MONDAY
time check: 7:23 A.M.
"Sige ma, mauna na po ako!" pasigaw na sambit ko kay Mama habang nakangiti at lumapit ako sekanya tsaka siya hinalikan sa pisngi. "I love you po Ma!"
"I love you too, nak. Ingat ka." nakangiting sambit niya sa akin. Pagkatapos, lumabas na ako sa bahay. Tsaka nagpahatid na ako sa aming butler na bago lamang kakapasok dito sa bahay namin. Para naman hindi na ako laging magcommute at para na ding may magsusundo't hatid sa akin.
Hinatid niya naman ako sa school. Tsaka pagkadating ko at pagkapasok ko sa campus, medyo madami nang mga students. But I'm not late huh? Hehe.
At nang nakarating na ako sa room, naabutan ko naman yung mga friends ko. Tsaka napansin ko nalang na ako nalang pala yung wala. Wow, ang aga aga nila ah! Pero wala pa namang professor ih.
"Ang aga niyo ha!" pagpaparinig ko ng makaupo na'ko sa tabi ni Momo.
"Oh andyan ka na pala!" masayang bati ni Jin oppa.
"Syempre! Wala pa ngang professor, thank you lord!" natutuwang sambit ko at natawa naman sila.
Pero maya maya, nagtaka ako na biglang tumahimik at yun pala.. may pumasok ng professor.
"Speaking,"bulong na naiinis ni Nayeon.
Bumati naman kami sa kanya at napaupo lang kami. Ewan ko, kung may nakikinig ba sa pinagsasabi niya dahil yung iba, naka face palm,tapos nag-uusap pa ang iba. At halata pa sa mukha ng iba na ang tatamad nilang makinig. Lalong lalo na si Hoseok oppa at Nayeon. Lol.
Pero maya maya.. nabigla ako ng tinawag ako ni professor.
"Ma'am?" biglaang tanong ko.
"Pwedeng bang mautusan kitang ibigay 'to sa admin office?" tanong niya sakin na pinapakita ang mga files.
"Sure ma'am," nakangiti kong sagot at lumapit agad ako tsaka ko kinuha yung mga files.
Tsaka habang papalabas ako, tumigil muna ako kina Momo, "Madali lang ako ha." nakangiting sambit ko sa kanila at tumango lang naman sila.
"Ingat."
Papapunta naman ako sa admin office. Hmm, para saan ba 'tong mga files na 'to no?
Sa pagdating ko, kumatok ako doon at ibinigay ko naman doon ang files na pinapadala sakin ng professor. Tsaka na ako papabalik sa room namin.
Pero habang papabalik ako, may naririnig akong may umiiyak na babae.. tsaka hinanap ko naman kung sino yun. Hindi ko naman sinasadya na makita si Yeri pala yun.. tsaka nabigla akong kasama niya pala si Jaemin. Sa bench, nakaupo. Umiiyak si Yeri, tapos si Jaemin, nakayuko lamang. Kaya tumago ako doon banda sa poste para hindi ako makita.
But why Yeri is crying? May nangyari ba?
"Please.. Jaemin.. please.. don't leave me. Hindi ko kakayanin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. For fucking three months?! No, no, no! You can't do this to me, right?" narinig kong sambit ni Yeri habang naiiyak habang nakahawak sa kamay ni Jaemin tila parang wala lang pakialam si Jaemin sa sinasabi ni Yeri.
Inangat naman ni Jaemin ang ulo niya, "Sorry, Yeri. I need to do this. Hindi ko naman ginusto, pero kelangan ko sundin sina Mama." sambit ni Jaemin.
Hindi ko sila gets.
"Hindi ko kakayaning hindi ka makasama ng three months Jaemin, mababaliw ako!"
"But.. there's a social media."
"Pero iba yung nakikita kita sa personal!" sigaw ni Yeri but I saw she only hugged Jaemin, "Bukas ka na aalis.. papuntang America. Wala akong magagawa. Girlfriend mo lang naman ako eh. Right?"
Bago ako makasigaw, tinakpan ko ang baba ko. Nagulat ako. Pupunta si Jaemin sa America at iiwan si Yeri?!
"Aish, time's running so fast so don't worry. I'll be back. Three months is so fast. Wag mo ako isipin ng sobra, baka malay mo.. matagal tagal.. dadating lang pala ako." Jaemin. "I'll miss you so much babe."
"Mas mamimiss kita. Daming babae doon."
"No. You're my only girl." he said then chuckled. Yinakap niya uli si Yeri kaya umiyak na naman si Yeri na parang bata.
"Don't cry. I love you so much."
"I.. love you too."
Tumalikod na agad ako at umalis doon. Iiwan niya si Yeri? Pupunta siya sa America?
Pero hindi ko alam napapangiti ako..
Wala na si Jaemin.. sa tabi ni Yeri.
So may malaking chance si Jungkook para sa kanya.
I smiled while walking back to our room.
Kekwento ko 'to kay Jungkook lahat lahat. I feel matutuwa siya ng sobra.
. . .
kekeke hope u like this shit ♡♡
- elle
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfic❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3