Chapter 34: With a bang

58 2 1
                                    

"Sumama ka sakin after ng graduation and I will let him alone."

Kanina pa umiikot sa utak ko yang sinabi ni Vincent. Kanina sa library I asked him kung ano ang pwede kong gawin wag niya lang ituloy ang binabalak niya kay Ven. I was afraid. Hindi imposibleng gawin niya yun. He's a rich kid and sadly, money controls everything.

"Best okay ka lang? You look--bad." Ngumiwi si Thea habang nakapameywang sa harap ko. Mukha na siguro akong bruha kasi kanina ko pa ginulo-guli ang buhok ko.

"Okay lang Best." Ngumiti ako ng pilit.

"Kinukuto ka na ba Acel? Oy, tol lumayo ka ng konti baka sayo tumalsik ang kuto niy---Aray! Battered suitor na po ako." Naka-pout na sabi ni Cy matapos siya batukan ni Thea.

Tumingin ako kay Ven na nakatingin pala sakin. Matiim siyang nakatingin sa mga mata ko na parang binabasa niya ang kaluluwa ko. Umiwas ako ng tingin.

"Tara." Tumayo siya kaya nagtinginan kami sa kanya. Alam kong ako ang inaaya niya pero natatakot akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Kailangang hindi lang ako ang nag-sasacrifice Acel dapat ikaw din. Lalayuan mo si Raven at iuurong ko ang demanda sa school board."

Ang daming tumatakbo sa utak ko. Ang dami kasing hinihinging kapalit ni Vincent kapalit ng kalayaan at ng future ni Ven.

Naalala ko naman ang sinabi ni Papa sakin after ng party ko.

"I may do and done something that you don't approve Acel Nichi but always remember that I am into your happiness."

Hindi man niya direct na sinabi pero alam kong alam niya na si Ven ang happiness ko. Pero how can I get my happiness if there is someone who is stopping it?

"Nichi.." Tumingin ako kay Ven na nakatingin sa akin sa may pinto. Nasa pinto na siya at inaantay ako. Walang emosyong mababasa sa kanya. Naka-poker face lang siya.

"Best sumama ka na." Sabi ni Thea. Tiningnan ko sila ni Cy.

"I love you and you're mine alone." Napapikit ako dahil litung-lito na ako.

"Dammit!" Narinig kong napamura si Ven and the next thing I know, kinakaladkad na niya ako papunta sa garden sa likod ng school.

Binitawan niya ako at umupo sa damuhan. Sinapo niya sa mga palad niya ang mukha niya. Mukhang depress na depress siya.

"Ven--"

"I know something's wrong Nichi but I will wait until you're ready to tell me that."

"Isa sa mga natutunan ko while I'm with you is to wait. Patience is a virtue right? So Ill wait Nichi. I'm willing to wait kasi I think I love you."

Naluluhang nakatitig lang ako sa kanya.

I've heard it loud and clear. Sa wakas! I wanted to run and hug him but I control myself.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon