o n e h u n d r e d e l e v e n

290 21 17
                                    

TZUYU

"Wooow! Kuyaaa! Thank you sa mga binigay mong mga candies ha!" natatawang kong sambit habang tinanggap ko yung mga candies na ipinamigay niya sa akin.

"Wala yun kapatid 'no! Yan yung kapalit sa mga binigay mo sa akin noon. Ang liit ng mga pinabigay mo sa akin eh. Pasalamat ka, mahal kita. Kaya dinamihan ko na. So.. appreciate your handsome brother love sis huh?"

Kunwari ko naman siyang tinignan ng masama, "Ulok ka Kuya! Okay na sana eh eh may nalalaman ka lang handsome handsome dyan. May lahi ka ngang talagang sinungaling." napapailing iling na sambit ko. Tsaka nanlaki naman ang mata niya kaya natawa ako.

"Hoy kapatid ha! Dinadown mo na naman ako!"

"Joke lang! Ang yabang mo kasi masyado!" natatawa kong sambit. Pero maya maya napatingin siya sa mukha kong nagtataka.

"Bakit Kuya? May dumi ho ba sa mukha ko?" tanong ko.

"Umiyak ka ba Tzuyu?"

Nang dahil doon, natigilan naman ako. Nahalata niya pa talagang umiyak ako ah.

Natawa ako, "Nako! Kuya! Wala ah! Wala 'to!"

"Talaga ba?"

"Oo naman! Eh ba't naman kasi ako iiyak?!" natatawa kong tanong.

"Yun nga sabi ko. Wala pa si Mommy?" tanong niya

"Wala pa. Dadating din yun 'no. Hintayin nalang natin." sabi ko tsaka naman siya tumango.

"Osige. Bibihis lang muna ako sa kwarto ha? Balik lang ako." paalam ni kuya at tumango lang naman ako.

Tsaka ko naman nilagay sa refrigerator yung mga binigay niyang sweets tsaka kumuha na din ng konti para kainin. Mukhang masarap. Eh masarap naman eh matamis syempre.

Bumalik lang naman ako sa sofa at kumakain lang naman ng candies. Pero napatigil ako sa pagkain. Dahil may nagchat sa akin. Tinignan ko naman kung sino yun.

Kim Yerim
active now

Kim Yerim:
hello tzuyu

Napakunot-noo naman ako ng nagchat sa akin si Yeri. Tsk. Bakit na naman ba?!

Tsaka oo, walang alam si Yeri sa lahat na nangyayari sa mga kaibigan ni Jungkook. Akala niya.. magkakaibigan pa sina Namjoon oppa at siya.


Kim Yerim
active now

Chou Tzuyu:
hello yeri

Kim Yerim:
napapansin ko.. ba't parang hindi na kayo nagpapansinan ni jungkook?

Chou Tzuyu:
ah.. wala lang naman. normal lang naman yun sa amin ah. haha.

Chou Tzuyu:
tangina yeri.. pwede bang tama na?! | deleted.

Kim Yerim:
ah.. ganoon ba? akala ko kasi may masamang nangyari eh. napapansin ko kasi hindi na kayo nagkakasama tulad dati.

Kim Yerim:
hindi ko na kasi kayo nakikitang masaya tulad dati.

Kim Yerim:
ay! kasi kasama ko na pala siya lagi! hahaha!

Chou Tzuyu:
wala yun.

Chou Tzuyu:
oo.. masaya ka na kasama mo na siya lagi? tapos ako dito.. nasasaktan?! | deleted.

Kim Yerim:
nakakapagtaka nga eh parang mas inuuna niya ako kesa sa mga kaibigan niya. parang yung dating boyfriend ko lang siya. hays.

Chou Tzuyu:
may sasabihin ka pa ba yeri?

Chou Tzuyu:
wag mo ng ipamukha yeri. wag na! | deleted.

Kim Yerim:
ah wala na.

Chou Tzuyu:
kung wala na, bye na at may gagawin pa ako.

Chou Tzuyu:
nakakamatay na yeri! | deleted.

Kim Yerim:
sige. ingat!

Kim Yerim:
ba't parang nang-iba na yata si tzuyu sa akin? is she angry to me because lagi kong nakakasama si jungkook? | deleted.

Kim Yerim:
wala ka ng magagawa tzuyu.. sorry. i love jungkook. | deleted.

Kim Yerim:
he's only mine.. only mine. | deleted.

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon