DAHYUN
"Sana naman, madaming binili si Jaemin na pagkain 'no? Gutom na ako eh." parang nagrereklamo na sambit ni Hoseok oppa pero binatukan lang naman siya ni Taehyung.
"Maghintay ka. Di ka na nahiya, siya na nga yung bumili para sa atin eh." saway sa kanya ni Taehyung pero natawa lang naman kami dito.
"Ganun ba? Sorry. Pero gutom na talaga ako eh." sambit ni Hoseok at pinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ni Suga oppa. Tapos natawa naman kami uli. Halata talagang nagugutom na siya.
"Yan kasi eh di ka siguro kumain bago umalis sa bahay niyo, yan.. magtiis kang kabayo ka." natatawang sambit ni Jin oppa. Kaya natawa na naman kami.
Kabayo naman daw kasi eh. HAHAHAHAHA! Talagang hindi pa nagbabago 'tong pang-aasar nila.
"Kabayo mo dyan. Mayayari kang eomma kong bakla sa akin eh tignan mo. Pasalamat ka, gutom ako." nanghahamon na sambit sa kanya ni Hoseok oppa.
"Wag kang mag-alala, maya maya nandito na din si Jaemin maya maya." natatawang sambit ni Jeongyeon.
"Baka madami lang tao sa convenience store?" Mina.
"Oo nga." Nayeon.
"Maghintay nalang tayo. Dadating din yun si Jaemin maya maya. Maraming pagkain na dala yun." natatawa na sambit ni Kuya Sehun at napatango lang naman kami.
Pero maya maya, narinig namin na unting unti bumukas ang pintuan.. tsaka nakita naman namin si Jaemin na may dala dala ng paper bag. Tapos nabigla nalang kami na nasa likod niya si Yeri na may dala dala ding paper bag. Parang kami lahat dito ay nakaramdam ng matinding inis ng nakita na naman namin siya. Kumukulo na agad yung dugo ko kapag nakita ko naman siya.
Bakit ba yan sinama ni Jaemin? Anong ginagawa niya dito? Ang kapal ng mukha niya. Ang lakas ng loob niyang pumunta dito kay Tzuyu.
Tsaka hindi na kaming nagdalawang isip kundi papalapit kami kay Yeri para sabunutan siya. Nagulat naman si Jaemin, at bigla nalang siyang humarang sa harapan ni Yeri. Tsaka naman mabilis naman kami pinigilan ng mga kasama naming lalaki dito. Pinilit pa naming kumalas sa pagkapigil nila sa amin ngunit hindi talaga kami makaalis dahil ang lakas ng mga pwersa nila. Wala nalang kaming nagawa kundi tignan ng sobrang sama si Yeri. Nakakainis talaga siya eh! Super! Kasalanan niya din 'to!
"Walangya ka! Anong ginagawa mo ditong babae ka?!" galit kong tanong sa kanya.
"Ang kapal mo!" Momo.
"Bakit mo ba yan sinama yan dito, Jaemin?! Nag-iisip ka ba?!" naiinis na tanong ni Chaeyoung habang nakatingin ng masama kay Yeri at mukhang napapayuko nalang siya.
"Kumalma kayo mga babae, baka naman may rason lang si Jaemin." pagpapakalma sa amin ni Namjoon oppa.
Nang dahil doon, napaupo nalang kami sa kinakauupuan namin pero nakaramdam pa din ng matinding inis eh nandito si Yeri.
Ipinagmamasdan lang naman namin sila na dahan dahan silang lumalapit sa amin. Tsaka hawak hawak pa ni Jaemin ang kamay ni Yeri sa kanyang likod. At tsaka nila nilapag sa mesa ang mga binili nila. Pero maya maya ay parang nabibingi na kami sa katahimikan at para bang walang isa sa amin na balak magsalita. Pero hanggang ngayon, nakatingin kami ng mga kaibigan kong naiinis kay Yeri.
Pero binasag na naman ni Jaemin ang katahimikan, "Alam kong galit na galit kayo kay Yeri. Pero sana ngayon, wag na kayong magalit sa kanya. Tao din naman siya eh, nagkakamali." kalma na sambit ni Jaemin.
"Talagang oo. Sino ba naman hindi magagalit sa kanya eh siya din ang naging dahilan kung bakit nagpakamatay si Tzuyu!" naiinis na sambit ni Sana.
"Kalma, Sana." sabi namin kay Sana.
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfiction❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3