Chapter 52: Strong feelings

35 2 0
                                        

Ilang araw na ang nagdaan at ngayon nga ay bisperas na ng pasko. Kung dati ay busyng-busy ako kasama ang iba pang artista na nagpa-practice para sa EC party na ginaganap taun-taon, ngayon ay eto ako making myself busy sa pagco-compose ng kanta. Kailangan ko paring maging productive kahit papano.

I playfully typed the piano organ while humming.

"Hmmm~ "

Itinigil ko ang pagtugtog nung may nabuo akong lyrics sa utak ko. Dali-dali akong kumuha ng music sheet para sulatan.

"You lift my heart up, when the rest of me is down. You, you enchant me even where you're not around."

Napangiti ako nung sumakto ang lyrics sa pagpi-piano ko. Inuulit-ulit ko yon isabay sa rhythm ng piano ko para din ma-practice ko na.

Itinuloy ko ang pagsusulat at natigil yun nung may biglang pumalakpak sa likod ko.

"Ven?" Gulat na sabi ko nung makita ko siyang nakangisi habang nakasandal sa may pinto.

"New composition?" Tanong niya bago naglakad palapit sakin at umupo sa harapan ko.

"Yup. Hindi pa nga lang tapos. Kaka-start ko palang." Kinuha niya ang music sheet ko na sinulatan.

Ngumiti siya bago ibalik ang music sheet sa stand sa harap ko.

"Parinig nga ako. Kahit yung chorus lang." Request niya.

"Eh hindi pa tapos eh pero sige. Sabihin mo sakin pag may mali ah?" Tumango siya so ginawa ko ulit ang pag-tipa sa organ piano.

"I feel we're close enough.." Tiningnan ko siya habang nakanta. He just smiled at yun din ang ginawa ko.

"I wanna lock in your love baby." I stare at his face as if remembering it.

"I think we're close enough.." I close my eyes and imagine his smiling face.

"Could I lock in your love?" Tinapos ko ang pagtugtog ko. Hanggang dun palang naman ang naisusulat ko.

I slowly opened my eyes.

"Yes. We're close enough baby." Bulong niya habang malapit na malapit ang mukha niya sakin. I feel his fresh breath fanning on my face at I freely smelled ang nakakabaliw na manly scent niya.

He touched my cheeks.

Napakalapit niya na konting konti nalang magdidikit na ang dapat mag-dikit.

"V-ven.." I stuttered pero hindi ako nakakaramdam ng kaba. Parang sanay na sanay na ako sa presence niya. Walang kaangal-angal ang katawan ko sa pagiging malapit niya unlike kapag si Vince or other guys ang gumagawa nito. I feel comfortable. I love this feeling.

"I am already locked in your heart Nichi. Do you want to locked on mine too?" Nakatingin lang ako sa mga mata niya.

Oh how I love this man. Wala na yata akong ibang mamahaling iba maliban sa kanya. I so love you Raven.

Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya dahil sa nararamdaman ko ngayon kaya ako na ang naglapat ng labi ko sa kanya.

I love you..

Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko pero hindi nagtagal ay hinalikan na din niya ako.

This kiss is not friendly anymore. I can't help but to smile while kissing him.

His lips is so addicting.

Nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya, hinawakan naman niya ang likod ng ulo ko to deepen our kiss.

"I love.. you Nichi.." He whispered between our kiss. I can't answer. I can't speak, I just smiled and kissed him more.

Sana maramdaman niya how much I love him.

I feel some tears on my cheeks. Normal pa ba itong nararamdaman ko? Naiyak ako sa sobrang saya.

We both gasped when we parted. Pero hindi nagtagal ay hinalikan niya ulit ako. And we just kissed like there's no tommorow. ( ˘ ³˘)♥

***

"Ilang araw tayo doon Ven?" Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko bago tumingin sakin at ngumiti.

"Until new year. I want to face the new year with you Boo." For the nth time the kissed my hand again.

Papunta kami ngayon sa haven niya. How I miss that place! May ipapakita daw siya sakin at tsaka bakasyon na din daw namin although matagal na akong nakabakasyon. Baliw din siya eh.. baliw sakin. (ノ*>∀<)ノ♡

I feel something na lumapat sa pisngi ko kaya nagising ako.

"Hi Boo, we're here." At ang gwapong mukha na naman niya ang nakita ko. Akmang tutulugan ko ulit siya nang bigla niya akong hinalikan sa labi.

"Ven!!"

"Hahaha. Pag hindi ka gumising diyan iki-kiss kita ng iki-kiss, alam ko namang gusto mo yun eh." He winked.

"Baliw ka! Alis nga diyan!" Tinulak ko siya ng mahina para lumayo sakin ng konti. Grabe naman kailan pa siya naging kissing machine? Ang hilig humalik!

"Ayee! Hindi dineny gusto nga niya. Ayee!" Sinundut-sundot pa niya ang bewang ko kaya napatawa ako. Malakas ang kikiti ko dun!

"Ha! Asa ka.. Ahhh!! Wag Ven!!" Kiniliti na niya ako kaya napuno ng tawa namin ang kotse niya. Sana may sound recorder itong kotse niya.

"Ven tama na!" Patuloy pa rin ako ng pag-iwas sa tuwing kikilitiin niya ako pero buti naman tumigil din.

"Tara na. Nagpahanda ako ng pagkain." Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Ngayon ko lang napagmasdan ang paligid.

"Nasa haven mo ba tayo?" Tanong ko.

"Oo naman." Sagot niya.

"Ang dami na palang nagbago." Sabi ko at iniikot ang tingin sa paligid. Feel ko padin ang comfort na dati kong nararamdaman tuwing napunt kami dito pero iba na kasi yung hitsura ng lugar. Naging modernisado na lalo na dito sa malaking glass house sa tabi namin.

"Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya.

"Ha? Hindi naman. Naninibago lang siguro ako. Ine-expect ko kasing makikita ay yung malaking puno ng mangga sa gitna ng malawak na green field."

"Ah yun ba? Wala tayo dun kaya hindi mo yun makikita dito pero kung gusto mo puntahan natin." Ngumiti siya at inakbayan ako bago kami maglakad.

"Eh nasaang part ba tayo ng haven?"

"Dito nakatayo yung dati kong condo." Turo niya sa glass house na nasa unahan namin.

"Ha? Eh ano ng nangyari?"

"I bought the whole land. Di ba kasi sabi mo gustung-gusto mo ng lugar na ito? Pinademolish ko na yung condo building kasi nalugi na at pinatayo ko ito." Binuksan niya ang double door ng mansion bago ngumti sakin.

"Welcome to my home."


My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon