s i x t e e n

482 39 2
                                    

Tzuyu's POV

-🔑-

Kinuha muna namin ang books na binili namin sa counter. Tapos nakita na namin sina Nayeon na naghihintay sa isang donut stand. At kaming apat nina Momo ay papalapit sa kanila.

"Wow! Dami niyo naman pinabili! Daming paper bags! Daming pera, oha!" biro ni Jeongyeon kina Nayeon na pagkakita namin agad.

"Hindi naman. Sale ngayon eh. Ngayon lang din naman kami nakapagbili ng mga stuffs. Like blouses, accesories and others." sambit ni Dahyun.

"Aba kayo din ah. May mga books at sweets pala kayong binili." sambit ni Sana at itinuro ang dala naming sweets and books.

"Share naman kayo dyan sa sweets oh. Ahehehe." sabi ni Nayeon.

"Oh, sure! Dinamayan namin kayo ng sweets!" sambit ni Jeongyeon.

"Wow, thank you! Dadala ako sa house mamaya ng sweets." sambit ni Sana.

"Iwan muna natin sa counter tong mga pinabili natin. Alangan namang dalhin dalhin lang natin 'to." sambit ni Chaeyoung.

"Sige. Nakakapagod magdala ng paper bags e. HAHAHA." natatawa na sambit ni Sana.

"Paghatid natin ng mga pinamili natin sa counter, bili tayo donut. Nakakagutom kaya mag choose choose kung ano ang bibilhin tapos lalakad lakad." sabi ni Nayeon na nagugutom na naman.

"Aba sige. Ginugutom na naman ako eh." sambit ni Momo. Kaya natawa nalang kami. Ang bilis talaga nila magutom.

"Sige. Hatid na natin 'tong mga pinamili natin. Treat ko kayo sa donut." sambit ni Jeongyeon.

"WAH? Really?" namamangha na tanong ni Dahyun.

"Oo nga. Tara na." Jeongyeon.

"Tara! Manglilibre si Jeongyeon ng donuts!" pasigaw na sambit ni Nayeon.

Hinatid namin sa counter ang lahat ng pinamili na books and sweets. Pati na rin yung kina Dahyun na mga damit at iba pang girly stuffs. Bumalik agad kami doon sa donut stand kung saan sina Nayeon naghintay kanina.

"Libre mo Jeongyeon." agad na sambit ni Momo pagkarating pa lang namin.

"Donut!" naeexcite na sambit ni Nayeon.

"Oo na. Oo na. Hintay. Bibili na ako." natatawa na sambit ni Jeongyeon na bibili na . Natawa lamang kami lahat.

"Excited talaga kayo 'no?" tanong ko sa kanila.

"Oo naman. AHEHEHE. Nakakagutom kaya." sambit ni Nayeon.

Maya maya, may dala ng isang box na donut si Jeongyeon. Tapos kumuha naman kami nang tig-isa na donut tapos kinain namin iyon. Nakakagutom naman talaga pag bumibili ka ng mga bagay bagay tapos maghahanap ka pa. HAHAHA.

"Thank you sa treat Jeongyeon ha? Sarap ng donut." sambit ni Nayeon.

"Wala yo'n. Basta kayo." sambit pa niya.

"Tara timezone, arcade?" aya ni Dahyun at agad naman kami naexcite don.

"Sige! Tara!"

Papapunta kaming lahat sa taas, sa World of Fun. HAHAHA. Mag-aarcade kaming lahat. At 'tong sina Dahyun, daig pa ang kindergarten na bata kung inabutan ng kaexcitan.

. . .

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon