TZUYU
Habang nanunuod ng sine, nararamdaman ko na para akong maiihi. Ano ba yan! Ang malas naman! Nasa gitna na kami ng movie eh! Tsk. Dami kong nainom na soda.
Binigay ko muna ang popcorn kay Kuya, "Sa'yo muna Kuya. Cr lang ako." paalam ko.
Tumango naman siya, "Sige. Balik ka ha." sabi niya tsaka tumango lang naman siya.
Daling dali naman akong bumaba tsaka pumunta sa baba.. sa CR. Tsaka good news naman dahil hindi puno yung CR sa female section. So ayun.. nakapasok pa ako and I did my thing.
Pagkatapos naman yun, pumunta muna ako sa salamin. Tsaka inayos ko muna ang sarili ko. Naghugas ako ng kamay. Then yun.. papabalik na ako sa loob. Hala ano nang nangyayari kaya kina Ralph doon?!
Papaakyat ako sa upuan namin ni Kuya. Shocks naman! Ang dilim dilim talaga! Kailangan mong mag-ingat kasi may tsansya kang madapa dito. Mahirap na! >.<
Pero maya maya, nagulat nalang ako ng may nakabangga akong tao na papababa. Ano ba yan! Masakit katawan ko eh medyo malakas yung pagkakabangga niya sa akin.
"S-sorry." sabi ko sa kanya ng inayos ayos ko ang sarili ko.
"T-Tzuyu?"
Nanlaki ang mata ko ng isinabi niya ang pangalan ko tsaka marinig ang boses niya. Tinignan ko naman agad siya at mas lalo nanlaki naman ang mata ko. Siya na naman?! Bakit?!
Pati na naman dito sa sinehan?! Makikita ko pa siya?! Bakit nga ba ang liit liit ng mundo?! Pati ba naman dito makikita ko siya?! Dinudurog niya lang yung damdamin ko eh kung alam niya lang.
Nagtataka ako sa kanya dahil mas lalo niya lang ako tinitigan. Kahit madilim dito sa loob, kitang kita ko pa din ang mukha niyang seryoso at kataasan niya.
Bakit ganyan ang tingin niya? May sasabihin ba siya?
Gustong gusto kong tanungin sa kanya kung sila pa ba ni Yeri. Pero ayaw ko, mas lalo lang akong masasaktan.
Alam ko naman na baka sila na naman. Babe tawagan nila.
Ano bang ginagawa niyo sa akin, Jungkook?
Ako naman ang may kasalanan eh. Nahulog sa may taong mahal na. Ang tanga ko!
Ba't nahulog ba ako?! Hindi niya naman ako sinalo dahil.. malayo pa lang.. handa na siyang sumalo sa iba. Hindi sa akin.
Umiwas na ako ng tingin ko sa kanya tsaka inirapan ko na siya at mabilis na akong bumalik kay Kuya. Tsaka ko kinuha yung popcorn sa kanya tsaka nagshare naman kaming dalawa. Tsaka ipinagpatuloy ko nalang ang pagnonood sa movie.
Kahit pero nanonood ako sa movie, hindi ako maka focus sa panonood tulad kanina. Hindi na'ko natatawa tulad kanina. Naaalala ko na naman yung kanina. Yung nakita ko na naman ang pagmumukha ng taong nananakit sa akin.
"Okay ka lang ba Tzuyu?" napansin pala ako ni Kuya. >.<
"Ah.. o-oo naman Kuya 'no!" natatawa kong sambit.
Pero hindi ako okay.
Nakita ko na naman siya.. makatitig siya sa akin.. mukhang wala na siyang pakialam sa akin.
Pati ba naman dito sa sinehan? Makikita ko siya? Unang una.. sa arcade. Pangalawa na 'to.
Ano ba talaga ang plano ng tadhana sa aming dalawa?! Gusto niya ba talaga akong saktan?!
Gusto ko nalang nga na hindi ko siya makita lagi para hindi nalang ako masaktan. Kasing sawa sawa na'ko. First time 'to nangyari sa akin. Nahulog.. nasasaktan.
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfiction❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3
