TZUYU
Tanghali na. At papapunta kami ni Kuya Sehun para mamasyal sa Mall! Sama ba kayo? :D"Tara na Tzuyu!" aya sa akin ni Kuya at tumango naman ako sa kanya at ningitian siya.
Lumabas naman kaming dalawa sa bahay at naghintay na kaming dalawa sa labas. Tsaka maya maya.. thankful kami kasi ang bilis naming nakahanap ng tricycle.
"Kapag nandoon ka ba sa inyo Kuya, nakakapasyal ka ba pa?" tanong ko sa kanya.
Napailing siya, "Hindi. Masyado akong busy doon. Aral talaga ang inaatupag ko doon. Wala na akong oras para makipaggala sa mga kaibigan ko." sagot niya. "Hindi parehas noon na nag-aaral ako sa East High, yun. Gala gala pa ako. Pero ngayon hindi na." natatawa niyang sambit at natawa naman ako doon.
"Okay lang yan Kuya 'no. Ikaw talaga."
"Kaya nga kita niyaya eh gusto kong mamasyal." nakangiting sambit sakin ni Kuya.
"Oo naman 'no! Hahaha!" natatawa kong sambit. "Minsan nalang din kami nagmamall nina Momo eh."
"Oo nga pala.. kamusta na ang mga batang yun?"
"Ganon lang din naman Kuya. Okay lang naman sila lagi. Miss ka na daw nila! Libre mo sila bubble tea!" natatawa kong sambit.
Natawa naman si Kuya, tsaka tumango, "Oo. Sige.. pag may time ako. Makikipagkita uli ako sa kanya. Miss ko na din sila eh." nakangiti niyang sambit at tumango naman ako uli.
Tsaka maya maya, nakarating na din kaming dalawa sa Mall. Ayos din tsaka sa wakas.. nakapasyal naman ako uli sa mall. Hehe!
Kumain nalang muna kaming dalawa ni Kuya sa Mcdo. Pagkatapos non, umakyat na kami sa fourth floor. Nag-arcade lang naman kami. Sumubok kami sa dance game, claw machine, tekken at racing.
Sa dami dami naming sinubok na games, talo pa din kami ni Kuya. :D HAHAHAHAHAHA!
Pagkatapos naman, nahagip ng attention ko ang basketball. Hayy! Parang maenjoy doon!
"Kuya! Kuya! Tara doon sa basketball section! Laro tayo doon!" sabi ko ng hinila hila na si Kuya papunta doon pero natatawa lang naman siya.
"Gusto mo din pala ng basketball, Tzuyu?" natatawang tanong ni Kuya.
"Oo naman! Kahit babae ako 'no, I'd like to play that game!" sambit ko ng nag-insert na ako ng token. "Laro na tayo Kuya!"
Nagstart na kaming maglaro. Five minutes ang timer tapos kalaban ko si Kuya. Shoot lang naman kami ng shoot ditong dalawa sa ring dito. Nakakaenjoy talagang maglaro neto. Feeling mo tuloy, nasa NBA ka. HAHAHAHAHA!
Tinignan ko naman ang score ni Kuya at nabigla ako ng nakita kong 24 na agad ang score niya. Eh ako? 12? Hehe.
"Ang galing mo pala sa basketball Kuya?!" pasigaw kong tanong habang nagshshoot pa din sa ring dito. Nakakabulag din kaya minsan.
"Oo naman! Expert kaya ako dito! Beat me Tzuyu if you can!" natatawa niyang sambit tsaka di ko lang siya pinansin at todo shoot pa din ako.
Tumataas at tumataas ang score ko. Kaya nga nakakatuwa. Patuloy na pumapasok ang bola sa ring. Matututo ka din pala. Mas lalo ko lang binilisan tapos tumalon talon pa ako para lang mahabol ang score ni Kuya. Mataas na score niya eh. Two minutes nalang ang natitira.
Then maya maya..
'Game over!'
Napahinga naman ako ng maluwag doon. Tsaka ko tinignan ang kabuuang scores namin. Yung akin, 106. Tapos kay Kuya, 118. Wow! Ang galing ni Kuya! Ang layo ng score niya sa akin.
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfic❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3