f o u r t e e n

545 50 0
                                        

Tzuyu's POV

-🔗-

[Time Check: 9:37 A.M.]

"Hoy." bungad ko sa kanila pagkabalik ko sa table namin.

"Ba't ang tagal mo? Enjoy na enjoy ka atang tumambay sa CR?" biro ni Momo.

"Baliw. Nag-ayos lang ako." sambit ko. Tinignan ko ang kanilang mga baso at ubos na yung kanilang mga ice cream.

"Saan tayo sunod?" tanong ni Nayeon.

"Dun tayo sa taas! Bili tayo mga damit and accesories!" suggest ni Sana.

"WAAAAAH! Sige, gusto ko yan!" naeexcite na sambit ni Nayeon.

"Pero gusto namin ni Jeongyeon sa Book Store." malumbay na sambit ni Chaeyoung.

"What if.. hiwa hiwalay nalang tayo? Pero may kasama lang? Then.. magkita kita nalang tayo sa baba mamaya. Agree?" tanong ni Momo.

"Agree!" kaming lahat.

"Sama nalang ako kina Sana." sambit ni Dahyun. "Gusto ko din makabili ng mga new clothes."

"Sama nalang ako kina Chaeyoung." sambit ko. Book lover ako eh.

"Tapos ako kina Chaeyoung nalang din." sambit ni Momo.

"Okay. Ang sasama samin si Tzuyu, Chaeyoung, at Momo. Tapos kayo dyan ay sina Dahyun, Nayeon at Sana." sambit ni Jeongyeon.

"Oo. Kita kita nalang tayo sa baba ha?" sabi ni Sana.

"Oo." sabi ko.

Lumabas kami ng Dairy Queen. Tapos nagkahiwalayan na kami. Yung iba nasa Fashion Girls section na. Ang kasama ko nalang dito ngayon ay si Jeongyeon, Chaeyoung at Momo. HAHAHA. Trip naming papunta sa National Book Store. Papataas na din kami papuntang National Book Store.

- At National Book Store -

[Time Check: 9:48 A.M.]

Nandito na din kaming apat. Medyo madaming tao dito. Sale ata ng mga books dito ngayon.

"WAH girls! Sale ngayon. And I'm sure makakabili talaga ako ng book dito." natataranta na sambit ni Jeongyeon.

"Ako rin! Tara, hanap tayo ng books." sambit ni Chaeyoung. Tapos tumango lang kami.

Sina Jeongyeon at Chaeyoung nasa section ng 'anime'. Mga adik yan sa anime. Yung mga japanese na mga comics ba? Tapos si Momo nasa novel section. Ako? Hehe. Nasa romance section. Yes, bumabasa ako niyan lalo na pag ang author si Stephenie Meyer, J.K. Rowling at si Nicholas Sparks ang author. Mahilig ako sa books na may genre na romance at novel.

Tapos nakita ko yung books ni Stephenie Meyer na The Breaking Dawn, at Twilight. Kinuha ko agad yun at tinignan ang price. At nagulat ako dahil mahal pa din ang book. Hays, better next time nalang ako bibili pag marami na akong pera.

Lumapit ako kay Momo na kanina pa naghahanap ng novel book, "Oh ano, may bibilhin ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Eto oh." sabi niya at hinarap niya sakin ang book na Diary of a Wimpy Kid by Jeff Kinney.

"Hays. Hilig ka pa din sa novel no?" tanong ko at tumango naman siya. "Buti ka pa may bibilhin na book." sambit ko at napakamot sa batok ko.

"Ha? Ikaw ba? Wala ka bang bibilhin?" tanong niya habang chinecheck ang book.

"Meron sana. Pero naisipan kong sa susunod nalang pag may sapat na akong pera." sambit ko. "Pero samahan mo nga ako maghanap ng iba."

"Sige. Tapos pag may napili ka na, sabay tayong dalawa babayad sa cashier." sabi niya at tumango lang ako.

Sinamahan niya naman ako humanap ng mabibili na books. At nahuli ko yung libro na Harry Potter: The Half Blood Prince sa pinakataas na shelf. So lucky, kasi isa nalang ang natitira.

"Teka.. Tzuyu! Pupuntahan ko lang sila doon ni Chaeyoung. Tawagin mo ako pag babayad na tayo ng book." sambit ni Momo at tumango lamang ako habang nakatingin pa din sa book.

Yung book na Harry Potter, nag-iisa nalang sa taas ng shelf. And yes, bibilhin ko nalang siya. Chance ko na 'to. Sale pa naman ngayon. Pinilit kong inabot ang shelf pero ang taas at di ko maabot. Tumihin pa ako ng todo at di ko pa din maabot yung book. Sinubukan kong tumalon ng mataas pero kahit ano pa ang kaya ko, di ko talaga maabot ang book. ARRRRGH, malas. Ang taas kasi ng shelf.

How lucky I am (: :)

Napayuko lamang ako. Ba't ba lahat ng gusto ko di ko makuha? Ang swerte ko talaga ngayon.

Pag-angat ko ng ulo ko, nagulat nalang ako ng may lalaki nang nakatayo sa harap ko. At laking gulat ko kinuha niya yung book na Harry Potter sa mataas na part ng shelf. At binigay yun sa akin ng diretso na wala pa akong isinabi na salita.

Wala akong masabing salita. Nagulat ako sa ginawa niya. Siya yung taong nakabunggo ko kanina sa cr sa DQ. Siya yun. Nakilala ko siya dahil sa height at mata niya.

Magpapasalamat na sana ako ng tumalikod na agad siya sakin ng walang sinabi. At nakita naman yung 'alone' sa likod ng jacket niya. And obviously, naiwan na naman ako na nakatanga dito. Wala pa nga akong sinasabi, eh iiwan na ako agad? Di pa nga ako nakapagpasalamat e.

"Napakamisteryoso ng lalaki na yun." sabi ko sa sarili ko at napatingin sa libro. "Pero salamat talaga sa'yo at inabot mo yung book na 'to na para lang sa akin. Your my savior." sambit ko at tumingin sa paligid ng mall. At nakita ko siya sa malayo at alam ko sakin siya nakatingin. Ningitian ko lang siya.

Hey Harry Potter book, you're mine later.

Hinanap ko sina Momo at nandon siya kina Jeongyeon. Lumapit ako sa kanilang tatlo. "Hey!"

"Uy Tzuyu!" Momo. "Ano, may napili ka na bang book?" tanong niya.

"Oo naman. Kayo Chaeyoung?" tanong ko.

"Yes! Comics ng mga anime!" sambit niya at ipinakita ang comics ng anime.

"Parehas nga kami ni Chae eh!" sambit ni Jeongyeon at ipinakita ang comics na kaparehas lamang sila ni Chaeyoung.

"Tara, bayad na tayo sa cashier?" aya ko sa kanila.

"Tara."

Sabay kaming apat papunta sa cashier para bayaran ang mga books na bibilhin namin.

Hays, naisip ko tuloy yung boy.

Ng di dahil sa kanya, sana ngayon di ko hawak hawak tong libro ngayon.

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon