"Ashide shamin Acel. Wala ka bang iba pang namimish?" Nagtawanan sila. Mga lasing na!
"Oo nga. Oo nga! Hindi mo ba namimish shi Ve-hen?" Naduduling na tanong ni Dylan.
Hindi ako makasagot at maka-alis kasi ang kukulit nila Cy, Dylan at Royce. Palibhasa mga lasing na. Si Erika naman knock out na din sa balikat ni Raven.
"A-ah.."
"Hoy Dylan umayos ka nga. Tara uuwi na tayo." Sabi ni Raven habang dahan-dahang inihihiga si Erika sa sofa sa gilid nila.
"Hang KJ mo parin Duude! *hik*" Sinisinok na sabi ni Cy sabay inom ng red horse.
"Tama na Cyrus, uuwi na tayo." Inagaw ni Thea ang red horse na tinutungga ng boyfriend niya.
"Mamaya na~" Hay! Ang kukulit parin.
"Umm.. guys aalis na ako kasi baka--" Tatayo na dapat ako pero hinila ako bigla pabalik ni Dylan kaya natapilok ako at natumba.
"Oops!" (-////-)
"Ayiiieeehhh!!!" Napuno ng kantyawan ang table namin eh kasi napa-upo ako sa kandungan ni Raven. Oh shoot!
Napaggigitnaan kasi namin si Dylan kaya nung natapilok ako kay Raven ako bumagsak.
Nagkatinginan kami ni Raven. Nakahawak siya sa bewang ko at ako naman sa balikat niya. Ang AWKWARD!!
Oh no! Déjà vu ba ito?? Bakit kasi ang lapit ng mukha niya sakin?!!
"Acel!" Gulat na sabi ni Vince.
"Vincent?" Gulat din na sabi nila Thea.
Bigla akong napatayo pero shoot! Ano yun? Bakit hindi ako maka-alis?
"What the?" Sabi ko.
"I think you stuck with me." Simpleng sabi ni Raven.
"What do you mean?" Tiningnan ko kung bakit hindi ako maka-tayo.
"Hala Acel sumabit yung dress mo sa zipper ni Raven!" Sabi ni Pres.
Nagtawanan naman ang tatlong lasing.
"Akalain mo yun? Pati zipper mo Dude ayaw paalisin si Acel!" Tumatawang sabi ni Dylan na nakipag apir pa kina Cy.
Hay nako!
"Move a little." Sabi ni Vince na may hawak na gunting.
"Anong gagawin mo?" Takang pinigilan ko siya.
"Tutulian ka ulit Raven! Ahahaha-- Aray naman Love!" Binato ni Thea si Cy.
"Tumahimik ka kasi ang ingay mo!"
"Gugupitin ko yang dress mo para maka-alis ka na dyan." Seryosong sagot ni Vince.
"Ha?! Wag mong sirain yung dress. Bigay mo'to sakin eh."
"I'll buy you another one, pag nakabalik na tayong Korea." Sabi niya habang ginugupit ang dress ko.
Shocks! Sayang!
"Pakitanggal ng kamay sa bewang niya." Utos ni Vince kay Raven. Unti-unti naman niyang sinunod.
Napatingin ako kina Thea. Lahat sila'y nagtataka kung bakit kasama ko si Vince. Sinulyapan ko naman si Raven, nakatingin lang siya sa natutulog na si Erika. Bigla ako nakaramdam ng inis. Teka? Bakit ba ako maiinis?
"You're free again Acel." Inalalayan akong makatayo ni Vince.
"Wear this." Isinuot niya sakin ang coat niya. "Malaki kasi yung butas ng dress mo."
"Thanks." Mahina kong sabi.
"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paalis. Nakita kong nakatingin lang sila sa amin. Si Raven naman, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Erika.