DAHYUN
"Patay." sambit ko ng binasa ko ng paulit ulit ang replies sa akin ni Kuya Sehun.
"Patay?" tanong nilang lahat sa akin na nagtataka.
"Patay si Jungkook kay Kuya Sehun. Galit na galit talaga siya. Lagot talaga siya." sambit ko at tinignan ko sila. "Eto chats niya sa akin oh." sambit ko ng inaabot ko sa kanila ang phone ko at tinanggap naman yun ni Taehyung. Tsaka naman siya pinalibutan ng iba kong kaibigan para makibasa din.
Ipinagmasdan ko lang naman silang lahat. Mukha lang naman silang nabibigla at mukhang natatakot din.
"Mukhang galit talaga si Kuya." sabi ni Nayeon.
"Kaya nga." Hoseok oppa.
"Mabuti nalang yun na magalit siya kay Jungkook. Mabuti lang yun na magalit siya. Kasalanan niya naman." sambit ni Namjoon oppa tapos nagbugtong hininga siya.
"Sino ba naman hindi magagalit di'ba?" Mina.
"Isa pa, magbestfriend silang dalawa.. syempre, magagalit talaga si hyung yan lalong lalo na si Jungkook ang dahilan ng pagpakamatay ni Tzuyu." sambit ni Jin oppa. Nakakainis naman eh. Parang iiyak na naman ako dito.
"Kung ako kay Kuya, hinding hindi ko siya mapapatawad si Jungkook. Hinding hindi." naiinis kong sambit. "Nakakainis talaga siya eh. Ginawa niyang daan si Tzuyu? Kaya nagkakaganyan si Tzuyu eh. At nakakainis din kasi si Tzuyu, pumayag pa siya."
"Hindi naman natin masisisi yung nangyari, Dahyun eh nangyari na." Jaemin.
"Tsaka sobrang mabait kasi talaga si Tzuyu kaya niya ginawa yun para kay Jungkook." sambit ni Sana.
"Hays.. I wonder.. gaano kaya kagalit si Kuya Sehun kay Jungkook?" tanong ni Chaeyoung.
"Ano ka ba, syempre galit yun 'no. Kapatid niya ka ang nandito tsaka ang rason pa ay ang bestfriend niya. Natatakot pa lang nga ako sa chat niya eh ano pa kaya kung may gawin siya kay Jungkook 'no?" sambit ko at napatango tango naman sila.
"Tama lang yun sa kanya. Para naman kay Tzuyu eh. Ang gago niya." masungit na sambit ni Suga oppa.
"Pero ano naman kasi talaga ang magagawa natin, eh kay Yeri na talaga siya eh." napaharap naman kami lahat kay Jaemin na nakayuko. "Ako nga eh, wala ng magawa. Buhay naman nila yan." dagdag niya.
"Pero may sinira silang buhay, at kay Tzuyu yun. Dahil hirap na hirap na siyang masaktan." sambit ni Jimin at napatango naman kami.
"Akala ko nga sa unang una, may gusto si Jungkook kay Tzuyu dahil lagi sila magkasama." sambit ni Momo.
"Eh yun pala lagi magkasama dahil nga kay Yeri." naiinis na sambit ni Jihyo.
Huminga naman ako ng malalim, "Pwede ba? Wag nalang muna nating pag-usapan yang mga tao na yan? Mas lalong nakakainis eh at maya maya nalang susugurin ko na talaga sila at ilibing sila ng buhay." naiinis kong sambit at natigilan naman silang lahat. "Isipin nalang natin na.. mabubuhay pa si Tzuyu.. at alam kong makakalimutan niya si Jungkook."
"Eh paano ba yan? Mahal niya nga si Jungkook?" Jaemin. Tsaka nalang lamang ako huminga ng malalim.
"Bakit pa ba kasi nahulog yan si Tzuyu kay Jungkook kung kahit kailan na naging daan pa siya? Malas naman 'non." parang nagsisisi na sambit ni Hoseok oppa.
"Wag kayong mag-alala, makakaya yan ni Tzuyu. Alam kong gagaling siya sa sakit na nararanasan niya kay Jungkook. Nandito pa tayo." nakangiting sambit ni Namjoon oppa at napangiti nalang din kami.
*blag!*
Nagulat kami lahat sa pagbukas ng pinto ng sobrang lakas at nung tinignan namin, nanlaki ang mata namin na nandito na pala si Kuya Sehun na may mga luha na sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Фанфикшн❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3
