DAHYUN
"Bakit ko pa babalikan.. kung nakipaghiwalay na ako sa kanya?"
Natahimik naman kaming lahat ng dahil sa sinabi ni Jimin. Nakatingin lang kaming lahat sa kanya at halos dito ay napapalunok nalang sa mga laway nila. Halos hindi makapaniwala si Jungkook sa narinig niya galing kay Jimin.
"Naman bro.. alam ko namang mahal niyo ang isa't isa. Ayaw tumigil sa kakaaway ni Seulgi sa akin eh nakipaghiwalay ka nga sa kanya ng dahil sa akin. Tsaka sorry, ng dahil sa akin.. nasira ko ang relasyon niyo." sambit ni Jungkook at napapakamot pa siya sa kanyang batok.
"Para kang gago. Wag ka ngang mag-sorry. Wala kang kasalanan. Ginusto ko naman talaga na makipaghiwalay sa kanya eh." parang natatawang sambit ni Jimin sa kanya at mas lalong nagtaka si Jungkook.
"Ha? Ginusto mo talaga? So hindi mo na ba talaga siya babalikan?" Jungkook.
Ningitian siya ni Jimin, "Hindi na. Ayaw ko na."
Mukhang nagulat naman si Jungkook sa sagot ni Jimin at napatingin pa siya kina Jin oppa na ngayon ay napailing iling nalang kay Jimin.
"Tang-- totoo?" Jungkook.
"Oo Kook. Sarap ngang upakan eh ang yabang yabang. Akalain mo, sa tagal ng relasyon nila ni Seulgi, ang dali niyang mag move-on doon? Galing lang." Taehyung.
"Eh parang wala lang nga sa kanya eh." Namjoon oppa.
"Sana all." mga kaibigan kong babae dito at natawa naman kaming lahat dito.
Mukhang hindi pa din makuha ni Jungkook ang mga sinabi ni Jimin, "Teka nga bro matanong nga kita.. minahal mo ba talaga si Seulgi noona?" tanong ni Jungkook sa kanya. Kanina pa siya ah.
Tinignan naman siya ng seryoso ni Jimin, "Magiging kami ba kung hindi ko siya mahal? Syempre naman bro, minahal ko ng sobra yung babae na yun kahit papaano."
Hindi ko alam nung narinig ko yun galing sa kanya, nakaramdam ng kirot yung puso ko. Aarrghh, bakit ganito? Dapat lang nga okay ako ih bakit ganito?
"Eh yun naman pala eh. Bakit ayaw mong---"
"Tumigil ka nga sa kakatanong dyan Kook, daldal mo. Sasabihin ko nalang lahat." parang naiiritang sambit ni Jimin sa kanya at tinanguan lang naman siya ni Jungkook. Tsaka naman kami dito tumahimik lahat lahat.
"Oo, minahal ko ng sobra si Seulgi. Pero nung nakipaghiwalay ako sa kanya, yung hindi ko siya kinakasama, unting unti na nawawala yung pagmamahal ko sa kanya. Hindi naman sa ganon lang kadali na kalimutan siya, pero nararamdaman ko talaga na hindi ko na siya mahal eh. Parang wala na talaga akong nararamdaman sa kanya. Normal lang. Hindi ko na nararamdaman yung dating feelings ko para sa kanya na.. sobrang mahal na mahal ko siya. Pero kahit papaano, naging importante din yung tao na yun sa akin eh syempre, minahal ko yun. Yun.. yun lang. Basta nakamove-on na ako sa kanya. Malinaw na ba sa'yo Jeon Jungkook?" nakangiting tanong sa kanya ni Jimin.
"Naks ganon ha!" Kuya Sehun.
"Okay lang yan bro.. umulit ka naman next time. Marami pang iba dyan." natatawang sambit ni Hoseok oppa.
"Tapos makikipagbreak na naman si Jimin." Jeongyeon.
"Parang gaguhan lang HAHAHAHA!" natatawang sambit ni Taehyung at nagsitawanan naman kaming lahat dito.
"Grabe naman kayo sa akin. Di naman ako ganon eh totoo naman yung pinagsasabi ko." natatawang sambit ni Jimin.
Pero hindi ko yata alam, ang saya ko ng nalaman kong move on na talaga siya kay Seulgi. Wala lang! Masaya lang ako na single na uli si crush! :D
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Фанфикшн❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3
