o n e h u n d r e d n i n e t e e n

319 24 8
                                    

TZUYU

Nung ningitian ko siya, hanggang ngayon.. nanlaki pa din ang mata ni Lisa-unnie. Pero hanggang ngayon ningingitian ko lang din naman siya.

"Jusko naman Lisa. Anong ginawa mo sa kapatid ko? Mas lalong nasaktan eh." parang nagrereklamong sambit ni Kuya Sehun.

Pero maya maya bigla nalang ako nilapitan ni unnie tsaka niya inayos ayos yung buhok ko at tsaka yung damit ko na para bang natauhan na siya sa pang-aaway niya sa akin.

"Oh my god! I'm so sorry! Kapatid ka pala  ni Sehun? Akala ko babae ka niya eh kaya nagawa ko yun sorry. Hindi ko talaga yun sinasadya. I'm so sorry very much." paghihingi niya ng paumanhin sa akin.

Ningitian ko lang si Lisa unnie, "Ano ba unnie. Okay lang 'no. Naiintidihan ko naman yun eh." nakangiti kong sambit sa kanya.

"Pero ang sakit din kasi ng ginawa mo sa kapatid ko." napaharap naman kami kay Kuya Sehun. Isa din siya eh, di niya ako pinakilala bilang kapatid niya. >.<

Nakita ko namang dahang dahan napaharap si Lisa unnie kay Kuya Sehun at tinignan eto ng mataray. Hmmm! Tama nga talaga si Kuya 'no. Ang bad girl ni Lisa unnie >.< pero ang ganda ganda niya talaga. Hindi talaga nagkamali si Kuya. Hehe.

"Tapos ikaw, walang hiya ka!" nagulat ako ng biglang sinuntok ni Lisa unnie sa balikat ni Kuya Sehun.

"Aray!" react ni Kuya. Kaya natawa naman ako doon. "Bakit mo ginawa yun? Bakit walang hiya ako?" nagtatakang tanong ni Kuya.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na may kapatid ka sa unang una pa lang! Kaya ayan! Nasaktan ko siya! Kung sinabi mo agad agad sakin na kapatid mo siya, aba edi sana alam ko na!" saway niya kay Kuya at napapakamot lang naman sa ulo si Kuya Sehun. Hmm! Yan kasi!

"Kinakalimutan ako ni Kuya unnie, kaya.. ganon." nakangiti kong sambit.

"Hoy hindi ha!" depensa ni Kuya. "Kasi naman Lisa.. gusto lang naman kitang.. isurprise na ipapakilala sa kapatid ko."

Hays. >.< Oo talaga.

"May nalalaman ka pang surprise eh! Dami mong alam!" sermon sa kanya ni Lisa unnie. At humarap lang siya sa akin. "Pero hey.. sorry talaga sa'yo ha. Di ko talaga sinasadya."

Natawa naman ako, "Ano ba unnie. Oo nga. Okay lang talaga. Promise yan." sagot kong nakangiti.

"So ayun nga.." napaharap ako kay Kuya Sehun na nagsalita. Tsaka nakita ko namang inakbayan niya si Lisa unnie. Nako. Teka. Parang hindi ako sanay na may kasama siyang babae. >.< "Si Lisa nga pala.. yung sinasabi ko sayong.. babaeng nililigawan ko." nakangiti niyang sabi. "Then Lisa.. siya si Tzuyu. Kapatid ko."

"Hi unnie! Nice to meet you po!" natutuwa kong sambit.

Ningitian niya din ako, "Hi Tzuyu. Nice to meet you too. So alam mo nang nililigawan na ako ni Kuya mo?"

Natawa ako, "Of course po! Sinabi sa akin ni Kuya. Kilatisin mo mabuti yan si Kuya ha! Pero suportado po ako sa inyo! Bagay kayo eh!" nakangiti kong sambit sa kanilang dalawa.

Nakita ko namang napatingin sila sa isa't isa saka napapangiti. Mukhang abno si Kuya pag kasama niya yung nililigawan niya. Ayieeee.

"Ano ka ba Tzu! Loyal ako sa kanya no. Gustong gusto ko nga 'to eh." Kuya Sehun.

"I will Tzuyu. And.. thank you na din." nakangiting sambit sa akin ni Lisa unnie.

"So.. magkikita po ba talaga kayong dalawa?" tanong ko sa kanila.

"Yes. We're chatting through chat. Kaya lang nga, niligaw ako ni Kuya mo. Ayun, papauwi nalang sana ako ng nakita ko kayo dito." natatawang sabi ni Lisa unnie. "Pero totoo bang nasa arcade kayo kanina?"

Tumango naman si Kuya, "Oo naman Lis. Pero etong kasi si Tzu.. bigla biglang nagbabago ang isip. Gaya nalang kanina sa sine, di pa natatapos eh aalis na. Kaya di mo kami naabutan." kwento ni Kuya tsaka naman napatango tango si Lisa unnie.

"Pero atleast.. nagkita naman kayo ngayon. Ayieeee!" nakikilig kong sambit. "Pakilala mo na siya kay Mom, Kuya! Matutuwa yun no!" pag-iiba ko ng usapan.

"Yun nga Tzu. Sasama na nga siya sa atin pauwi dahil ipapakilala ko siya kay Mom." nakangiting sambit ni Kuya.

"Hmm.. natatakot ako..magugustuhan kaya ako ni Mommy mo?" confused na tanong ni Lisa unnie.

"Ano ba, of course! Ikaw pa ba? Natatakot ka pa? Mabait si Mommy." natatawang tanong sa kanya ni Kuya.

"Oo nga unnie.. magugustuhan ka yun ni Mommy. Gusto na nga kita para kay Kuya eh." nakangiti kong sambit tsaka naman sila napangiti. Grabe sila ha!

"Yieeee! Thank you Tzu!" nakangiting sambit ni Lisa unnie. Anytime, nakakasoft din si Lisa unnie.

"Kung ganon, tara na. Let's go." aya sa amin ni Kuya. Papapunta na sana kami ng may narinig kaming sigaw.

"TZUYU!"

Nabigla naman ako sa narinig ko. May sumigaw sa pangalan ko. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng nakikilala ko ang boses niya. Bakit ganon? Bakit niya ako tinawag? Bakit na naman?

Dahan dahan akong humarap sa kanya. Tsaka tama nga ako. Nakita ko siya sa kalayuan. Siya lang mag-isa. Pero hindi niya na kasama si Yeri. Bakit niya ako tinatawag? May kailangan ba siya sa akin?

Pero habang tinitignan ko lang siya, mas lalo lang akong nasasaktan. Naaalala ko na naman na magkasama naman sila kanina ni Yeri. Ang sakit.. ang sobrang sakit sakit talaga. Parang ayaw ko nalang siyang tignan. Gusto ko man siyang lapitan, pero hindi pwede. Masasaktan lang ako lalo.

Sorry Jungkook.

Tumalikod na ako at iniwas lang ang tingin ko sa kanya. Bakit niya ba ako tinatawag? May sasabihin ba siya? Nakita niya bang umiyak ako kanina? Shit.

"T-Tara na K-Kuya.. U-unnie. Alis na tayo." aya ko sa kanila.

"Talagang ayaw mo na ba siyang kausapin, Tzu?" tanong sa akin ni Kuya Sehun.

"Ayoko na Kuya. Masyadong masakit na talaga eh." sagot ko sa kanya.

"Wait.. what happened? Umiyak ka pala kanina." tanong ni Lisa unnie.

"I'll explain you later Lisa. Tara na." aya sa amin ni Kuya Sehun.

Tsaka naman kami nakahanap ng Taxi. Ako naman sa passenger's seat. Tapos sila Kuya naman at Lisa Unnie sa likod namin. Mukhang tahimik lang talaga kami. Walang may nagsasalita. Ang awkward nga eh.

"Tzuyu.. pag dating natin agad agad. Mag-uusap tayo." dinig kong sambit ni Kuya Sehun tsaka tumango lang ako.

"T-tsaka pwede kuya? Wag mong ipaalam to kay Mama?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya, "Sure. Secret nalang muna natin." sagot niya at ngumiti lang naman ako.

Napapatingin lang naman ako sa labas ng bintana. Napapaisip.

Bakit mo ako tinawag Jungkook? May sasabihin ka ba? Nakakacurious. Tsaka hindi mo pa kasama si Yeri. Bakit?

Pero ang sakit sakit talaga nung makita ko talaga silang magkasama ni Yeri. Nakakainis. Naaawa na ako sa sarili ko.

Paano ba kita makakalimutan Jungkook? Masyado ng masakit eh.

Bakit ba ako nagkakaganito sa'yo? Bakit nasasaktan ako sa'yo? Bakit pa kita nagustuhan? Pwedeng malaman?

Kasi alam mo? Ang sobrang sakit na talaga.

Ayoko na.. ayoko na. Pagod na ako makaranas sa sakit.

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon