o n e h u n d r e d t h i r t y s i x

337 23 8
                                    

vote and comment naman dyan oh. baka naman. ✊✊

--

DAHYUN

Habang yinayakap lang ni Jungkook si Tzuyu, huminga lang kami ng malalim at pinahidan namin ang mga luha na sa mga mata namin. Hindi namin inakala na ganun niya pala kamahal si Tzuyu. Grabe pa ang galit namin sa kanya.

Tapos nakita lang namin na tumayo si Kuya Sehun. Sinundan lang naman namin siya ng tingin. Papalapit siya kay Jungkook. Tsaka nakita namin na tinapik tapik niya ang braso ni Jungkook. Tsaka naman napabitaw si Jungkook sa pagyakap kay Tzuyu. Tsaka naman siya tumayo at pinunasan niya ang kanyang mga luha na tumutulo galing sa kanyang mga mata. Tsaka niya hinarap si Kuya Sehun. Pero maya maya, may mga luha na namang tumutulo sa kanyang mata.

"Hyung.. ang sakit sakit." naiiyak na sabi ni Jungkook. Naaawa tuloy ako sa kanya.

Pero nakita namin na ningitian lang siya ni Kuya Sehun, nakita naman namin na inakbayan niya lang niya si Jungkook at papalapit naman silang dalawa dito. Pinaupo lang naman ni Kuya Sehun si Jungkook na umiiyak na naman. Tinabihan naman siya ni Kuya at inakbayan niya si Jungkook.

"Talagang masakit, Kook. Lahat naman sa atin eh, masakit. Hindi nga ako makapaniwala na ginawa yan ni Tzuyu. Pero wala namang may ginusto sa nangyari." sambit ni Kuya Sehun pero hanggang ngayon, umiiyak pa din si Jungkook kaya ginamit niya ang palad niya para sa pantakip ng kanyang mukha. Ayaw niya yata na makita namin siyang umiiyak. Pero ngayon lang talaga namin siyang nakitang ganyan.

"Ano ba yan, tumigil ka na nga sa kakaiyak dyan Kook. Para kang bakla." parang naiinis na sambit ni Kuya Sehun sa kanya at medyo lang naman kami natawa dito.

Tapos nakita namin na tumalikod pa si Jungkook sa amin at mukhang pinunasan niya ang mga luha na tumutulo sa kanyang mga mukha. Tsaka na siya humarap sa amin na wala na siyang mga luha sa mga mata niya, "Sorry Hyung.. ang sakit talaga sa akin eh. Kasalanan ko 'to lahat lahat." tapos medyo pa siya natawa sa amin.

"Wag kang mag-alala, magigising yan si Tzuyu. Dumating ka na eh." nakangiting sambit ni Kuya Sehun sa kanya.

Pero maya maya, nakita namin na huminga siya ng malalim at tinignan niya si Kuya Sehun, "Ah hyung.. sorry talaga sa lahat ha? Sinaktan ko pa ang kapatid mo ng sobra kahit mahal ko siya. Sorry hyung, kung ang sobrang tanga ko. Naunahan lang naman ako ng takot. Maski ako, hindi ko maintidihan ang sarili ko. Pero hyung.. totoong mahal na mahal ko si Tzuyu. Walang halong biro. Kaya sana patawarin mo na ako. Kaya sana.. magkaibigan pa din tayo ngayon."

Napatango naman si Kuya Sehun sa kanya, "Naiintidihan ko naman yang nararamdaman mo. Pero ang nakakainis lang kasi Kook, ang sarap mo talagang suntukin ng paulit ulit dahil bakit ba ang tanga tanga mo. Pero hindi pwede, mahal ka ni Tzuyu eh." natatawang sambit ni Kuya Sehun sa kanya. "Pinapatawad na kita. Tsaka oo naman, bestfriends tayo gago. Tsaka kapag magising na si Tzuyu, sisiguraduhin mo lang sa akin na hindi mo na siya sasaktan uli at mayayari ka na talaga sa akin kapag inulit mo yang katarantaduhan mo sa kanya. Ako na ang tatapos ng buhay mo. Tandaan mo ang mga salita ko, Jeon Jungkook." pagbabanta sa kanya ni Kuya Sehun.

Ningitian naman siya uli ni Jungkook, "Oo naman Hyung. Pangako yan. Hindi ko na yan uulitin sa kanya. Mahal ko kapatid mo hyung eh.. sobra."

"Alam ko naman yun Kook eh. Pero salamat talaga.. dahil dumating ka para sa kapatid ko. Mahal na mahal mo talaga siya." nakangiting sambit ni Kuya Sehun sa kanya.

"Wala yun hyung. Gusto ko naman baguhin ang lahat lahat ng katangaan ko sa mundo na 'to eh."

Tapos nakita lang naman namin na nagbro hug silang dalawa ni Kuya Sehun. Hindi namin maiwasan na mapangiti sa kanilang dalawa. Parang kailan lang na ang sobrang galit ni Kuya Sehun tsaka lalo na si Jungkook.. ngumingiti na naman. Eh ang lamig niya sa amin yung mga araw na kasama niya si Yeri.

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon