o n e h u n d r e d f o r t y n i n e

259 27 1
                                        

TZUYU

Naglalakad lakad lang naman kaming dalawa ni Jungkook sa gilid ng dagat habang magkahawak lang ng kamay. Medyo malayo na din kami sa cottage at nakarating na din kami dito sa tahimik na lugar. Tsaka lang naman namin nararamdaman ang hangin na humahampas mula sa katawan namin pero ramdam namin na nanlalambot kami sa sariwang hangin dito. Tsaka lang namin ipinagmamasdan ang magandang view ng dagat. Tapos yung alon na pumapalo sa kabuhanginan.

Napangiti naman ako habang nakatingin sa dagat, "Ang ganda Kook 'no." sabi kong nakangiti.

"Oo nga my love." nakangiting sambit niya at bumilis nalang ang tibok ng puso ko ng bigla niya akong hinarap sa kanya at tinititigan niya naman ako. "Pero mas maganda ka." bulong niya sa akin habang nakangiti. Kaya hindi ko naman mapigilan na mapangiti.

"Ikaw talaga." natatawa kong sambit tapos pinisil ko lang ang magkabilang pisngi niya at natatawa nalang din siya sa ginawa ko.

"Pero uy.. totoo yung sinabi ko sa chat." sabi niya tsaka nagtaka naman ako. Sinabi sa chat na ano? Wala talaga akong maalala eh.

"Anong sinabi mo sa chat? Wala akong maalala." natatawa kong sambit.

Tsaka nakita kong ningisihan niya ako at medyo siya lumapit sa tenga ko at, "Gusto ko pito." bulong niya sa akin sa dahilan na nagsitayuan ang balahibo sa mga katawan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya. "Ikaw talaga ha!" natatawang sambit ko sa kanya.

"Sorry na, my love. Pero hihintayin ko yan.. sa tamang panahon." sambit niya sa akin at agad niya naman akong kinindatan.

Tapos maya maya, nakita kong may nilabas siyang panyo sa bulsa niya. "Anong gagawin mo dyan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Tatakpan ko mata mo." natatawa niyang sambit.

"Ha? Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"Eh eto na nga.. gusto ko malaman mo na yung surprise ko sa'yo." nakangiting sambit niya sa akin. Tsaka nung naalala ko yung sinabi niya sa chat, agad agad nalang akong napangiti. Oo pala. May surprise siya sa akin. Tsaka may sasabihin siya sa akin.

"Pero.. baka hanapin tayong dalawa ng mga kasama natin. Wala silang alam."

Nakita ko namang napailing at napatawa siya, "Alam na nilang lahat na itatakas muna kita sa kanila. Sinabi ko kanina. Pero di nila alam kung ano yung surprise ko sa'yo dahil gusto ko ikaw ang unang makaalam yun." nakangiting sambit niya sa akin. Tsaka hindi ko naman mapigilang mapangiti dito. Excited na ako sa sinasabi niyang surprise. Hehehe.

"Kaya tumalikod ka na at ilalagay ko 'tong panyo sa mata mo." nakangiti niyang sambit at sinunod ko naman yung sinabi niya. Pagkatapos 'non, tinali niya na yung panyo sa mata ko. Kaya syempre, wala na akong makita.

"Ilalakad na kita, Tzuyu ha." sambit ni Jungkook at tumango naman ako.

Tsaka naman nakahawak ang isang kamay niya sa bewang ko at yung isa naman ay nakahawak sa kamay ko. Tsaka niya lang ako inaalalayan na naglalakad. Mukhang nahihirapan na din ako dahil di ko nga makita kung saan ako.

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko sa kanya.

He chuckled, "Malapit nalang tayo my love. Basta sasabihin ko lang na tumigil ka na." sagot niya sa akin at napatango naman ako doon. Tsaka patuloy niya lang ako inaalalayan na maglakad.

"Oh.. tigil na." natatawa niyang sambit tsaka naman ako tumigil. "Medyo taasan mo ang hakbang mo love ha. Aakyat tayo eh." natatawa niyang sambit. Teka. Saan na ba kami? Medyo malayo na ha.

"Sige." nakangiting sambit ko tsaka niya naman ako inalalayan paakyat sa lugar na 'to. Feeling ko parang tree house siya.

Maya maya din nakaakyat na kaming dalawa. Tsaka nilalakad niya ako uli. Teka.. parang resthouse siya. Pero ang tahimik at sariwang hangin lamang ang maririnig mo. Tsaka maya maya din ay tinigil niya ako sa pagpapalakad.

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon