o n e h u n d r e d t h i r t y

357 28 6
                                    

JUNGKOOK

Mabilis kong pinahidan ang mga luha na tumutulo sa aking mata ng nalaman kong nagpakamatay si Tzuyu ng dahil sa akin. Hindi ko mapigilang masaktan para sa kanya. Nang dahil sa akin, nagawa niya yun. Sobrang mahal na mahal pala ako ni Tzuyu. Nakikita ko din sa social media na grabe yung dugong nasayang sa kanyang katawan dahil ang sobrang taas ng building na tinalunan niya.. ginawa niya pala yun pagkatapos ng binasted ko siya nung umamin siya sa akin. Tangina. Alam kong kasalanan ko 'to lahat lahat.

Mahal ko si Tzuyu.. kung sana sinabi ko na agad sa kanya.. hindi sana magkakaganito ang lahat. Kasalanan ko naman 'to lahat lahat eh.

Simula nung tinutulungan niya na ako kay Yeri, mahal ko na siya. Oo, mahal ko si Yeri.. pero mas mahal ko si Tzuyu. Pero hindi ko yun maamin amin sa kanya dahil nga natatakot ako na baka di kami parehas na nararamdaman. Hanggang sa naging kami na ng tuluyan ni Yeri uli, hindi na kaming nagpapansinan dalawa at ramdam kong iniiwasan niya ako. Habang kasama ko si Yeri, si Tzuyu ang gumugulo lagi sa isip ko. Minsan pa ay nagkakamali ako na binabanggit ang pangalan niya kay Yeri. Halos baliwin na ako ni Tzuyu ng nalaman kong umiiyak pala siya ng dahil sa amin ni Yeri. At nasasaktan din ako sa kanya dahil hindi ko alam na sinasaktan ko ng sobra si Tzuyu. Pero hindi ko magawang maiwan iwan si Yeri dahil nga mukhang mahal na mahal niya talaga ako at naaawa akong iwan at masasaktan siya ng dahil sa akin. Pero yung nasa isip ko lagi, si Tzuyu lang.. si Tzuyu. Naiisip kong pwede pa ba kaming bumalik sa alaala na ang saya naming dalawa? Yung walang dapat naganap na daan daan?

Nadamay ko pa siya eh. Kung hindi sana sa daan daan na yan, hindi sana 'to mangyayari uli.

Pero kung hindi naman dahil sa daan na yan, hindi naman sana ako mahuhulog kay Tzuyu. Sa tuwing tinutulungan niya ako kay Yeri, kinakain ako ng konsensya ko. Sa tuwing nakikita ko si Yeri na masaya dahil ginagawa ko 'to para sa kanya, hindi ko alam.. si Tzuyu ang naisip ko.

At dahil ngayon.. nasira ko pa ang pagkakaibigan namin nina Jimin.. at pati na din nina Momo. Ako lang naman ang dahilan ng lahat lahat na 'to eh. Mukhang galit na galit sila sa akin. Pati na din si Kuya Sehun sa akin. Kapatid na ang turingan naming dalawa.. pero parang ngayon, hindi na yun ang tingin niya sa akin dahil nga.. ako ang dahilan ng sakit na nararanasan ni Tzuyu ngayon. Sinayang ko ang lahat.. pero akala nila.. wala akong pakialam sa kanilang lahat. Hindi, hanggang ngayon.. kapatid pa din ang tingin ko sa kanilang lahat at hinding hindi magbabago yan.

Deserve ko naman lahat lahat ang galit nila eh. Kasalanan ko naman 'to lahat lahat dahil ang gago gago ko. Ang tanga ko. Alam kong mahal ako ng mahal ko, pero sinasaktan ko siya.

Kung hindi lang sana ako natakot at kung sinabi ko na 'to agad sa kanya.. aba sana.. kami sana yung masaya ngayon. Wala yatang problema ang nagaganap ngayon. Pero hindi, kabaligtaran ang nagaganap eh.

Kung sinabi ko nalang sana agad agad sa kanya na mahal ko siya, edi sana hindi ako nagpapanggap na wala akong pake sa kanya at wala na siyang pag-asa sa akin. Nagpapanggap ako na si Yeri na ang mahal ko, nagpapanggap ako sa kanya na kinakalimutan ko na siya at hindi ko na siya makikita. Pero hindi.

Mahal na mahal ko si Tzuyu. Sobrang mahal na mahal ko siya.

