Tzuyu's POV
"Nakakapagod!" napaharap naman kami sa napasigaw, si Hoseok oppa. Tsaka pumapasok na ang iba naming kaklase.
Pero wala din namang kaming period. Busy ata mga professors and staffs ngayon. Yey! Makakapahinga din ako at ang precious brain ko sa wakas. Kekekke.
Pero hanggang ngayon, wala pa din si Jungkook.
"Parang kagwapuhan ko lang. Nakakapagod." Taehyung.
"Ulol! Meron ka ba non?!" Hoseok oppa. Baka magtalo na naman sila eh.
"Oo eh. Ako pa!" sagot niya at nagpapogi pose naman siya agad.
"Support nalang nga kami." natatawang sambit ni Sana.
Tapos maya maya, nandyan na talaga lahat na mga kaklase namin. Pero.. aish. Wala pa talaga si Jungkook. Ang lapit lapit kaya ng room nina Yeri? Hays.
"Oh.. saan si Jungkook?" napaharap naman kami kay Jin oppa na nagtatanong. Nagkakatinginan lang naman kami nina Sana at Taehyung.. kung sino ba talaga ang sasagot.
"Ah.. ano.. hyung! Nagpasyal pasyal muna yun kung saan saan lang. Susunod na din naman yun." sagot ni Taehyung at napatango tango lang naman sina Namjoon oppa.
Pero ba't kaya ang tagal tagal naman niya? Nakikipag-usap pa ba siya kay Yeri?
Ano ba yan! Dapat di ako nag-aalala dito. I should be happy for them. Dahil nandyan na si Jungkook para kay Yeri. Yiiieeee.
"Wala pa bang professor?" tanong sa kanila ni suga oppa.
"Wala pa. Busy pa daw eh." sagot naman ni Jeongyeon.
"Yun! Matutulog muna ako." natatawang sambit ni Suga oppa at ipinatong na ang ulo sa desk niya.
"Ako din." panggagaya ni Jimin na ipinatong din ang ulo sa desk.
Nanatili lang kami dito sa loob ng room. Habang yung iba ay nagsilabasan at nagrerebelde naman. Yung iba dito sa aming room, nag-uusap at nagpapaganda. Tapos yung mga kasama ko naman dito ay madalas nag-uusap at nagpphone lang naman.
Pero wala pa din talaga si Jungkook. Kanina pa yun ah?
Hala. Ba't ko yun iniisip? HAHAHAHAHAHA! I'm crazy na po. Wag niyo nalang akong isipin.
"Lol. Ba't ang tagal tagal ni Jungkook?" natatawang tanong ni Mina. "Siya nalang ang kulang sa atin eh." natatawa niyang sambit.
"Ewan ko saang lupalop yun pumunta. Basta ang sabi eh, papasyal. Baka nakidnap na yun ng tuluyan." sabi ni Taehyung.
"Wag kayong mag-alala, nandito na ako." napaharap naman kaming lahat sa nagsalita. Tsaka nakita namin si Jungkook. Na grabe ang ngiti sa kanyang labi.
"Nandyan ka na pala!" gulat na sambit ni Nayeon at Chaeyoung.
Tumabi naman siya kina Jin oppa at tumango tsaka nakita niya namang knock down sina Jimin oppa at Suga oppa. "Ba't sila ganyan?"
"Kasi natutulog sila Kook. Ganon." seryosong sagot niya kay Jungkook. Nagtaka naman si Jungkook at natawa nalang kami dito.
"Ayos mong kausap Tae ah." Jungkook. Lol. Grabe talaga ang ngiti niya ngayon.
"Saan ka ba galing?" tanong sa kanya ni Momo.
"Pasyal pasyal lang kahit saan." sagot niyang nakangiti.
"Eh ba't grabe ang ngiti mo?" Namjoon oppa.
"Oo nga." Dahyun.
"Bawal na ba talagang ngumiti ngayon?" yung sinabi niya iyon, napatingin naman ako kina Sana at Taehyung. Tsaka parehas siguro kaming iniisip ngayon.
"Wala lang. Nakakapanibago lang naman eh." biglaang salita ni Jihyo.
Tumango lang naman si Jungkook at nakita naming kinuha niya ang kanyang phone at pabigla bigla nalang siyang napapangiti. Okay lang ba 'to si Jungkook?
Ganon na ba talaga siya kasaya?
Yiiieeeeeee.
"Huy.. okay ka lang oppa?" tanong sa kanya ni Chaeyoung at napaharap naman sa kanya si Jungkook.
"Of course.. ba't naman ako di magiging okay?" natatawa niyang tanong.
"Grabe ang ngiti naten ah." Nayeon.
"Ah.. wala lang naman." sagot niya at tsaka naman ibinalik ang tingin niya sa phone at ngumiti uli.
"Puta." napaharap naman kami lahat sa nagmura, kay Taehyung. "Maya maya talaga Kook, pwede na talaga kitang masuntok eh para kang gago na ngumingiti dyan. Oh pwede na ding magpatawag ako ng ambularyo para alisin ang espiritu na sumapi sayo!" sigaw niya kay Jungkook.
"Ang KJ mo Mr. Kim!" sigaw niya kay Taehyung.
"Baliw ka Mr. Jeon!" sigaw niya din kay Jungkook.
"KJ!"
"BALIW!"
"Wag kayong maingay please.. may natutulog dito."
"Maya maya, puputulin ko ang mga ano niyo dyan pag umingay pa kayo. Mga deputa."
Napaharap naman kami sa mga nagreklamo. Lah. Si Suga oppa at Jimin oppa nagising.
"Tatahimik na mga sleeperist. Tatahimik na." sarkastikong sambit ni Taehyung. "Ang manyak mo hyung. Putol ng ano? Putulin ko gilagid mo dyan eh."
"Kaya nga." Jungkook.
Natatawa lang naman kami dito. Grabe talaga 'to sila.
Wala lang kaming ginawa dito. Kundi nagpphone lang naman dito. Social media. Facebook. Scroll scroll lang naman sa News Feed.
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Фанфикшн❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3
