Tzuyu's POV
-🔖-
[Time Check: 12:00 P.M.]
Dalawang oras din kaming nasa World of Fun. Nag-enjoy kaming lahat sa laro. Lalo na yung naglaro kami ng basketball. Tapos sumakay pa kami sa 'carousel'. May napanalunan si Chaeyoung na mini teddy dahil nanalo siya sa paglaro niya ng 'Get Me'.
Kumain muna kami sa McDo para sa lunch namin. Tapos kinuha muna namin ang mga pinamili naming sweets and books. Tapos nagplano na kaming lumabas sa mall, kasi ang usapan namin sa chat hanggang 12 lang kami ng tanghalian.
Dumiretso naman kami sa parking lot at hinintay namin si Chaeyoung with her car.
"Ano, nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Sana.
"Of course, yes!" sagot ni Dahyun.
"Lalo na yung naglaro tayo sa arcade. Ng basketball. Nafefeel ko tuloy yung pagkaboyish ni Momo." natatawa na sambit ni Nayeon at nakatanggap naman siya ng batok mula kay Momo.
"Baliw. Hindi kaya ako boyish. Ang ganda ko naman para maging boyish. LUH." angal ni Momo. Si Momo kase ang parang lalaki pumorma samin.
"Buti pa si Chae, napanalunan ang mini bear. Sana all!" reklamo ni Sana.
"Oo nga eh." sambit ko.
"HAHAHA, next time kayo naman!" Chaeyoung na nilagay sa tabi niya ang mini bear na napalunan niya. Color brown siya tapos ang cute pa.
"Hoy Tzuyu, Jeongyeon, Chaeyoung at Momo! Bigyan niyo na kami mamaya sa kotse ng sweets." sambit ni Dahyun.
"Ay oo nga pala. Hehe, hingi kami ah?" tanong ni Nayeon.
"Yeah, yeah. Don't cha worry. Bibigyan namin kayo. Marami kaya 'tong pinamili naming sweets. Right?" tanong samin ni Jeongyeon.
"Yeah." sabay na sagot namin ni Momo.
Nakita namin na pinapatakbo na ni Chaeyoung ang kanyang kotse papunta sa direksyon namin. At tumigil naman ito sa amin.
"Nandyan na si Chae eh. Tara na." aya ni Sana at tumango lang kami.
Sumakay na kami sa kanyang kotse at umupo ako don sa dati kong pwesto, at katabi ko uli sina Jeongyeon. Nung nakasakay na kaming lahat, nagstart nang magdrive si Chaeyoung. Medyo malayo pa ang Trinoma mula sa village namin.
"Hoy, hingi na kami ng sweets." agad na bungad samin ni Sana.
"Ayt oo nga pala. Teka lang." sambit ko at kinuha ko yung mga pinamili namin nina Jeongyeon na sweets na ishashare kina Sana.
Kumuha ng tatlong supot si Jeongyeon at nilagyan ko ng mga candies, lollipops at gummy bear. Nakaseperate na yung sweets namin nina Chaeyoung, Momo at Jeongyeon. Tapos binigay ko yun kina Sana, Nayeon, at Dahyun yung mga supot na nilagyan ko ng mga sweets.
"Wow, ang dami. Thank you sa inyo." sambit ni Nayeon.
"Mukhang magkakaroon ata ako ng diabetes neto pag kinain ko 'to ng isang minuto lang. De biro lang." natatawa na sambit ni Sana. At natawa naman kami. "Thank you nga pala."
"Thank you, sarap neto." sambit ni Dahyun.
"Wala yo'n." sambit ko.
"Binilhan namin talaga kayo ng sweets." sambit ni Jeongyeon at tumikim ng isang gummy bear sa binili niyang sweets.
"AYIIIEEEE, ang sweet. Sorry ha di namin kayo nabilhan ng stuffs. Next time nalang." sambit ni Nayeon.
"Hinde, okay lang samin yun. Basta nabilhan namin kayo, diba Jeongyeon, Momo at Tzuyu?" sambit ni Chaeyoung habang nagdridrive.
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfiction❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3