vote and comment naman kayo para naman mabilis akong mag-ud :(ang tahimik niyo talaga huhu
--
DAHYUN
Natahimik naman kaming lahat lahat dito at napapatingin lang naman kami kay Jungkook na ngayon ay nakarating na. Sa wakas. Nandito na siya. Nandito na ang tao na kailangan ni Tzuyu sa buhay niya.
Pero hindi namin alam, napapatingin nalang kami ng mga kaibigan ko dito at napapangiti nalang kami sa isa't isa. Binalik namin ang tingin namin kay Jungkook. Tsaka nakita naman namin na napapangiti sa amin si Jungkook.
"Punyeta, anong nakakatuwa ha?! Bakit ang tagal tagal mo?!" napaharap naman kaming lahat kay Kuya Sehun na sumigaw. Pero tinapik tapik lang naman siya sa braso nina Jaemin.
"Nako, chill hyung." Taehyung.
"Kalma kalma lang hyung." Jin oppa.
"Kalma Kuya." kaming lahat dito.
Pero napaharap kami uli kay Jungkook at nakita kong napakamot siya sa batok niya, "Sorry Hyung.. traffic kasi." medyo natatawa niyang sambit. Wow-- natawa pa siya? Sarap niyang batukan, sa totoo lang. >.<
"Eh ano pang ginagawa mo?" seryosong tanong sa kanya ni Kuya Sehun.
Pero maya maya, nagulat nalang kami na bigla siyang lumapit kay Kuya Sehun, "Hyung.. sasabihin ko sayo lahat lahat. Sorry dahil--"
Napailing naman si Kuya Sehun at mabilis niyang pinutol ang mga sasabihin ni Jungkook, "Alam na namin lahat lahat. Naiintidihan ka namin. Wag kang magsorry sa akin. Kay Tzuyu kang magsorry." seryoso niyang sambit.
Sa sinabi ni Kuya, medyo naman nanlaki ang mata niya, "Sino nagsabi sa inyo?" nagtataka niyang tanong.
"Ako." nakangiting sambit ni Yeri at hinarap naman siya ni Jungkook at nakita ko lang naman na ningitian siya ni Jungkook.
"Thank you Yeri." nakangiting sambit ni Jungkook sa kanya. Ganito ang maganda, maayos na ang lahat lahat.
"Kausapin mo na si Tzuyu. Alam kong kanina ka pa niya hinihintay. Gusto na namin siyang magising." utos sa kanya ni Kuya Sehun. "Binabanggit banggit niya ang pangalan mo kanina, pero hindi pa din siya nagigising. Kailangan ka niya talaga."
Tapos nakita lang naman namin na ngumiti si Jungkook at ipinagmasdan lang naman namin siyang lahat na humaharap siya kung saan nakahiga si Tzuyu sa kama. Dahan dahan siyang lumalapit kay Tzuyu at nakita namin sa mukha niya ang kaba nung sa wakas ay nakita niya na si Tzuyu. Maya maya din, nakita naming may mga luha na tumutulo sa kanyang mga mata. Ramdam ko na nagsisisi talaga siya at nasasaktan siya ng makita niya si Tzuyu na gabyan.
Napapaupo nalang lamang siya sa gilid ng kama ni Tzuyu at doon niya ipinagmasdan si Tzuyu na natutulog. Mas lalo lang siyang naiyak. Tsaka niya nalang hinawakan ang pisngi ni Tzuyu at hinimas himas niya yun.
"Tzuyu.. sorry talaga at ginago kita. Sorry talaga nang dahil sa akin, nagpakamatay ka. Sorry dahil sinaktan kita ng sobra kahit sobrang mahal na mahal kita." dinig namin lahat na sambit niya habang naiiyak.
"Pero Tzuyu, hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa sayo eh. Basta nauunahan lang ako ng matinding takot eh.. na umamin sa'yo tungkol sa nararamdaman ko. Mahal kita.. pero bakit.. sinasaktan kita? Ang tanga tanga ko talaga. Hindi ko akalain na sobrang mahal na mahal mo ako kaya mo to ginawa. Sobra ka na palang nasasaktan sa akin." naiiyak na sambit ni Jungkook.
"Pero Tzuyu.. wala talaga akong masabi kundi patawad sa mga pananakit na ginawa ko sa'yo. Hindi ko akalain na matagal ka na palang nasasaktan sa akin. Patawad sa mga sinabi ko kanina.. patawad dahil sinabihan kita ng masasakit na mga salita kanina. Hindi totoo yun, Tzuyu. Hindi lang kaibigan ang tingin ko sa iyo, may mas higit pa sa kaibigan.. mahal.. na mahal kita." di namin maiwasan maiyak dito sa mga pinagsasabi ni Jungkook. Syempre, ramdam namin na nagsisisi siya eh.
"Sorry dahil di ko naramdaman sa una una, na nagseselos at nasasaktan ka sa amin ni Yeri. Akala ko, masaya ka dahil sa mga pinapakita mong ngiti. Pero nasasaktan ka na pala ng todo. Kahit kasama ko siya, ikaw yung bumabaliw sa akin Tzuyu. Sobrang iba ng nararamdaman ko sa'yo. Mas iba 'tong pagmamahal ko sa'yo. It feels like.. this is the best thing ever I did in this world.. to love you."
Napatingin naman kami sa isa't isa dito at hindi nalang namin maiwasan na mapangiti sa isa't isa. Maganda pakinggan ang lahat ng yu'n, lalong lalo na galing kay Jungkook.
"Sorry.. ang tanga ko. Ginamit pa kita bilang daan kay Yeri noon. Hindi ko alam na maaapektuhan ka din, Tzuyu. Hindi ko alam na magkakagusto ka sa akin at masasaktan ka ng sobra. Kasi ako, hindi ko maintidihan ang sarili ko. Ang gago gago ko, nagustuhan-- hindi.. mahal kita. Oo, mahal kita. Pero hindi ko naramdaman na mahal mo din pala ako. I'm sorry Tzuyu. I'm very sorry. Ang sama sama ko."
"Damn Tzuyu. Hindi totoo yung sinabi ko sayo kanina na di mo ako deserve. Deserve mo ako, deserve kita. We deserve each other. Wag ka na magselos at masaktan.. because I'm all yours. Pero anong ginagawa ko? Sinasaktan kita kahit mahal kita sa hindi ko alam na paraan. Ang sobrang tanga tanga ko. Wala nalang akong masabi.. kundi, patawad sa lahat Tzuyu." naiiyak na sambit ni Jungkook.
"You need me right? I'm here. Please.. wake up for now. We need you to live. I need you. Hindi namin makakaya na mawala ka. Hindi ko makakaya na mawala ka ng dahil sa akin. Gumising ka na dyan. Wag ka munang mawala. Nagmamakaawa ako, Tzuyu." mahina niyang sambit at hinawakan niya ang kamay ni Tzuyu.
"Kapag magising ka na, aayusin ko ang lahat ng pagkakamali ko. Aayusin ko ang lahat ng nasira ko para sayo. Tsaka gagawin ko ang lahat lahat, para lang mapatawad mo ako sa lahat lahat ng kasalanan ko." Jungkook. "Please Tzuyu, gumising ka na. Deserve mo pang mabuhay dito. Ang bait bait mo. Pero ng dahil sa akin, nagawa mo yan dahil napapagod ka na sa akin. Pero.. Tzuyu. Sorry.. gagawin ko ang lahat.. para hindi ka na magalit sa akin. Please.. wake up. I need you in my life. Hindi ko kayang nakikita kang ganito ng dahil sa akin. Please, my love." naiiyak niyang sambit at yinakap niya nalang si Tzuyu ng sobrang mahigpit. Napapangiti nalang kaming lahat dito habang napapaiyak.
Nakita naman namin na napabitaw na siya kay Tzuyu at hinawakan niya naman ang magkabilang pisngi ni Tzuyu at ipinagmasdan niya ang mukha ng taong mahal niya habang naiiyak siya.
"Wake up, Tzuyu. And let's love each other. Love me and I'll love you too in the end of my life. Let's continue our journey to love each other. Yung talagang alam na natin sa isa't isa. Yung talaga na mapayapa na tayo. Yung wala ng problema. Please.. wake up, magsasama pa tayong dalawa.. magiging masaya pa tayong dalawa.. magmamahalan pa tayong dalawa.. habang buhay." Jungkook. "Sa mga panggagago at pananakit ko sa'yo, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka ulit. I'll make you happy." naiiyak niyang sambit at nakita naming hinalikan niya ang noo ni Tzuyu. "Tsaka kung paggising mo, kung hindi mo na ako mahal dahil nga sa ginawa ko.. I'll make you fall again for me."
"Please, Tzuyu. Wake up. I love you so much. I'm very sorry." pinakamahinang sambit ni Jungkook at wala nalang siyang ginawa kundi yinakap niya nalang ng mahigpit si Tzuyu at doon na siya umiyak ng umiyak.
Tzuyu.. please.. wake up. Nandyan na ang taong mahal mo.. na sobrang mahal na mahal ka din.
- - -
hello gaiz! ending is waving! 👋👋✊ stay tuned! take care always! ❤❤ i love u all! ♡
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
ספרות חובבים❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3
