"I can't believe this! All of the people, bakit ikaw pa?"
"Bakit hindi ako Thea? Pasalamat nga tayo dahil wala nalang siyang reaksyon eh. Siguro naman magagawa namin ang project na 'yun bago mag January."
January daw kasi ipapasa ang reflection paper namin. At ito nga yung dakilang reaksyon ng aking Best friend.
"Hay ano pa nga bang magagawa ko? Basta Acel, sabihin mo sakin pag binully ka nun ha?"
"Opo Ma'am." Natatawang sagot ko at nagpatuloy na maglakad.
***
"Bye Best! Mag iingat ka." Matapos niyang sabihin yun, sumakay na siya ng Ceres bus. Nag wave nalang ako at naglakad na pauwi.
Ilang araw na ang nakakaraan after nung bugbugan incident. Nasa ospital pa din si Vincent. Kahapon binisita namin siya, at nung makita ko ang mukha niya... nakakaawa.
Puro pasa at sugat. Mukhang iyon talaga ang target ni Raven and I can say he succeed. May cast siya sa kanang braso, dahil siguro yun nung lumipad siya sa bintana nung unang suntok sa kanya. May brace din siya sa leeg.
Wala namang nag bago sa nerd niyang salamin at pagsasalita nung kausap namin siya. Nagtaka nga ako eh. Nung kausap niya kami para siyang nabubulol-bulol pa samantalang nung binu bugbog niya yung lalaki dati diretsong diretso siya magsalita.
'Hindi kaya nagpapanggap siya?' I shook my head.
"Bakit naman siya magpapanggap?" Tama. Bakit nga? Wag kang mapanghusga Acel Montenegro, bad yan.
Hay kinakausap ko na naman ang sarili ko. Baliw na nga siguro ako.
Ipinagpatuloy ko nalang ulit ang paglalakad ko. Medyo madilim na, late na kasi ako uuwi kasi sinamahan ko pa si Thea bumili ng cake para kay Tita Mildred, mama niya, birthday kasi.
"Hoy! Walanghiya ka bumalik ka ditong g*go ka!!" Nakakita ako ng hugis-taong tumatakbo palapit sakin.
Sino 'to?
Nung medyo malapit na siya, ay nagulat akong isinama niya ako sa pagtakbo niya.
"Ay! Teka lang Kuya sino ka?" Tanong ko habang tumatakbo kami. Hala! Sino ba siya? Saan kami pupunta?
Narinig ko siyang napa-mura at lumiko kami sa isang maliit na eskinita at nagtago kami sa likod ng isang bahay.
Isinandal niya ako sa pader.
"Sino k--mmp!" Tinakpan niya ang bibig ko. Magkaharap kami ngayon. He's pinning me to the wall at pakiramdam kong sinisilip-silip niya ang dinaanan namin.
Nakakapagtaka. Madilim dito sa pwesto namin at dapat natatakot at nagwawala na ako ngayon pero hindi, sa halip ay relax lang ako. Ang mga braso niya sa kabilang gilid ko, ang pamilyar niyang amoy at ang aura niya pakiramdam ko safe ako.
Nakarinig ako ng mga yabag.
"Sh*t! Nasan na yung g*gong yun?"
"Boss, dun yata pumunta."
"Tara-tara!" At mukhang tumakbo na ulit sila.
Unti-unting tinanggal nung lalaki ang kamay niya sa bibig ko. Ramdam ko ang paghinga niya sa mukha ko so ibig sabihin sobrang lapit namin sa isa't-isa?
"Si-sino ka?" Kasabay nung tanong ko ay ang pagbubukas ng ilaw sa posteng nakatapat samin at dun ko nakita kung sino ang lalaking nasa harap ko.
"Raven?"
***
Walang umiimik. Nakakabinging katahimikan.
*kruu kruu kruu*
Mabuti pa yung mga cicada mukhang may mga kausap, eh ako may kasama nga para paring wala.
"..you are so near yet so far. I hope and I pray blah blah blah~" Napatawa ako nung narinig yung kanta sa videoke. Ang adik ni Ate kumanta.
"Something funny?" Agad naman akong napatigil sa pagtawa. Nakakatakot talaga si Raven Canavarro kahit nagsasalita lang.
"Ahmm.. Bakit ka nga pala nandito?" Pag iiba ko ng topic. Hindi ko kasi masabing 'tama kasi sayo yung kanta.'
You are so near yet you are so far.
"Napadaan lang ako." Simpleng sagot niya.
"Eh bakit ka hinahabol nung dalawang lalaki kanina?" Nagkibit-balikat lang siya habang patuloy sa paglalakad.
"Eh bakit bigla mo akong hinatak kanina?"
"Eh bakit ang dami mong tanong? Close ba tayo?"
'Kanina close tayo.' Bulong ko sa sarili ko.
"Kailangan ba pag nagtatanong maging close muna?"
"Oo naman."
"Eh di pag may exam pala kailangang i-close muna ako ng test paper ko bago ko siya sagutan?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin at laking gulat ko ng..
"HAHAHAHA!" ..tumawa sya. Si Raven Canavarro, ang ultimate bad boy in town ay tumatawa.
O___O
Nung mapansin niya sigurong nakatitig lang ako ay tumigil siya ng pagtawa at tumikhim.
"Ang corny ng joke mo." Umiwas siya ng tingin pero nakikuta ko pa ring napapangiti siya.
Hay sana pwedeng i-screen shot ng mata ang moment na ito. This is odd.
"You laugh?" Gulat ko pa ding tanong.
"Hindi umiyak ako." Pambabara niya.
"Whatever. Sana nairecord ng CCTV dito ang pagtawa mo."
"Bakit naman?"
"Because it's a true laugh. I feel it." Lalo siyang nag iwas ng tingin. Inayos niya ang sumbrerong suot niya.
"Gutom lang yan. Pumasok ka na, masama sayong masyadong nahahanginan, pati utak mo nagkakahangin."
Tumingin ako sa paligid. Nasa tapat na ako ng bahay namin. Hinatid niya ako?
"Paano mo nalaman ang bahay namin?" Takang tanong ko.
"Cause I know. Get inside. Goodnight Nichi." Pagkatapos nun ay umalis na siya at iniwan akong nakatingin lang sa kanya.