. Mas lalo lang siyang nahuhulog kay Yeri. Gusto niyang iparamdam kay Yeri na mahal na mahal niya yun." depensa ko at natahimik naman siya.
"Di naman natin siya mapipigilan eh." sambit ni Sana at napatango lang naman kami ni Taehyung.
Tsaka pagkatingin namin sa kanila.. nagulat lang kami na papalapit sina Jungkook dito. Tsaka naiilang lang naman sina Taehyung at Sana na parang aalis dala dala yung mga tools. Pero pinigilan ko sila.
Tsaka finally.. nandito na sila sa harapan namin.
"Hi." bati sa amin ni Jungkook at ngumiti lang naman kami sa kanila.
"Yo Yeri!" parang kinakabahan pa na bati ni Taehyung sa kanya. "What's up?!"
"I'm fine Tae. How 'bout you?" nakangiting tanong sakanya ni Yeri. Halata sa itsura niya na kakaiyak niya lang.
"Syempre. Okay lang! Eto, pogi paden!" ng dahil doon, binatukan siya ni Jungkook.
"Pinapairal mo na naman kayabangan mo." Jungkook. "Magpapaalam lang ako sa inyo. Ihahatid ko muna si Yeri sa room nila. Pwede na kayong mauna." nakangiting sambit ni Jungkook at nagdadalawang isip naman kaming tumango.
"Ah. Ihahatid mo siya?" Sana.
Ngumiti siya, "Oo."
"Kung ganon. Sige, mauna na kami ha!" Taehyung.
"Oo nga." ako.
"Sige."
"Ingat kayo." Yeri.
"Thank you. Kayo din." Taehyung.
Tumalikod na kaming tatlo at bilis lumakad pabalik sa room. Nung makalayo na kami sa kanila.. nagsalita naman si Taehyung.
"Hindi ba nag-iisip si Jungkook? Eh.. magkatabi lang kaya yung room natin at room nina Yeri. Pwede naman silang makisabay sa atin." sabi ni Taehyung
"Hayaan mo na nga." natatawa kong sambit.
"Mahal niya pa nga." napaharap naman kami ni Taehyung kay Sana. "Halata sa mga ngiti niya kanina."
"Me too." Taehyung.
"Told 'ya." natatawa kong sambit. "Mahal na mahal ni Jungkook si Yeri. Mahal na mahal. Sobra." nakangiti kong sambit at ngumiti lang naman silang dalawa. Tsaka papabalik lang naman kami sa room. Nagulat ako ng kami palang na grupo ang nakabalik. Siguro, kami palang yung group na tapos ng nakalinis. Eh nakikita pa namin kase yung iba naming kaklase na naglilinis pa.
Napapaisip ako.
Kung wala si Yeri sa mundong 'to, sino kaya ang mamahalin ni Jungkook?
. . .
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fiksi Penggemar❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3