Ngayon, nagpakamatay siya. At alam kong kailangan niya ako. Gusto ko siyang kausapin, gusto kong humingi ng tawad sa mga kasalanan ko na nagawa ko sa kanya, at sabihin ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Gusto kong magising pa siya at tuluyang malaman niya ang totoo na siya yung mahal ko matagal na. Gusto kong mapayapa kaming nagmamahalan sa isa't isa. Gusto kong makita na nakangiti pa siya. Gusto ko pa siyang makasama. Gustong gusto kong ayusin lahat lahat. Ayusin lahat ng mga nasira ko. At habang buhay ay maayos na ang lahat lahat. Gusto ko ding ipakita at ipadama sa kanya na siya yung totoong mahal ko at siya ang mas tinitibok ng puso ko.

Huminga ako ng malalim at tsaka tumayo ako, pupuntahan ko sana si Yeri pero hindi ko alam na nandoon pala siya banda sa pintuan, pinagmamasdan ako.. at mukhang malungkot siya.

"Nandyan ka pala." sambit ko ng nilapitan ko siya.

Ningitian niya ako ng pilit, "Jungkook.. nagpakamatay si Tzuyu." ramdam ko sa boses niya ang lungkot. "Alam kong kailangan ka niya. Puntahan mo na siya doon.. at iwan mo na ako." sambit niya ng may mga luha ng tumutulo sa kanyang mata at nagulat naman ako.

Hinawakan ko ang kamay niya, "Mahal ko si Tzuyu.. pero mahal din kita."

Ningitian niya ako, "Mahal mo ako.. pero mas mahal mo si Tzuyu." sabi niya sa dahilan na tumulo ang mga luha sa mga mata ko. "Wala na tayo uli Kook. Iwan mo na ako. Pumunta ka na kay Tzuyu.. nag-aalala na din ako sa kanya. Sabi ko na nga ba talaga, mahal mo si Tzuyu dahil nakikita ko yun sayo. Dahil ibang iba ang nararamdaman mo sa kanya kesa sa akin." natatawa niyang sambit.

"Hinding kitang kayang iwan, Yeri. Naaawa ako na sinasaktan kita at ayaw ko non. Hindi ko kayang nasasaktan ka ng dahil sa akin." naiiyak kong sambit sa akin.

Ningitian niya ako, "Hindi Kook. Mas nasasaktan si Tzuyu kesa sa akin kaya niya nagawa yun. Kung sana hindi nalang ako umepal uli sa buhay niyo, sana kayo nalang dalawa. Nang dahil sa akin, sinira ko na ang lahat." natatawa niyang sambit habang naiiyak. "Iwan mo na ako Jungkook. Sobrang kailangan ka ni Tzuyu. Ipadama mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Okay lang sa akin na.. ako nalang ang nagmamahal sayo.. kung saan ka masaya.. masaya nalang din ako. Wag mo akong aalahanin, dahil suportado ako sa inyong dalawa. Wag mo nang pilitin pa ang sarili mo na mahalin ako, dahil alam kong mas mahal mo si Tzuyu sa akin. Kalimutan mo na ng tuluyan ang nararamdaman mo sa akin.. para.. si Tzuyu nalang ang tuluyang mamahalin mo. Okay lang sa akin Kook, okay lang sa akin na masaktan ako. Pero sana naman, kahit ganun.. magkaibigan pa tayo. Pero.. kaibigan ko si Tzuyu at sobrang naaawa ako sa kanya dahil ako din ang dahilan kung bakit siya nasasaktan sating dalawa. Kaya.. sige na.. puntahan mo na siya. Alam kong miss mo na siya at gustong gusto mo na siyang makita. I understand you, Kook." sabi niya at ningitian ko siya.

At nang dahil doon, yinakap ko siya ng sobrang mahigpit, "Thank you so much Yeri for understanding me. Hinding hindi kita makakalimutan. You're so kind."

Niyakap niya din ako ng pabalik, "Wala yu'n. Do this for her.. for the girl you really love. She needs you." sambit niya sa akin at bumitaw na siya sa akin. "Umalis ka na. She's waiting for you."

Ningitian ko siya, "Bye Yeri. I'm sorry for everything. I'm sorry for hurting you and my mistakes on you." sambit ko habang naiiyak pa din pero natawa siya ng mahina.

"Apology accepted. Bye Kook. Take care." paalam niya sa akin ng ningitian niya ako at tuluyan na akong lumabas sa kanilang bahay at pumasok na ako sa aking kotse at papapunta na ako kay Tzuyu.

I know, she's waiting for me.

Don't worry, love.. I'm coming for you. I'm sorry and I love you.

- - -

wAAaaaAahh? did you love this chapter? hehehehe i hope so. vote and comment naman dyan! ill update more and.. ending na. :) labyuuuu ol! ❤❤❤

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon