TZUYU
"Sigurado ka? Okay ka na ba talaga? Sasama ka ba talaga?" tanong sa akin ni Kuya Sehun. Eto naman, ang kulit masyado. Kanina pa tanong ng tanong eh.
Natawa naman ako, "Hay nako Kuya. Oo nga. Okay na nga ako. 100% na akong okay ano ka ba. Tsaka sasama ako sa inyo 'no. Iiwan niyo ba ako?" natatawa kong tanong sa kanya.
Nakita ko namang natawa lang si Kuya, "Pasensya na kapatid. Nag-aalala lang naman ako na baka hindi ka pa okay." nakangiti niyang sambit sa akin. Asus! Ang sweet ha!
"Okay na okay na kaya ako Kuya, wag ka ngang mag-alala. Tsaka sobrang konti nalang, mawawala na 'tong mga sugat ko sa katawan ko 'no." nakangiting sambit ko sa kanya.
"Sige. Sabi mo yan ha." sambit ni Kuya at ginulo niya yung buhok ko habang natatawa siya. Aish, ginulo niya na naman. >.<
Kunwari ko naman siyang sinamaan ng tingin, "Parang naman akong bata kuya ha!" saway ko sa kanya.
"Sorry na. Eh hanggang ngayon eh bata ka pa din naman ah." natatawa niyang sambit sa akin.
"Ewan ko sa'yo." natatawa kong sambit sa kanya.
"Osige, mag-ayos ka nalang muna dyan habang maaga pa ha. Baka maya maya, darating na yun si Lisa. Tsaka aalis na tayo." bilin niya sa akin.
Napatango naman ako, "Oo nga. Mag-aayos na nga ako maya maya." nakangiting sambit ko sa kanya.
"Sige. Baba ka nalang agad pag tapos ka na ha. Hintayin kita doon." nakangiting sambit sa akin ni Kuya.
Napangiti naman ako, "Sige.. kuya panget." natatawa kong sambit sa kanya.
"Ikaw talaga bebe damulag ka ha!" sabi niya tsaka na siya tuluyang lumabas sa room ko. Tsaka nalang ako napapailing at napapatawa dito.
Inayos ko naman yung mga gamit na dapat dadalhin ko. Tsaka maya maya din ay tapos na ako. Pagkatapos, napapatingin nalang ako sa salamin. Tsaka naman ako napatingin sa mga sugat ko sa mukha ko at katawan na malapit nalang mawala. Maya maya din ay huminga nalang ako ng malalim.
Hindi ko inakala na mabubuhay pa ako sa mundong 'to. Akala ko talaga katapusan ko na. Akala ko.. iiwan ko na ang mga mahal ko sa buhay. Grabe nga ang iyak ni Mom nung nalaman niyang ginawa ko yun.. pero pinaliwanag ko naman ang lahat sa kanya at naintidihan niya naman ako.
Tsaka hindi ko inakala na dadating sa buhay ko yung kinakailangan kong tao.
Si Jungkook.
Tsaka ang sobrang saya ko dahil hindi ko inaakala na matagal na din akong mahal ni Jungkook. Matagal na pala namin minamahal ang isa't isa ng patago.
Alam kong sinaktan niya ako ng sobra kahit mahal niya ako. Pero wala na akong pakialam don. Basta ang masaya ngayon, mahal ko siya, mahal niya din ako.
Parang hindi ko alam. Ang sarap sa puso na maramdaman yung pagmamahal niya. Unang una, ang manhid ko dahil mas inuuna ko yung pagmamahal ko sa kanya. Pero sa ngayon na alam ko na mahal niya din ako, nararamdaman ko na mahal niya talaga ako at ako lang yun. Mas lalo ko lang siyang minamahal. Tsaka alam kong hindi magbabago yung nararamdaman ko sa kanya kahit ano man ang mangyari. Mahal na mahal ko siya eh.
Napangiti lang ako sa salamin, "Sana.. Kook. Masaya na tayo habang buhay." nakangiti kong sambit at huminga nalang ako ng malalim.
Pagkatapos, kinuha ko na yung bag na dadalhin ko at tsaka na ako lumabas sa room at nilocked ko na yung room ko. Tsaka na ako bumaba sa sala. Tsaka nakita ko doon si Mom at Kuya Sehun.
"Ma.. Kuya." nakangiting tawag ko sa kanilang dalawa tsaka tumabi ako kay Mama.
"Oh sweety." nakangiting sambit sa akin ni Mom and inayos niya ang buhok ko at ningitian ko lang siya. "Okay ka na ba talaga?"
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfiction❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3