o n e h u n d r e d f i f t y

346 28 1
                                        

TZUYU

Gabi na dito pero nandito pa din kaming lahat sa cottage na stinastayan naming lahat. Nakatambay lang naman kami dito at nagkakaroon ng kasiyahan. Kumakain ng mga inihaw naming grilled squid. Katabi ko naman sina Dahyun at Sana dito. Tinignan ko naman si Jungkook na katabi ni Jimin. Tsaka nagulat nalang ako na nakatingin na pala siya sa akin. Kumakain din siya ng grilled squid.

Wala nalang akong ginawa kundi ningitian ko siya at ningitian niya din ako ng pabalik. Halata talagang excited siya na iannounce na kami na officially eh. Hahaha! Well.. ako din naman.

"Ang sarap ng grilled squid 'no?" masayang tanong sa akin si Dahyun habang ngumunguya.

Napatango naman kami pareho ni Sana, "Oo nga eh." natatawang sagot namin.

"Teka huy.. alam mo Tzu? Simula nung nawala kayo ni Jungkook kanina? Napapansin pa namin si Lisa unnie na ang tahimik niya lagi tapos di na siya palangiti." sambit ni Sana at napatingin naman ako kay Lisa unnie na nakaupo katabi kay Yerim.

Oo nga. Pansin ko din kanina pa. Parang nangiba yung mood niya kanina. Tsaka napansin kong di sila magkasama ni Kuya kanina pa. Hinanap ko naman si Kuya Sehun kung saan siya, tsaka nakita kong nakatabi siya kay Jin oppa. Parang may iniisip din. Tsaka pansin ko nagtatamaan yung tingin nila ni Unnie pero nagkakaiwasan agad sila. Teka.. bakit di ba sila magkasama dalawa? Anong nangyari at biglang ganyan? Parang lagi nga silang magkasama kanina eh.

"Oo nga. Pansin ko din." sambit ko at tinignan ko sina Sana at Dahyun.

"Bakit kaya?" Dahyun.

"Curious ako at gusto kong tanungin kung okay lang siya, pero nahihiya ako eh. Feeling ko talaga hindi siya okay." sambit ni Sana at nilipat namin uli ang tingin namin kay Lisa unnie.

"Hintayin niyo ako dito. Ako ang magtatanong." nakangiting sambit ko sa kanila at tumango naman sila. Tsaka naman ako papalapit kay Lisa unnie. Tsaka nung nakita ako ni Lisa unnie, bigla siyang napangiti sa akin.

"Oh Tzuyu."

Pero alam kong pekeng ngiti niya lang yan. Di ganyan yung ngiti niya eh. Di tulad ng kaninang ngiti niyan.

Ningitian ko lang naman siya at tsaka ko lang naman siya tinabihan. Bago ako magtanong, tinignan ko si Kuya Sehun at tsaka nakita kong nakatingin na siya sa amin pero nakita ko naman na iniwas niya agad ang tingin sa amin. Teka.. ang gulo!

Tinignan ko naman si Lisa Unnie, "Ah unnie.. okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Tsaka nakita ko lang naman siya na parang naiilang. Pero maya maya, mabilis siyang napatango at napangiti.

"Uh.. yes! Yes! Of course. Why not?" tapos natawa pa siya. Teka may something talaga eh.

"Weh? Sure ka unnie? Napapansin kasi kita kanina pa eh." sambit ko.

Mabilis naman siyang napailing, "Huh? No. I'm fine. I swear." natatawang sambit niya. Parang hindi talaga eh. -.- Hays. Pero parang ayaw namang umamin.

"Ganon.. okay lang ba kayo ni Kuya?" tanong ko tapos yun.. mukhang natigilan siya at nawala sa mukha niya yung ngiti at parang napayuko nalang lamang siya.

"Oo.. o-okay lang kami." sagot niya. Hala. Bakit ganyan siya? Wag ko nalang tanungin. >.<

"Sabi mo yan Unnie ha. Pinunta lang talaga kita dito para tanungin kung okay ka lang kasi.. kanina pa kitang napapansin eh." tapos kunwari pa akong natawa. "Sige Unnie. Maiwan muna kita dito." nakangiting sambit ko sa kanya at nakita kong napatango lang siya.

Tsaka naman ako papabalik doon sa gitnaan nina Dahyun at Sana. Napaupo naman ako doon at huminga nalang ako ng malalim.

"Anong sabi?" sabay na tanong nila sa akin.

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon