o n e h u n d r e d e i g h t e e n

307 23 5
                                    


TZUYU

Nung sinigaw ko yun kay Kuya, mas lalo lang naman akong umiyak ng umiyak. Mukhang nagulat siya sa sigaw ko dahil parang natigilan siya bigla at nanlaki ang mata niya.

Alam mo na Kuya? Kung ba't ako nagkakaganito?

"Nagkakaganito ako Kuya.. ng dahil kay Jungkook. Ng.. d-dahil sa kanila." naiiyak kong sambit habang nakatingin sa kanya.

"Kasalanan ko naman ang lahat ng 'to eh. Tinulungan ko siya na maging daan ako!" sigaw ko. "Akala ko hindi ako masasaktan. Akala ko hindi ako magkakagusto sa kanya. Pero ano 'to Kuya?! Nangyari na. Gustong gusto ko siya dahil nasasaktan ako ng sobra sa kanya!" sabi ko tsaka mas lalong umaagos ang mga luha ko sa mga mata ko. Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na.

"Sabihin mo nga Kuya, bakit ako naging tanga? Bakit ako nagmahal sa alam ko namang may mahal na siya? Ba't ang tanga tanga ko?" naiiyak ko habang tanong kay Kuya. Pero nakatingin lang siya sa akin.

"SABIHIN MO NGA KUYA! DESERVE KO BA TALAGANG MASAKTAN?! BAGAY BA NA MARANASAN KO LANG YUNG SAKIT?! SABIHIN MO KUYA! DESERVE KO BA NA MAKARANAS NANG SAKIT?! ANO BANG KASALANAN KO?! NAGKAKAGUSTO LANG NAMAN AKO AH!" sigaw ko at halos mapaos na ako sa kakasigaw ko dito. Hindi ko na kaya. Gusto ko nalang mamatay.. ayoko na mas makaranas ng sakit dito.

"PERO DI'BA KUYA?! WALA NAMAN AKONG MAGAGAWA?! SILA NA ULIT EH! AT TSAKA ALAM NAMAN NATIN NA MAHAL NATIN ANG ISA'T ISA! WALA AKONG KARAPATAN SA KANILA DAHIL EPAL LANG AKO! KAHIT SABIHIN KO MAN SA KANILA YUN, WALA SILANG PAKIALAM SA AKIN! DAHIL NGA?! MAHAL NILA ANG ISA'T ISA! WALA NA AKONG PAG-ASA! TALONG TALO NA AKO! MAHAL NA MAHAL NIYA SI YERI?! EH AKO?! GUSTO KO SIYA KUYA! PERO SIYA?! ALAM KONG HINDI NIYA AKO MAGUGUSTUHAN DAHIL MAY MINAMAHAL NA SIYA! TANGINA! BA'T ANG TANGA TANGA KO?!"

Tinignan ko si Kuya at hanggang ngayon.. ang tahimik niya pa din. "ALAM MO NA KUYA?! ANG TAGAL KO NANG NASASAKTAN SA KANILANG DALAWA! ANG SAKIT SAKIT! GUSTO KO MANG MAG-MOVE ON.. PERO.. SHIT! LUMALALA ANG FEELINGS KO SA KANYA KUYA! LUMALALA PA!" pagsisigaw ko habang naiiyak. Gusto ko na ilabas ang loob ko.. gusto ko ilaabas ang mga sakit. Nakakainis sa sarili.

Masyado ng masakit.

"K-Kuya.. bakit ko ba siya nakilala? B-bakit nakilala ko pa s-siya? Ang sakit na eh." nanghihina kong sambit habang nakatingin sa kanya.

Lumapit sa akin si Kuya tsaka yinakap niya lang naman ako. Pinapatahan niya lang naman ako. Pero mas lang akong umiyak ng umiyak.

"A-ang sakit sakit."

"Sshhhh. Tahan na Tzu." pagpapatahan sa akin ni Kuya.

Pero nagulat nalang ako ng may taong humatak sakin palayo sa pagkayakap ko kay Kuya kaya natigil ako sa pag-iyak. Tinignan ko naman si Kuya at mukhang nagulat din siya. Tinignan ko naman yung taong gumawa non. Nanlaki ang mata ko ng may nakita akong babaeng maganda. Sobra.

Teka. Ang familiar niya. Pero parang hindi ko pa siya nakita personally. Ang gulo. Sino siya?

Mukha namang tumahimik dito sa paligid. Tinignan ko lang naman yung babaeng humatak sakin bago lang. Ang sama sama ng tingin niya sa akin kaya bigla naman akong kinabahan. Kilala niya ba ako? Bakit siya ganyan? May kasalanan ba ako?

Lumipat naman ang tingin niya kay Kuya at ganoon din yung tingin niya kay Kuya. Pero si Kuya, tinignan niya lang ito na nagtataka. Naguguluhan ako. Kilala ba ako ng babae na yan? Kilala ba yan ni Kuya? Hay nako!

"S-sino ka--" di na natuloy ang tanong ko ng inunahan na ako ng babae.

"Walang hiya kang lalaki ka! Ipinaglalaruan mo lang pala ako! Akala ko ba magkikita tayo ha?! Yun pala nakikipaglandian ka sa babae mo ha?! Akala ko ako lang babae mo?! Pinaikot-ikot mo lang ako! Tinext mo akong nasa arcade ka, eh wala ka naman doon! Tapos sunod, tinext mo naman akong nasa sinehan ka eh pero wala ka naman! Tapos sabi mo nasa starbucks ka, pero wala ka! Akala mo isang bata lang ako na naliligaw kanina eh nag-aalala na ako kung saan ka! Alam mong hindi ko kabisado dito pero niligaw at niloko mo lang ako! Kaya pala hindi kita nakikita dahil mas inuuna mong makipaglandian sa babae mong yan, mga walang hiya kayo! Yun pa, nandito ka lang pala kasama ang babae mo! Ang lakas ng loob niyong magyakapan ha?! Mga walang hiya! Mga manloloko kayo! Ano bang nakita mo sa babae na yan eh mas charming naman ako sa kanya?! Nagsasawa ka na ba sa akin ha Sehun?!"

Halos nanlaki ang mata ko ng narinig kong mga sigaw niya. Okay. Kilala ko na siya. Yung nililigawan ni Kuya. Si Lisa unnie.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako or hindi sa sigaw niya. Takte. Ako?! Babae ni Kuya?! Wala ba siyang alam?! Hindi ba sinabi ni Kuya na kapatid niya ako?!

Mukhang galit na galit siya sa akin. Nakakatakot siya ngayon. Tama nga si Kuya. Ang bad girl niya. >.<

"Ano pong pinagsasabi mo--" pinutol ni Kuya yung sasabihin ko. >.<

"Ano bang nangyayari sa'yo Lis--" tsaka pinutol naman ng babae yung sasabihin ni Kuya.

"TALAGANG GAGAWA PA KAYO NG KUWENTO HA?! KAHIT GUMAWA PA KAYO NG KWENTO, HINDING HINDI AKO MANINIWALA SA INYO DAHIL NILOLOKO NIYO AKO! MGA WALANG AWA! IKAW SEHUN! TALAGA BANG DYAN KA NA SA BABAE MO?!"

Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi. Tangina talaga?! Ba't hindi niya kaya muna kami patapusin? Para malaman niya na lahat? Nakakatawa na talaga siya eh. Pero pinigilan ko lang.

"Hindi mo--" naputol ang sasabihin ni Kuya. Dahil nagulat nalang ako ng biglang lumapit sa akin yung babae tsaka bigla niya nalang akong pinagsasabunutan dito.

Kaya hindi ko nalang mapigilang umiyak na naman dito. Ang sakit ng pagkasabunot niya sa akin. Abno si Kuya! Talagang papanoorin niya lang ako dito?!  Ang sakit na ha?! TT____TT

Nakakagago naman si Kuya eh!

