DAHYUN
Nagkita kami lahat dito sa park at kumpleto naman kaming lahat. Hindi na namin mapigilang mapaiyak. Nalulungkot kami. Sinabing tumalon daw sa mataas na building si Tzuyu. Tsaka sinadya niya talaga yun na wag na mabuhay. Parang binabangungot lang kami ngayon. Parang gusto ko nalang umiyak ng umiyak. Gusto kong panaginip nalang 'to lahat. Nasasaktan kaming lahat dito. Ni wala man lang kaming alam na nangyayari na yun. Di man lang namin naisip si Tzuyu. Kaya parang walang kwenta kami sa kanya eh wala lang man kaming may naitulong sa kanya.
Nang dahil lang naman 'to kay Jungkook eh! Nakakainis siya!
"Ayaw ko maniwala! Hindi ako naniniwalang ginawa yun ni Tzuyu!" sigaw ni Sana habang umiiyak. Yinakap lang naman si Jeongyeon.
"Hindi ako papayag na mawawalan na siya ng buhay! Ayokong maniwala! Hindi 'to totoo!" sigaw ko.
"Buhay si Tzuyu.. hindi siya nagpakamatay. Di'ba?! Nananaginip lang tayo?!" naiiyak din na sigaw ni Momo.
"Gising tayo ngayon. Hindi tayo nananaginip." sambit na seryoso ni Suga hyung at mas lalo naman kaming umiyak. Parang ang hirap talagang tanggapin.
"Si Jaemin na mismo ang nagsabi sa akin na ganon. Siya ang nakakita. Totoo, nagpakamatay si Tzuyu." sabi naman ni Taehyung na kusa may mga luha ng tumutulo sa kanyang mata.
"At nang dahil naman yun kay Jungkook!" malakas na sigaw ko na mas lalo namang kinaiyak namin dito.
"Walanghiyang lalaki yun, hinding hindi ko siya mapapatawad." Namjoon oppa. "Hindi man lang siya naawa kay Tzuyu?!"
"Pero bakit? Hindi agad sinabi sa atin ni Tzuyu? Bakit umabot sa point na ganito? Eh di'ba sana natulungan pa natin siya?" naiiyak na tanong ni Nayeon. "Wala tayong kwenta eh! Di man lang natin sya inaalala!"
"Siguro hindi niya yun naisabi satin dahil baka mag-aalala lang tayo sa kanya." Jin oppa.
"Pero.. hindi ko kayang mawala si Tzuyu dito. Ang hirap. Sobra." sabi ko. Ramdam ko ang kirot sa puso ko ng naaalala ko si Tzuyu. Hindi ko akalain na gagawin 'to ni Tzuyu.
Nang dahil ba 'to kina Yeri at Jungkook?! Mga walang hiyang tao yun! Mga walang awa!
"Girls, naiintidihan naman namin kayo. Pero kumalma na kayo. Wag na kayong umiyak. Magdasal nalang tayo na maayos na ang lagay ni Tzuyu at may chance pa siyang mabuhay dito sa mundo. Lalaban si Tzuyu." pagpapakalma na sambit ni Jimin sa amin at hindi ko alam, bigla bigla nalang akong napakalma ng narinig ko ang boses niya.
Parang pinapalambot ka kasi ng boses niya. Ganun. Hays naman crush. Pero ang lungkot lungkot talaga. Ikaw kaya mabalitaan mong nagpakamatay ang bestfriend mo.. hindi ka iiyak?!
"Oh! Nagtext sa akin si Jaemin! Punta tayo sa Gonzalez Hospital at andoon daw si Tzuyu!" sambit ni Taehyung at mukhang nataranta naman kami dito.
Parang takot akong makita si Tzuyu na ang lapsi at duguan. Mukhang malayo sa normal na Tzuyu. Sobra. Feeling ko, iiyak lang ako doon at mas lalo lang akong masasaktan. Parang hindi ko talaga kaya. Ang hirap.
"Tara na!"
Sumakay kami lahat sa kotse ni Namjoon oppa. Medyo mabilsi siyang nagmamaneho ngayon. Pero hindi talaga namin mapigilan na mapaiyak na naman kami dito sa loob. Papunta pa lang kami, sobrang kinakabahan na kami. Ano pa kaya kung makita namin si Tzuyu? Tsaka ang masakit.. hindi pa alam ni Mommy niya at Kuya niya. God! Paano namin 'to sasabihin sa kanila? Sobra kaming kinakabahan.
"Girls.. wag na kayong umiyak. Hindi talaga matutuwa si Tzuyu kapag makita niya kayong ganyan. Isipin nalang natin na hindi siya mawawalan ng pag-asa. Please." pagpapakalma samin ni Jin oppa.
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfic❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3