o n e h u n d r e d t w e n t y t h r e e

366 27 15
                                        


TZUYU

Nakabihis na ako at papababa na ako. Tsaka ko agad naman nakita si Mom at Kuya. Lumapit naman ako kay Mom ko.

"Ah, mom." nakangiting sambit ko sa kanya.

"Oh what baby? Bakit nakabihis ka yata?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Natawa ako, "Ahh yun nga Mom, magpapaalam ako. Aalis na muna ako eh makikipagkita ako sa friend ko. Madali lang naman ako." paalam ko sa kanya.

"Osige. Mag-ingat ka Tzuyu ha?" nakangiting sambit niya sa akin.

"Yes mom." nakangiting sambit ko sa kanya at yinakap ko siya. "I love you."

"I love you too."

Bumitaw na ako kay Mom at kumaway nalang lamang ako sa kanya. Tsaka ko naman siya nakita na umkyat sa taas. Tsaka nakita ko si Kuya Sehun at lumapit naman siya sa akin.

"Sigurado ka na ba ngayon ka na aamin?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Sehun.

Napangiti ako, "Opo Kuya. Ngayon na." sagot ko. "Alam ko naman na masakit lang yung madadama ko mamaya.. pero okay lang.. handa naman akong damahin yun at tsaka deserve ko namang masaktan."

"Tsk. Ano ka ba Tzuyu. Hindi mo deserve masaktan." sambit niya at tsaka yinakap niya naman ako. "Basta.. kung ano man ang sabihin niya sa'yo, tanggapin mo ng buong puso yan. Magpakatatag ka Tzuyu. Kaya mo 'to."

Napangiti ako kay Kuya, "Thank you Kuya. Gagawin ko na talaga ang makakaya ko para makalimutan siya." sagot ko at napabitaw naman ako sa kanya. "Osige kuya, alis na ako. Madali lang ako."

"Sige. Mag-ingat ka ha. Pag oras ng uwian, uwi ka na agad." paalala niya sa akin.

"Noted kuya. Bye na." paalam ko sa kanya.

"Bye."

Tsaka naman ako naghanap ng taxi na masasakyan ko. Maya maya, nakahanap din ako ng taxi. Tsaka na din ako bumyahe kung saan kami makipagkita ni Jungkook ngayon.

Ano kaya ang reaction niya kapag sinabi ko yun kay Jungkook? Ano kaya?

I'm sure.. sasaktan lang ako sa mga salita niya. Siguradong sigurado talaga ako doon. Wala na nga akong pag-asa dahil nga alam niyo naman ata na mahal na mahal niya si Yeri di'ba? Talong talo na ako.

Pero sige, handa akong masaktan mamaya para sa kanya. Bagay lang naman 'to sa akin di'ba? Deserve ko 'tong sakit na nanggagaling kay Yeri at Jungkook. Siguro, pinaparusahan talaga ako ngayon. Kaya ako nagkakaganito.

Maya maya din, nakarating na din ako. Bumaba na ako sa taxi at hinanap hanap kung saan siya. At agad ko din siyang nakita na nakatalikod na nakaupo sa bench. Bigla yatang bumilis ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako na harapin siya lalong lalo na kami lang dalawa ang magkasama dito.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya.. parang nanginginig pa akong lumapit sa kanya pero ginawa ko ang best ko para makalapit sa kanya. At nung nasa likod niya na ako, tinawag ko siya.

"Jungkook." tawag ko sa kanya.

At mukhang nagulat naman siya sa akin. At dahan dahan siyang tumayo galing sa pagkaupo niya at papapunta siya sa harapan ko habang tinitignan niya ako saking mga mata. Habang ako naman ay tinitgnan ko lang naman siya na walang emosyon. Puro sobra akong kinakabahan ngayon.

Ngayon na nandito na siya harapan ko, hanggang ngayon ay tinititigan niya pa din ako kaya mas lalo akong naiilang dito. Pero maya maya din ay nagsalita na siya.

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon