"Raven hintayin mo naman ako!" Tumakbo ako para mahabol ko siya. Ang hahaba kasi ng legs kaya ang bilis humakbang.
"Tss. Ang bagal mo kasi. Bilisan mo nga." Saglit siyang tumigil at nung magkatapat na kami naglakad na ulit siya.
Teka, nasaan ba kami?
"Nasaan ba tayo?" Kanina kasing 7am ay nakita ko siya sa labas ng bahay namin at nung nilapitan ko siya ay pinagmadali niya akong magbihis dahil aalis daw kami. Hindi na ako naka-hindi, at parang robot na umoo nalang ako.
"This is my town."
"Eh? May sarili kang town? Yaman mo naman!" Tiningnan ko ang paligid, simpleng syudad lang na 2 oras ang layo sa lugar namin.
"Not actually mine but I feel comfortable here than our place."
Tumango-tango ako. Mukha ngang tahimik dito tsaka dito walang may pakialam sa amin o sa kanya. Walang mga tsismosang magbubulungan 'pag dumadaan siya. Walang mga lalaking laging nasa kalsada at naghahamon ng away at ang mga bata, libre silang naglalaro di tulad sa amin na takot silang palabasin ng mga magulang nila dahil anytime may riot na nangyayari.
"Natahimik ka dyan?"
Napatingin ako sa kanya.
"Ah wala. Mukhang ang friendly sa lugar na'to. Sana dito nalang kami nakatira. Ano bang pangalan ng lugar na ito?"
Ngumisi siya. "Just call it Raven's haven."
***
"Raven pwedeng magtanong? Wag sanang uminit ang ulo mo ha?" Kasalukuyan kaming pabalik na sa lugar namin.
"Hindi ko maipapangako." Sagot niya habang nakatingin lang da unahan at seryosong nagda-drive.
"Bakit ka nananakit? Bakit trip niyong mambully?" Nakita kong kumunot ang noo niya at humigpit ang kapit sa manibela. At sa loob ng isang araw na magkasama kami ngayon ko lang ulit na-realize na I'm with a bad boy na any time ready manakit.
Napailing ako ng biglang pumasok sa isip ko ang imahe na sinusuntok niya ako. Napakapit ako ng mahigpit sa seat belt ko.
"Ahmm.. wag mo nalang pala sagutin." Sa wakas ay nasabi ko din nung hindi siya sumagot.
"Sh*t!"
Nagulat ako ng biglang may puting kotse na humarang sa amin. Muntik na!
May lumabas na dalawang lalaking naka black leather jacket na may dalang tig-isang baseball bat.
"Raven?" Mas lalo kong naramdaman ang takot nung pumunta sila sa unahan ng kotse ni Raven at hinampas ito.
"Humawak kang mabuti." Tiim ang bagang niyang sabi at pabalyang iniatras ang kotse tsaka umabante ulit dahilan para masagasaan yung dalawang lalaki.
"Oh my god!" O__O Natumba yung dalawa. Mabilis namang umatras ulit si Raven, akala ko sasagasaan niya ulit pero nagtuloy-tuloy lang siya hanggang sa makakita ng malilikuan at mabilis na pinaandar ang kotse.
Nakapikit lang ako at nagdadasal na sana hindi kami mapahamak.
Naramdaman kong nag slow down na siya, nanatili akong nakapikit, hanggang sa tumigil ito.
"Shhh... Hush." Naramdaman kong lumapit siya sa akin at niyakap ako, dun ko nalaman na umiiyak na pala ako.
"I'm sorry. Please stop crying." Hinahaplos niya ang buhok ko. Pinabayaan ko lang siyang gawin yun dahil it makes me feel better hanggang sa tumigil ako sa pag iyak.
Unti-unti ko syang tinulak nung medyo umokey na ako. Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang luha ko. Medyo nailang naman ako kaya kinuha ko yun sa kanya.
"A-ako na."
"Pasensya na. Hindi ko alam na may darating na ganun."
Nakatigil lang kami sa isang gilid.
"Okay lang kaya sila? Mukhang masama yung pagkakabunggo mo eh." Bigla siyang napatingin sakin na parang nagulat.
"Bakit? Pangit ba ako umiyak?" Yumuko nalang ako. Palagi akong sinasabihan ng pinsan ko na pangit daw ako umiyak kaya medyo nahiya naman ako sa gwapo kong katabi na kahit seryoso poging-pogi pa din.
Napansin kong napa tawa siya at nung tumingin ako muli sa kanya ay umiiling na siya.
"Iniisip mo kung nasaktan yung mga g*gong yun?"
"Oo bakit? Mali bang mag-alala sa kanila? Liblib yung lugar kanina at dalawa lang sila. Paano kung sa sobrang lala nung pagkakabunggo mo hindi sila nakatawag ng tulong tapos--"
"Shhh." Tumahimik ako.
"Tell me. How can you think about those guys while they are there to harm us? Hindi ba dapat kang sumaya kasi hindi nila tayo nasaktan?"
"Lahat naman ng tao sasaktan tayo. Pero kung ako, mas gugustuhin kong ako nalang ang masaktan at mahirapan kesa ibang tao."
Ngumiti siya at inistart na ang sasakyan niya.
"A selfless princess." Bulong niya.
"Ano yun?"
"Wala. Tara ng umuwi."
![](https://img.wattpad.com/cover/23927902-288-k671873.jpg)