"T-tama na! Ang sakit!" reklamo ko.

"Bagay lang 'to sa'yo! Inagaw mo si Sehun sa akin!"

Pero hindi ko alam.. habang naiiyak ako.. bigla akong natawa sa sinabi niya. Nakakatawa eh.

"Anong tinawa tawa mo?! Anong nakakatawa?!" sigaw niya sa akin at ipinagsasabunot niya naman ako. Ayaw ko na. Ang sakit na ng buhok ko sa kakasabunot niya.

"Wala kang---"

Di pa tapos yung sasabihin ko ng nabigla ako ng bigla niya akong sinampal.. napa-aray naman ako sa sobrang sakit at hapdi. Kaya mas lalo din akong naiyak.

"Ano ba Lisa! Tama na yan!" naririnig kong galit na sambit ni Kuya. Kusa niya namang tinulak si Lisa-unnie tsaka niya ako inilapit sa kanya. Tsaka din inaayos ni Kuya ang buhok kong magulo tsaka niya pinunasan ang mga luha sa mukha ko. Mas lalo lang akong sumisigok. Dumoble lang yung sakit na nararamdaman ko. Takte.

Deserve ko talagang masaktan sa walang rason.

Hinarap naman ni Kuya si Lisa-unnie. Ang sama pa din ng tingin niya sa amin. At ganon din si Kuya.

Tama nga si Kuya, ang ganda ni Lisa-unnie. Halatang bad girl na sa porma niya. At alam kong.. wala siyang alam na kapatid ako ni Kuya. Nakakainis.

"BAKIT MO GINAWA YUN SA KANYA HA LISA?!" galit na tanong sa kanya ni Kuya Sehun.

"GINAWA?! KASI BAGAY LANG YAN SA KANYA! INAGAW KA NIYA SA AKIN!" sigaw uli ni Lisa-unnie. Nako unnie >.< wala ka pong alam.

"WHAT THE FUCK?! WALA KANG ALAM LISA!" sigaw niya din kay Lisa-unnie.

"WALANG ALAM?! AKO?! WALANG ALAM?! NGAYON.. ALAM KO LANG NA PINAGLALARUAN MO AKO! DAHIL MAY BASURA KA NA! AT SIYA YAN!"

masakit. basura. TT__TT

"DAMN LISA! DAMN! DAMN YOU! DAAAAAMN!"

"WHAT?! AKO PANG PINAGSISIGAWAN MO  DYAN?! IKAW PA MAGAGALIT SA AKIN?! IKAW YUNG NANGBABAE!"

"HINDI AKO NANGBABAE AT HINDI KO SIYA BABAE! PUTANGINA! KAPATID KO SIYA LISA! KAPATID KO!" Sigaw ni Kuya Sehun.

Nanlaki naman ang mata ni Lisa-unnie at mukha siyang natigilan sa narinig niya. Mukhang nagsisi siya yata sa ginawa niya kanina. Dahan dahan niya akong tinignan, gulat na gulat talaga siya. Finally, alam niya ng kapatid ako ni Kuya. :D

I just smiled on her.

Ang sarap sapakin ni Kuya Sehun -.- Nang dahil lang naman 'to sa kanya, nangyari 'to. Sabi niya, nililigawan niya nga si Lisa-unnie. Pero hindi niya man lang sinabi na kapatid niya ako. -.- Siraulo ha! Tsk!

Kung sinabi niya yun na kapatid niya ako, eh sana.. hindi niya ako sinabunutan at sinampal. At ipinagkamalan na babae ni Kuya.

Jusko. Sobrang nakakatawa yung nangyari bago lang.

"K-Kapatid ka ni S-Sehun?" nauutal niyang tanong sa akin.

I smiled, "Yes unnie. And he's my brother for your information."


sorry na 😂

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon