o n e h u n d r e d s e v e n t e e n

330 23 15
                                        


TZUYU

"May gusto ka ba kay Jungkook, Tzuyu?"

Mismo naman akong natigilan sa tanong ni Yeri. Mukhang hinihintay niya ang sagot ko. Pero agad ko lang siyang tinignan. Yung tingin ko na blanko lamang at walang emosyon. Yung tingin ko lamang na wala na akong pakialam sa kanya.

Why did she ask me like that?

"Sagutin mo ang tanong---"

"Wala akong gusto sa kanya Yeri. Bakit mo naman natanong yan?" mabilis na sabi ko sa kanya tila bumilis lang ang tibok ng puso ko.

Ang sakit sakit magsinungaling.

Sarkastiko siyang tumawa, "Bakit ba ganyan ka? Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit.. bigla kang nangiba? Alam mo hindi ko yun nakikita sa'yo?" tapos biglang sumeryoso ang mukha niya sa mga tanong niyang yan.

Talagang may gana ka pang tanungin ako ng ganyan. Gusto mo ba malaman lahat lahat?!

Huminga ako ng malalim at tinignan siya diretso sa kanyang mga mata, "Wag kang magtanong.. kung sasabihin ko.. wala ka namang may maitutulong." malamig na sagot ko sa kanya sa ikinagulat niya.

"Ano ba Tzuyu? Napansin ko na ganyan ka lagi, simula ng hindi na kayo magkasama lagi ni Jungkook." Yeri. "Nagkakaganyan ka ba.. dahil lagi kaming magkasama ni Jungkook? Dahil kami na ulit?"

Pwede ba Yeri.. tama na? Durog na durog na yung puso ko. Hindi ka ba marunong maawa?

"Ano bang pinagsasabi mo? Alam mo ba ang mga pinagsasabi mo?" medyo napalakas yung boses ko ng dahil sa inis. "Pwede ba? Wag kang magsalita ng kung ano ano dyan. Wala kayong kinalaman ni Jungkook sa pagiging ganito ko. So please Yeri? Don't be assuming? Wala akong pake sa inyo." malamig kong sambit sa kanya at mukha naman siyang natigilan at tilang napaiwas siya ng tingin sa akin.

"Wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat, Yeri. Wala kang alam kung ba't ako nagkakaganito." malamig kong sambit sa kanya at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Its better if you just shut up your mouth."

Tinignan ko uli siya, mukhang natauhan siya sa mga sinabi ko. Hindi ko alam, tama naman talaga yung sinabi niya. Nagkakaganito ako dahil sila na uli ni Jungkook.

"S-sorry." sabi niya pero hindi ko lang siya pinansin at nagbugtong hininga nalang ako.

Tsaka ko napansin na papabalik na sina Kuya dito na may mga dala dala ng Frappe. Tsaka naman sila bumalik sa mga puwesto nila. Kaya umakto nalang kami ni Yeri na para bang walang may naganap bago lang. Nakakainis talaga siya eh, sobra.

"Tara. Kain na tayo." nakangiting sambit ni Kuya at tumango lang naman kami.

Kinuha ko yung binili ni Kuya na Frappe tsaka chocolate donut. Sa tingin ko, ang sobrang sarap ng pagkain or meryenda na nasa harapan ko ngayon. At pinipilit ko lang na kinakain yun. Sa totoo lang, nakakawalang gana. Dahil alam niyo? Naaalala ko naman yung talunan namin ni Yeri. Mas nakakawalang gana kasi kasama mo pa sila. Nakakatakte.

Bakit kasi andito pa sila? Nakakamalas sila lagi eh.

"Ilang weeks ka lang ba dito Hyung?" dinig kong tanong ni Jungkook. Ni hindi ko talaga siya matignan ng diretso ngayon.

"Two months. Dito nalang muna ako manatili sa vacation days. Gusto ko ding makasama parents ko eh." sagot ni Kuya.

"Buti pa kayo, bakasyon na. Kami malayo pa eh." natatawang sambit naman ni Yeri.

"Syempre, senior high na ako." natatawang sagot ni Kuya at natawa nalang din silang dalawa.

"Pero Kook, napapansin ko ha.. lagi mo na yata kasama si Yeri. Hindi ka na ba nakikisama kina Jimin?" tanong ni Kuya sa mukhang natigilan si Jungkook. Mukhang nagulat nalang din ako ng tinanong niya yun kuya.

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon