o n e h u n d r e d t w en t y s i x

364 24 6
                                        


DAHYUN

"Dahyun.. kumalma ka." pagpapakalma nila sa akin lahat lahat pero mas lalo lang akong umiyak. Ang sobrang sakit talaga kapag makita mo yung bestfriend mo na nasa ganitong sitwasyon.

"Alam kong hindi matutuwa si Tzuyu kapag nakita ka niyang nagkakaganyan." napaharap naman ako sa nagsalita, bumilis ang tibok ng puso ko ng sinabi iyon ni Jimin habang nakatingin sa akin.

Tuluyan akong lumayo kay Tzuyu at dahan dahan na napaupo sa upuan. At doon lang ako umiyak ng umiyak ng sobra. Ang sakit sakit talaga. Parang gusto ko nalang din sumama kay Tzuyu. Parang lagi nalang akong iiyak sa mga araw na 'to eh. Hindi ako papayag na ganito.

Pero nagulat nalang ako na maya maya, naramdaman kong parang kinukulong ako sa yakap ng lalaking ito. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Jimin na yinayakap ako. Mas lalo nalang akong naiiyak habang naaalala yung mukha ni Tzuyu at hindi ko nalang mapigilan ang sarili ko na yakapin nalang din siya pabalik.

"Ang sakit sakit.. anong nangyari kay Tzuyu." naiiyak kong sambit.

Hinaplos haplos niya naman ang buhok ko, "Tama na. Makakaya ni Tzuyu ang lahat ng 'to. Stay positive." sabi niya sa akin at napangiti naman ako ng dahil doon. Alam kong tama siya. Posible yun.

Napabitaw ako sa kanya at humarap kay Jimin, "Thank you, Jimin. Thank you." nakangiting sambit ko sa kanya.

"Wala yu'n." sabi niya sa akin at ningitian niya ako.

"Tama na, Dahyun. Alam naman natin na pagod lang yan si Tzuyu, eh di'ba?" Hoseok oppa.

"Kaya hindi pa siya nagigising." Taehyung.

"Let's just pray." Mina.

"Oo. Pero alam naman natin na hindi tayo iiwan ni Tzuyu ng maaga pa." Jin oppa.

"Kasi.. lalaban siya. Nagpapahinga pa siya sa lahat ng sakit na.. nararanasan niya at ipinagdaanan niya dahil kay Jungkook.. at Yeri." nakayukong sambit ni Suga oppa.

Dahil narinig ko ang pangalan ng mga demonyo na yan, nakaramdam na naman ako uli ng matinding inis. Mga walangyang yun! Sinaktan nila si Tzuyu!

"Mapapatay ko yung Jungkook at Yeri na yun!" galit na sambit ni Sana.

"Ako din! Ginagalit nila ako ngayon!" Momo.

"Samahan niyo nga ako! Kating kati na ako na sabunutan yung Yeri na yun! At ilibing ng buhay sila pareho!" galit na galit na sambit ni Nayeon.

"Calm down, girls." pagpapakalma sa kanila ni Jimin na katabi ko. "Hayaan niyo na sila. Magsisisi din yung dalawa na yun kapag malaman nila ang nangyari kay Tzuyu." sabi ni Jimin sa kanila.

"Sorry na, Jimin. Nakakainis lang talaga kasi eh!" pasigaw na sambit ni Jihyo habang napaupo nalang sa tabi ko. Bale pinapagitnaan nila ako ni Jimin.

"Ang daming sinabi sa akin ni Tzuyu, kung alam niyo lang." napatingin naman kaming lahat kay Jaemin na maya maya ay napaupo sa upuan.

"Ano yun?" Namjoon oppa.

Kaya lahat lahat sila dito ay napapaupo na. Bale nakaform kami ng bilog dito lahat malapit sa kama ni Tzuyu. Tapos lahat naman kami ay nakatingin lang kay Jaemin ang nag-aabang sa kanyang kasagutan.

"Matagal ng nasasaktan si Tzuyu simula ng tinutulungan niya si Jungkook kay Yeri. Hindi niyo alam, sobra siyang nasasaktan kapag nakikita niyang magkasama sina Yeri at Jungkook. Sobrang sakit ang nararanasan niya araw araw kapag nakikita niya si Yeri at Jungkook. Hindi niyo yun nakikita kasi.. hindi niyo yun napapansin. Ang galing niya kasi magpanggap sa inyo. Akala niyo, okay na okay siya sa lagay niya dahil sobra ang ngiti niya. Pero hindi, deep inside.. sobrang pagod na pagod na siyang masaktan at ayaw niya yun ipakita o ipaalam sa inyo dahil gusto niya siya lang ang makakaalam non."

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon