DAHYUN
Ipinagmasdan lang naman namin si Yeri na napapangiti siya kay Tzuyu at nakita naman namin na binuksan niya na yung pinto para sa amin. Tsaka mukha naman kaming nabigla.
"Pumasok na kayo." nakangiting sambit niya sa amin at nagkatinginan lang naman kaming lahat dito. Pero maya maya din ay dahan dahan kaming pumasok lahat sa room.
Tsaka lang naman kami napaupo lahat sa pinag-upuan namin. Tsaka parang mabibingi kami lahat sa katahimikan dahil parang wala sa amin na planong magsalita. Pero lahat kami dito ay tinitignan si Yeri. Tsaka parang naiilang siya sa amin.
Pero maya maya din ay.. binasag ni Jeongyeon ang katahimikan. "Ah, Yeri.. sinabi na lahat lahat ni Jaemin sa amin. Sorry pala.. dahil nagalit kami sa iyo." paghihingi ng paumanhin ni Jeongyeon.
"Oo nga.. wala pa kaming alam kung bakit ka pa pumunta dito." sambit ko.
"Pero wag kang mag-alala, simula ngayon.. hindi na kami nagagalit sayo simula ng sinabi na ni Jaemin sa amin ang lahat." Nayeon.
Pero nakita namin, napangiti lang si Yeri sa amin. "Bagay lang naman sa akin na magalit kayo sa akin. Eh kasi nang dahil sa akin.. hindi naging si Jungkook at Tzuyu. Ang sobrang pakialamera ko. Nasaktan ko pa ng ganito si Tzuyu eh tignan niyo tuloy ngayon.. nandyan siya." parang naiiyak na natatawa niyang sambit.
Pero nilapitan lang naman siya ni Momo, "Ano ba Yeri.. wag mong sabihin yan. Nagmahal ka lang naman ehh. Dapat hindi nalang kami nagalit sa'yo.. dahil hindi namin alam na nasasaktan ka din." nakangiting sambit niya kay Yeri.
"Pero mas nasasaktan si Tzuyu.. sana sa maaga pa lang, sinabihan ko na agad si Jungkook na layuan na ako. Para hindi mas nasaktan si Tzuyu at hindi siya magkakaganyan." nakangiting sambit ni Yeri. "Alam ko naman na nararamdaman ko na mahal ni Jungkook si Tzuyu eh. Hindi niya lang kaya maisabi.. kasi nga.. natakot siya. Gumagalaw lang siya.. kung kelan kapag kung saan may nangyari na kay Tzuyu at kekelanganin pa siya."
"Kaya nga eh.. ang tanga tanga nung gago na yun." naiinis na sambit ni Taehyung.
"Hoy, gutom na ako--" Hoseok oppa pero binatukan lang naman siya ni Suga oppa kaya medyo lang naman kaming natawa dito.
"Pero sabi sa akin ni Jungkook, kaya hindi niya ako maiwan iwan, kasi naaawa siya sa akin na masasaktan ako." natatawa kong sambit. "Sana.. hindi niya nalang ginawa yun. Ang tanga niya eh. Mas mahal niya nga si Tzuyu kesa sa akin, pero.. mas sinasaktan niya yung taong mahal niya. Ganon siya katakot. Pero alam niya naman na mahal din siya ni Tzuyu eh." napapailing na sambit ni Yeri.
"Ang hirap i-spelling ni Jungkook.. bakit ganun?" naguguluhang tanong ko.
"Pero bakit ganun.. Yeri? Ginawa mong sabihin kay Jungkook na iwan ka niya.. di'ba.. mahal mo siya?" Jimin.
Huminga ng malalim si Yeri at ningitian niya kami lahat, "Oo mahal ko si Jungkook.. pero ginawa ko yun para kay Tzuyu.. dahil hindi ko gusto na masaktan si Tzuyu.. tsaka gusto ko pa siyang mabuhay.. importanteng kaibigan din sa akin si Tzuyu eh.. kahit nasaktan namin siya ng sobra. Tsaka alam kong sobrang kelangan niya si Jungkook." nakangiting paliwanag niya sa amin. Hindi namin maiwasan na ningitian siya ng pabalik.
Dapat hindi pala kami nagalit sa kanya. Ang bait na tao ni Yeri.. iniisip niya si Tzuyu. Talagang tinanggap niya ang totoo na mas mahal ni Kook si Tzuyu. Hindi siya yung tipo na naghihiganti at nagagalit. Siya na mismo ang nagsabi kay Kook na iwanan siya.. na para lang kay Yeri. Pero alam kong masakit din yun sa kanya. Pero kahit ganun, si Tzuyu ang inisip niya.
"Ang bait bait mong tao, Yeri.. dapat pala hindi kami nagalit sa'yo." Jeongyeon.
"Kahit mahal mo si Jungkook.. sinabi mong iwan ka niya para lang kay Tzuyu." Mina.
![](https://img.wattpad.com/cover/179642195-288-k64784.jpg)
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfiction❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3