TZUYU
Nakarating na din kaming lahat dito sa cottage na sinasabi ni Jaemin sa amin. Tsaka halos nagutom lang kami ng may nakita kaming maraming pagkain na nakahain sa table.
Grabe naman 'tong ginawa ni Jaemin sa amin. Ang sobrang bait niya talaga. Bago kami kumain, pinakilala niya kami lahat sa Mama and Papa niya.
Tsaka halos matulala lang kami sa mga parents niya. Dahil kahit matatanda na ang mga parents niya, nagmumukhang bata pa din yung mga itsura nila. Hindi lang sila basta basta na mayaman at magaganda't gwapo, ang sobrang bait nila at tsaka palangiti sila sa amin. Kaya nga nagmana dito si Jaemin sa kanila eh. Ang gwapo tsaka ang bait niya.
Pagkatapos 'non, iniwan na kami ng mga parents niya dito at tsaka sinabihang mag-enjoy nalang kami sa pagstay namin dito sa Nana Resort.
"Omg! Ang daming masasarap na pagkain! Eto ang hinihintay ko eh!" naeexcite na sambit ni Dahyun.
"Oo nga." sang-ayon naming lahat dito. Nakakagutom naman talaga ngayon eh. Ang sasarap ng pagkain. Tsaka naman ako natatakam nung nakita ko yung favorite food.. fish fillet. <3 Hehehe!
"Yun nga sana ang sasabihin ko, kakain na tayo." natatawang sambit ni Jaemin sa aming lahat. "Tsaka.. syempre. Pray muna tayo." nakangiting sambit niya.
"Ako nalang magppray!" naeexcite na sambit ni Chaeyoung tsaka napatango naman kaming lahat dito.
"Sige. Simulan mo na." nakangiting sambit ni Jaemin sa kanya. Tsaka nagsign naman kami ng cross lahat. Tsaka tumahimik kaming lahat saglit.
"Lord, thank you for the blessings that you give to us. And also, thank you po sa masayang araw na 'to na magkasama kaming lahat ngayon. Sana po, wala pong masamang mangyari sa araw na 'to at masaya ang pagcelebrate naming lahat dito."
"Also, Lord. You give Tzuyu another chance to live here. Thank you po dahil naging okay na ang lahat.. sina Jungkook at Tzuyu. Kung wala ka po, sana hindi po 'to mangyayari."
"Thank po talaga Lord. Thank you thank you! Amen." nakangiting sambit ni Chaeyoung tsaka nagsign naman kami ng cross lahat lahat dito.
Pagkatapos 'non, nagtinginan naman kaming lahat lahat. Pero maya maya napasigaw si Taehyung, "Ano pa ang hinihintay natin? Kainan naaaa! Para kina Jungkook at Tzuyu!" naeexcite niyang sambit at tsaka nang dahil doon ningitian nila kami lahat lahat. Tsaka lang naman kami napangiti ni Jungkook sa kanila.
Tsaka nagsikuha na ng pagkain yung iba. Natawa nalang ako at kumuha nalang din ako ng pagkain ko. Talagang inuna ko yung fish fillet. Tingin pa lang nasasarapan na ako eh. Tsaka kumuha din ako ng cupcake tsaka konting steak. Tsaka kumuha ako ng tubig ko tsaka na ako umupo doon sa bandang gilid.
Habang kumakain ako, pinagmamasdan ko lang yung mga kaibigan ko na ang sobrang saya habang kumakain. Nagtatawanan pa silang lahat at mukhang sarap na sarap sila sa kinakain nila.
Tapos nilipat ko naman ang tingin ko sa mga boys, yun.. nagtatawanan naman sila habang kumakain. Pinagtatawanan nila si Taehyung dahil napaso yung dila niya sa hinigop niyang vegetable soup. Sabi kasi ni Hoseok oppa hindi daw yun mainit.. pero mainit yun. Tsaka naniwala si Taehyun at talagang hinigop niya yun. Tsaka grabe naman sila makatawa kay Taehyung. Ang sakit lang 'non sa sila.
Kumain lang naman ako dito at nahagip ng mata ko na nagsusubuan ng pagkain si Kuya Sehun at Lisa unnie. Natatawa nalang ako ng mahina dito. Iba din silang dalawa eh 'no. Kelan kaya magigin sila? Excited na ako. Napapailing nalang ako dito habang kumakain ng fish fillet.
Tsaka ko naman nilipat ang tingin ko kay Jaemin at Yeri. Natatawa lang naman silang dalawa sa nangyayari kay Taehyung. Pansin niyo? Sila lang dalawa yung matino sa amin eh. Di namin sila nakita na naging baliw kahit minsan lang. Tapos sila din yung couple na hindi showy at malambing sa isa't isa.. hindi gaya kina Kuya Sehun at Lisa unnie. 😂✌ Peace na.
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfiction❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3