o n e h u n d r e d t e n

305 22 12
                                        


TZUYU

One week later...

Isang linggo ang nakalipas. Pero mas lalo lang ako nahuhulog sa kanya. Nahuhulog lang ako ng palalim kay Jungkook.

At sa isang linggo na nakalipas, nag-iba din siya sa aming magkakaibigan. Madalas, di na siya sumasama sa amin at kay Yeri nalang siya palagi.

Isang linggo ko na din siya iniiwasan. Dahil.. nalaman ng mga kaibigan ko.. pati sina Namjoon oppa na ginagawa akong daan ni Jungkook para sa kanilang dalawa ni Yeri.

Dahil napapansin nilang lagi nalang akong sumusunod kay Jungkook para kay Yeri.

Tsaka nga ako nahuli ni Suga oppa na binibigay ko yung necklace at souveinir kay Yeri na galing kay Jungkook.

At ng dahil doon, di na sila nagpadalos dalos pa at tinanong na nila si Jungkook kung ano ba ang papel ko doon.

Tsaka siya na nagsabi na.. daan lang talaga ako sa kanilang dalawa.

Tsaka masakit marinig galing sa kanya na:

"Oo! Ginawa kong daan si Tzuyu para sa amin ni Yeri! Pero wag kayong mag-alalang lahat! Hindi na ako hihingi pa ng tulong pa dahil parang pagod na si Tzuyu! At ako nalang gagawa ng paraan para ipadama kay Yeri ang pagmamahal ko!"

Kaya ayun.. dahil galit sa kanya si Namjoon oppa, sinuntok niya eto.

Pero ako, nakaramdam ako ng awa sa kanya. Kasalanan ko naman 'to eh. Kung hindi ko naman siya tinutulungan, hindi naman sana ako magkakaganito. Hinding hindi.

Halos lahat ng kaibigan ko galit kay Jungkook dahil nga sa naging daan ako sa kanila ni Yeri.

Alalang alala naman sila sa akin. Naiinis din sila sa akin eh ba't daw ako pumayag at hindi ko sinabi sa kanila.

Pero nililihim ko nalang sa kanila na okay lang ako. Dapat wag na nila akong aalahanin. Dahil hindi naman malaki na bagay iyon sa akin.

Pero hindi.

Mas lalo akong nasasaktan. Dahil parang wala ng pakialam si Jungkook sa akin simula ng malaman na nina Namjoon oppa ang totoo. Hindi na kami nagpapansinan. Ang sakit sakit. Hindi na din siya nagchachat sa akin. Tsaka ngayon.. kalat na kalat sa campus na nililigawan uli ni Jungkook si Yeri. Parang wala naman yun kay Yeri. Okay lang sa kanya. Parang okay lang sa kanya na masaktan si Jaemin dahil sa mga pinanggagawa niya.

Walang alam sa lahat si Jaemin dito. Parang nasasaktan ako sa kanya.

Mas lalo ko lang siyang nagugustuhan.

Pero.. parang nagbago siya. Hindi na yata siya yung dating Jungkook na nakilala ko.

Nag-iba na siya.. nagiging malamig na siya. Hindi ako nasasanay. Ang sakit sakit.

Maski sina Momo at Taehyung, hindi na pinapansin si Jungkook. Nagagalit sila dahil pumapatol pa siya sa iba na may boyfriend na pala.

I'm sure masasaktan ng todo si Jaemin kapag malaman niya ang lahat ng 'to.

Isa pa.. wala pang nakakaalam na may gusto ako kay Jungkook.

Kung sasabihin ko ba 'to kay Jungkook? 'Tong nararamdaman ko? Papansinin niya ba ako? Baka mas lalo niya akong iwasan?

Kahit sabihin mong gusto mo siya Tzuyu, hindi ka niya gugustuhin pabalik at wala lang yun sa kanya! Dahil alam mong may mahal na siya. At si Yeri lang yun! Wag ka ng umasa!

Napasabunot ako sa buhok ko at mas lalo akong umiyak. "ANG TANGA TANGA KO! ANG TANGA TANGA KO SOBRA! BA'T BA AKO NAGKAGUSTO SA'YO JUNGKOOK HA?!"

Araw-araw nalang akong umiiyak. Pati sa paaralan, umiiyak ako ng palihim. Minsan, napapansin na din ako nina Mina. Pero sinasabi kong.. napupuyat lang ako.

Pero hindi.. umiiyak talaga ako eh.

Iniiyakan ko nalang lagi si Jungkook. Kasi alam niyo? Masyadong masakit na. Hindi ko na kaya.

Habang umiiyak ako dito, narinig kong tumutunog yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino. Si Kuya Sehun. Mabilis kong pinunasan ang luha ko.. at huminga muna ako ng malalim. Ngayon nga pala dadating 'tong si Kuya, wala na silang pasok. Kami, walang pasok three days. Pero babalik kami sa Thursday.

"Hello Kuya!" bati ko. Pipilitin kong maging okay. Iiyak na naman ako eh.

"Hi bebe damulag!" natatawa niyang sambit. Pero hindi ko nalang mapigilang matawa. Namimiss ko din ang pang-aasar ni Kuya eh.

"Bebe damulag mo dyan! Napatawag ka?" natatawa kong tanong habang pinupunasan ang luha ko.

"Pauwi na'ko dyan! Sino kasama mo dyan?!" ayay! Pauwi na pala dito si Kuya!

"Ako lang mag-isa. Rest day ngayon ng mga maids. Tapos si Mommy, may pinuntahan lang." sagot ko. "Malayo ka pa ba?" naeexcite kong tanong sa kanya.

"Medyo malapit nalang! Hintayin mo lang ako dyan bebe damulag ha!" nakakasira sa sarili talaga yang bebe damulag na yan eh. Hays.

"Oo na Kuya panget! Bye na!" pasigaw kong tanong sa kanya.

"Bye!"

Ni-end ko na ang call. Asus naman. Baka naman may dalang foods si Kuya Sehun. Naks!

Pero walang alam si Kuya Sehun sa nagaganap dito ngayon. Dahil hindi ko naman sinasabi sa kanya.

Wala siyang alam na nasasaktan ako. Sana nakinig nalang talaga ako sa mga ipinagsasabi niya. Yung mga advices niya.

Masasaktan ka talaga kung ikaw yung daan at marerealize mo nalang na gusto mo siya.

Tsaka ba't ko pa siya tinutulungan at tinutulak sa iba?

Eh nandito naman ako?

Pero sa tingin ko kasi, biro lang yun lahat. Pero totoo pala talaga yung mga sinasabi niya.

Sasabihin ko nalang din mamaya sa kanya na.. nagkakagusto ako kay Jungkook. At kung paano ako makamove-on. >.<

Ayaw ko na kasing masaktan ako.

Gusto ko maalis agad yung nararamdaman ko sa kanya.

Kasi alam niyo? Masyado nang masakit. Sobrang masakit na.

Maaalis din 'to balang araw. Alam ko 'to. Kaya kong mag move-on.

Kinaya ko ngang mag move-on sa nakita kong K-Drama na may kahalikan si Cha Eunwoo. Umiyak ako dahil sobrang masakit sa akin.

Pero kinaya ko naman mawala ang sakit ah.

Etong ngayon?

Si Jungkook.. pero mukhang ang hirap mag move on dahil gustong gusto ko siya.

Aamin pa ba ako sa kanya? Ipapaalam ko pa ba sa kanya?

Aarrrgh! Ang gulo! Ang sakit sakit!

Pero maya maya.. nabigla ako ng biglaang may nag doorbell. Omg! Si Kuya na yan! Alam na alam ko!

Dali dali akong bumaba at tsaka binuksan ko yung pintuan. Napangiti ako ulit ng nakita ko naman ang kapangitan ni Kuya. Lumapit agad ako sa kanya at yinakap siya.

"I miss you Kuya panget!"

"I miss you too bebe damulag!"


malapit na po talaga 'to matapos. :>

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon