o n e h u n d r e d s e v e n

320 26 15
                                        

Tzuyu POV

"Kaloka naman si Prof kanina! Sarap niyang ipa-Tulfo ha! Nagpaspecial quiz naman tapos yung mga topics.. hindi pa natin alam tsaka hindi nareview?!" pasigaw na sambit ni Nayeon.

Nandito kaming lahat sa field. Lunch time, so yeah.. sabay sabay naman kaming kumain.

"Oo nga eh! Nakakairita! Kamusta kaya score ko doon?!" naiinis na tanong ni Jin oppa.

"Bahala na.. kasalanan niya naman yan kapag bumaba tayo eh hindi naman natin alam yun eh." natatawang sambit ni Jeongyeon. At napasang-ayon naman kaming lahat doon.

Pagkatapos naming lahat kumain.. plano na naming bumalik sa room. Maaga pa naman eh.

Lumalakad naman kaming lahat pabalik sa room. Wala akong kasabay sa hulihan na naglalakad. Ako lang.

Pero maya maya, nagulat nalang ako na may humila sa akin.. humarap naman ako sa kanya. Nagulat naman ako na si Jungkook pala yun.

Tsk.

Bakit niya naman ako hinihila?

He breath out, "Tzuyu."

"Yes?"

"I need your help." he said then smiled.

Wag mong sabihin--

"For Yeri?"

"Yes."

Sabi ko na eh. Lagi naman eh. Sanay na ako.

Pero kailangan ko maging okay eh kasalanan ko naman.. pumayag naman ako.

"Okay. Saan ba?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Can you give this to her?" tapos may inabot siya sa aking tupperware. Mukhang food eh ang bango bango. "Chicken adobo.. ako nagluto." nakangiting sambit niya sa akin.

"Y-yes." sabi ko at tinanggap ko yung tupperware.

"Thank you. I'm always looking for you. Nagtatago lang ako kung saan pero nakikita ko kayo ni Yeri." he said then he smiled.

Mabilis akong tumalikod sa kanya.. tsaka nawala sa mukha ko ang ngiti. 'Tong ginagawa ko ngayon? Alam niyo? Boring.

Mas maayos pa noon na nakikipag-usap pa ako noon kina Momo. Pero ngayon? Parang napipilitan lang ako eh kasalanan ko naman.

Tapos may nakasulat pang sticky letter sa tupperware na "this is for you angel. -- jungkook."

Edi wow. Daig pa si Jaemin ha.

Ugh! Why do I sound harsh?

Papunta lang naman ako sa section ni Yeri. Tsaka nung nakarating na agad ako doon.. nakita ko agad siya na papalabas. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya at nakita niya naman ako.

"Oh, hi Tzuyu!" bati niya sa akin.

"Hello Yeri!"

"Oh saan ka?"

"Gusto ko lang sana ibigay 'to sayo." abot ko sa kanya ng tupperware. "Adobo yan."

"Whoah! That's my favorite food! Sayo ba yan?" sambit at napailing naman ako. Tsaka naman siya napatingin sa sticky note sa tupperware at mukha naman siyang nabigla.

Tapos mabilis niya namang tinanggap ang tupperware, "Oh! He give this to me? Nakakaiba na talaga si ex ha." natatawa niyang sambit.

Ni hindi mo ba maramdaman Yeri na mahal ka pa niya? Ang manhid mo.

"Ah. Oo."

"I'll chat him later nalang. Thank you Tzuyu ha!"

"Yes. Sige! Mauna na ako Yeri." paalam kong nakangiti at tumango lang naman siya.

Tsaka mabilis akong lumayo doon. Tapos nabigla ako na biglang kumirot ang puso ko tapos nakaramdam na naman ako na mayroong luha na tumutulo galing sa mata ko. Ba't na naman 'to nangyayari sa akin? Nangyari 'to kahapon sa akin ah.

Pero kahit ni anong punas ko sa luha ko.. may marami pa ding luha na tumutulo sa mata ko.

Ba't ako umiiyak ng ganito?

Iniiyakan ko ba sila?

Iniiyakan ko ba siya?

Nasasaktan ba ako dahil.. ako ang daan nila?

Umiiyak ba ako dahil feeling ko nagkakabalikan na sila ng feelings?

Umiiyak ba ako dahil nasasaktan ako?

Nasasaktan ba ako.. dahil may feelings na ako kay Jungkook?

Eh hindi naman ako magiging ganito pag wala 'tong ibigsabihin eh. Kung walang dahilan, ano ako.. baliw?

Oo.. nasasaktan ako. Nakakasawa na pala na ganito. Yung magiging daan. Kuya was right. I should listen to him.

Kung masaya ako sa kanila, eh dapat.. sumusuporta ako.

Pero hindi eh, nasasaktan ako. Umiiyak ako dahil ang sakit.

Umiiyak ako dahil nasasaktan ako.

Nasasaktan ako dahil gusto ko na si Jungkook.

Gusto ko siya dahil nahulog ako sa kanya.

Yes.

I like Jungkook.

Pero mukhang hindi pwede 'to, may mahal na siya.. si Yeri.

Pakshet.

Ang sakit sakit.

Sobra.

Ang sakit.

awww hahaha

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon