Tzuyu's POV
Uwian time...
"Tzu, sabay na tayo uwi!" masayang aya sakin ni Nayeon.
"Sige."
Sabay sabay pa din kaming lahat na naglalakad palabas ng campus. Kasama namin sina Hoseok oppa. Anim lang sila. Wala si Jungkook.
Ewan, biglang nauna sa amin eh. Di man lang nagpaalam kung saan pupunta. Luh, baka nagmamadali?
"Shit ka Jin! Anong pinagpopost mo doon na mga litrato ko?! Hampasin kita dyan eh!" naiinis na sambit ni Suga oppa. "Di ako maka move on putangina ka!"
"Move on? Bakit? Naging tayo ba?" sarkastik na sambit ni Jin oppa at natawa naman ako. "Weh. Move on mo mukha mo parang yun lang. Relax ka nga dyan. Its just throwback!"
"Pero nakakahiya kaya. Parang ang gago ko sa litrato na nalasing ako last year. Gago ka." mura niya kay Jin oppa at natatawa lang naman kami.
"Pero ang cute mo kaya doon!" Momo.
"Oo nga!" pagsang-ayon namin.
"See? Pasalamat ka sakin dahil nakita nila kacutan mo." natatawang sambit ni Jin oppa.
"Arte pa eh. Kaya humahaba lalo ang baba." Hoseok oppa.
"Gago ka. Doon ka nga sa damuhan. Ang baho mo! Alis!" sigaw ni Suga oppa pero inunahan niya kami ng lakad tsaka naman nagtaka lang naman si Hoseok oppa at napapanganga.
"Anyare don?" Taehyung.
"Gago ba siya? Ako pinapaalis pero siya umalis?"
"Oo nga no?" Mina
"Hayaan niyo. Nauulol lang yun. Nasobrahan sa tulog eh." natatawang sambit ni Sana tsaka naman kami natawa.
"HAHAHAHAHA ikaw talaga! Ba't naman kasi ako magbabago?"
"Wala lang. Akala ko kasi ng wala na tayo, akala ko nagbago ka na."
Napaharap naman kaming lahat sa nagtatawanan, sa side. Tapos natahimik naman kami bigla ng nakita namin na magkasama si Yeri at Jungkook. Wow. Ang bilis naman nilang maging close.
"Nagtataka ako sa lalaki na yan." biglaang sabi ni Namjoon oppa. "Grabe talaga ang ngiti ng lalaki na yan ngayon. Mas grabe pa kung kaharap niya yang babae na yan. Yan yung nakita naming dating ngiti nung sila pa ni Yeri eh." dagdag niya.
"Kaya nga?" Jin oppa.
"Ang saya nila." Dahyun.
"Di kaya.. mahal niya pa?" Hoseok oppa.
Mahal niya naman talaga eh..
"Luh, sabi diba may jowa na si Yeri? Eh parang imposible naman. Moved on na si Kook no. Kung gawin niya yun, napakadakilang tanga niya na yata." sambit ni Taehyung na akala mo walang alam.
"Baka naman.. ganyan lang talaga ang relasyon nila bilang friends. Right?" Sana tsaka napatango naman kami.
"Tara na." aya na sa amin ni Jimin. "Susunod lang yan si Kook. Baka sakaling magsawa yan mamaya si Kook kay yeri." natatawa niyang sambit.
Magsasawa pa ba yan?
Papalabas kaming lahat sa campus ng tignan ko uli silang dalawa. Parang sila na yata ang pinakamasayang nilalang na buhay dito sa buong mundo dahil sa mga ngiti nalang.
Tapos nararamdaman ko nalang na medyo sumikip ang pakiramdam ko. May sakit na ba ako? Tch.
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila tsaka nakisabay nalang ako kina Nayeon unnie pauwi.
. . .
malapit na talaga to matapos hehe
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfiction❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3