t h i r t y t h r e e

418 34 0
                                        

Tzuyu's POV

-🏭-

[ next day: Sunday ]
[ timecheck: 7:00 A.M. ]

"Ma, aalis po muna kami ni kuya. Sasamahan niya ako papaenroll." paalam ko kay mama.

"Sige. Mag-ingat kayo ha?" paalala ni mama. "Nag-almusal na ba kayo, ha?"

"Tapos na po ma. Uuwi kami dito pagkatapos ng enrollment nina Tzuyu." kuya Sehun.

"Sige." sambit ni mama at ningitian kami.

"Ge ma, alis na kami." paalam ko at nilapitan si mama at niyakap siya.

"Text lang ako pag-uuwi na kami ma." sambit ni kuya sabay halik sa pisngi ni mama.

"Okay. Bye."

"Bye Ma." sambit namin ni kuya at lumabas na kami ng mansion.

Lumabas kami ni kuya sa gate. para maghintay ng taxi na masasakyan.

"Ah, so maghihintay tayo dito ng taxi papuntang park sa st. marino?" tanong ni kuya habang ipinagmasdan ang daan.

"Hayst. Malamang naman kuya. Ano, lalakarin lang natin yun gusto mo?" biro ko at natawa lamang siya.

"Hindi ah. Nakakatamad kaya." sambit nita tapos nag crossed-arms siya. "Sa susunod pag makagraduate ako, bibili ako kotse. HAHAHA."

"Sus. Ayan ka na naman sa kasinungalingan mo. Mas mabuti pa nga dapat bili ka na nga e. Puro ka hiram kina kuya Kris." angal ko.

"HA, hindi ako nagsisinungaling ah! Oo, iipon ako pera. Para magkaroon na ako ng sarili kong kotse." sambit niya tapos tumaas-baba pa yung kilay niya. parang adik. djoke.

"Tapos papaliparin mo naman kung magmaneho ko. Sus, kilala kita kuya pag hawak mo ang sasakyan." sambit ko. "Once a kaskasero, always a kaskasero." asar ko.

"Grabe 'to makakaskasero. Pero sige na nga, oo. Pero wag ka, maingat naman ako magdrive e." lol. maingat daw.

"Sige sabi mo yan ah? Ingatan mo kotse ni Chae at sa pagmaneho at kasama mo kami." saway ko.

"Oo naman. Alam ko yun 'no." natatawa niyang sambit. "Pero kung sina Kris yung kasama ko, sus. Walang pakialaman, yung kotse ginagawa naming eroplano."

"Loko talaga kayo. Di ba kayo nadidisgrasya sa pinanggagawa niyo?"

"Lol. Basta expert never madidisgrasya." eh, expert pala siya? -.-

"Loko ka talaga kuya!" angal ko at may paparating na taxi. "May taxi."

nung papapunta sa direksyon namin ang taxi, agad naman pumara si kuya Sehun. "PARA!"

at tsaka thankful naman ako kasi huminto yung taxi. "Saan po kayo?"

"Sa st. marino, yung sa park." sagot ni kuya Sehun.

"Sige. Sakay na." sambit ni kuyang driver at sumakay naman kami ni kuya Sehun. Tsaka nagsimula namang nagdrive si kuyang driver papuntang park sa st. marino.

. . .

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon