t e n

654 70 9
                                    

Tzuyu's POV

-➿-

[Time Check: 8:58 A.M.]

"Thank you po manong." sambit ko at binigay sa kanya ang pamasahe ko. Bumaba na din ako sa taxi at hinanap sina Momo.

Lumakad lakad ako sa paligid ng park. Ang tahimik naman dito. Saan naman sila naghintay?

"Tzuyu! Dito kami!" napalingon naman ako sa sigaw ni Momo. Agad ako lumapit sa mesang tinatambayan nila. Medyo malayo kasi sila sakin.

Nung nakalapit na ako sa kanila, "Hi! Sino pa ang kulang?"

"Si Sana nalang." sagot ni Jeongyeon.

Napatingin naman ako sa suot nila. Wow, ayos na ayos silang lahat ah.

"Ang pinakauna daw si Momo at Dahyun?" tanong ko.

Natawa naman si Chaeyoung. "HAHAHA oo. Akala pa nga nila sila nalang yung hinihintay e."

"Eh diba usapan 8? HAHAHAHA. Advance ata yang mga relo niyo e." natatawa na sambit ni Jeongyeon.

"Sorry na. Excited lang naman kami e." napakamot sa ulo na sambit ni Momo.

"Ang importante, nandito na kami. At di kami parehas ni Sana na bagal mag-ayos!" sabi ni Dahyun at nag-apiran pa sila ni Momo. Close talaga 'tong dalawa na to.

"Saan na ba daw si Sana?" tanong ni Nayeon sabay tabi kay Chaeyoung.

"Sabi sa phone eh papaalis pa lang." sambit ni Jeongyeon na nakaharap sa phone niya.

"Hindi pa din talaga nagbabago si Sana." sambit ni Momo.

"Mabagal pa din as always. HAYS. San ba nagmana yan?" tanong ni Dahyun.

"Aba malay namin. De tanong mo sa kanya mamaya. HAHAHAHA." sabi ni Chaeyoung.

"So..next time nalang ba talaga sina Jihyo at Mina?" tanong ko sa kanila.

"Oo daw. Si Jihyo may pupuntahan with her parents. Tapos si Mina may aasikasuhin pang importante." sagot ni Jeongyeon.

"Nandyan na ba si kuya Sehun mo, Tzuyu?" tanong ni Momo.

"Ayt, oo nga pala. Kamusta na si kuya? Wala na bang bubble tea?" Dahyun.

"Send regards ha?" Nayeon.

"Wala siya sa bahay, nasa school niya. Sige paregards ko kayo at sasabihang librehin kayo uli ng bubble tea." ako.

"YEHET!"

"Huy, kalat sa facebook na uuwi daw ng pinas si Jungkook. Yung kaibigan ni Hoseok." sambit ni Momo.

Jungkook? Uuwi sa pinas? Diba nasa states yun

"Weh? Sure? Uuwi na siya dito sa pinas?"
tanong ni Dahyun na di makapaniwala.

"Oo. Ayaw niya kasi mag-aral doon sa States. Mas gusto niya pang mag-aral dito kasi nandito nga sina Hoseok." sambit ni Momo. "Dito siya sa St. Claire kase sina Hoseok eh sa St. Claire na mag-aaral."

"Oo. At araw araw ko na makita si Jimin. HAHAHAHA." biro ni Dahyun.

"Baliw na baliw ka talaga kay Jimin no? Si Jungkook ang usapan dito. Excuse me lang ha?" mataray na sambit ni Momo kaya napabusangot nalang ng tuluyan si Dahyun.

Jungkook.. yung lalaking siya lang ang kilala ko sa BTS. Yung nagwagwapuhan ko. Aaral siya sa St. Claire?

"Kelan ba kase babalik yang Jungkook na yan?" tanong ni Chaeyoung.

"Baka daw this week." sagot ni Momo.

"Hala paano na yan. Kumpleto na sa susunod ang BTS. Pag sa St. Claire, hahabulin at ikakabaliwan naman niyan sila ng mga fangirls nila." sambit ni Jeongyeon.

"Yeah right. Yung mga babaeng patay na patay sa kanilang kagwapuhan." sambit naman ni Nayeon.

"Hoy Tzuyu. Tahimik ka ata? Babalik daw si Jungkook. AYIIEEEEEE." Chaeyoung.

"Ha?"

"Hangbingi mo. Babalik na si Jungkook ng bansa kako! AYIEEEEE. Diba siya nagwagwapuhan mo sa BTS? Magiging kaklase natin sila." tukso saken ni Chaeyoung. "AYIIIEEEEE, JUNGKOOK SI TZUYU."

"Tumigil ka nga." saway ko sa kanya. "Wag ka ngang ganyan. Oo siya yung nagwagwapuhan ko sa BTS. Pero wag mo nga akong asarin. Di ko pa nga nakikilala masyado yung tao eh."

"Oo na. Sorry na." natatawang sambit ni Chaeyoung.

"Taena. Paghihintayin lang ba tayo ni Sana dito? Eh quarter to nine na, wala pa rin siya." naiirita na sambit ni Momo.

"Dinaig pa ata ang turtle sa kabagalan niya e. Tangina." Dahyun.

"Yo! Nandito na ako, Sana! The one and only!" napalingon naman kami lahat sa kanya. Tapos ngiting ngiti pa.

"Ngiti ngiti mo? Ikaw nalang ang hinihintay!" sigaw ni Momo.

"Ba't ang tagal mo? Kanina ka pa ah." tanong ni Nayeon.

"Of course, nag-ayos pa ako no. Bakit? Sobra ba akong matagal?" tanong pa niya. Wow, di ba obvious?

"Sobrang matagal." sabi ni Jeongyeon.

"AISH. So ano, magdaldalan lang tayo dito? Tara na. Nandito na si Sana. Masasayang oras natin." sabi ko.

"Yeah right! Tara na." Dahyun.

Tumayo kaming lahat at lumabas kami sa park. Pinaandar muna ni Chaeyoung ang kanyang kotse. Nung pinainitan niya na 'to, sumakay na kaming anim sa loob. Ang magdrdrive si Chaeyoung. Ang nasa passenger's seat ay si Sana. Tapos ang nasa likod nina Sana ay ako, si Jeongyeon at Nayeon. Tapos ang nasa likod naman namin ay si Dahyun at Momo. At sinimulan nang pinatakbo ni Chaeyoung ang kanyang kotse.

"Huy, pagkarating agad natin sa mall, diretso tayo DQ. Nacrave ako sa Oreo Cheesecake ice cream." sambit agad ni Momo.

"Sige! Parang nagutom ako bigla." sambit ni Chaeyoung at natawa naman kaming lahat.

. . . . .

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon