"Acel di ba swimmer ka nung elementary?" Tumingin ako kay Pres na nasa dagat at ineenjoy magswimming kasama ang iba pa.
"Ha? Hindi naman swimmer pero marunong ako lumangoy." Sagot ko habang kumakain ng pakwan na peace offering ni Royce. Nagkausap na kami kanina at todo hingi siya ng sorry.
"Ganun na din yun! Tara maligo ka na din ang sarap ng tubig!"
"Oo nga Best! Medyo maligamgam yung tubig--arghhh! Cyrus!!" Sabi ni Thea at nagbasaan sila ni Cyrus. Natawa ako sa kanila.
"Mamaya nalang ako. Masakit pa ulo ko e." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain ng pakwan.
Lahat sila'y nasa dagat at ineenjoy ang dagat at eto ako, pinapanood lang sila.
Napatingin ako sa gawi nila Dylan at Ven na mukhang nagpapabilisan sa paglangoy.
"Bakit okay lang? Nagustuhan mo ba? Gusto mo ba ng ginaganun ha? Gusto mo ba yung ginagahasa ka? Bakit masarap ba?"
Naalala ko na naman. Kanina pagbaba ko nakita ko siyang napapatingin sa akin. Nakikita ko siyang lumalapit sakin, pero bago pa niya magawa ako na ang lumalayo. Masakit e. Ikaw ba ang parang sabihan ng malandi, although hindi niya directly sinabi, matutuwa ka ba? Sa ngayon I need time to think. Kailangan ko palipasin ang galit? Inis? ko sa kanya dahil bukas magkakaharap kami sa set. I need to act like nothing's wrong there.
Nung medyo nabore nako kapapanood sa kanila nag decide akong maglibut-libot muna. Hindi ko pa masyado nalilibot ang resort eh. Sinadya kong iwan ang cellphone ko, hindi naman ako gagabihin pati I want to be alone.
Habang naglalakad-lakad napadaan ako sa isa pa atang resort na malapit sa resort ng tito ni Royce. Dito, maraming tao hindi katulad ng pinanggalingan ko. Naka reserve kasi yun sa amin until tomorrow.
"Hija, dito ka ba nags-stay?" Tanong ng isang babae na mid-40's na ata pero mukhang sopistikada sa ayos niyang may malaking sun hat at halter na beach dress. Nakangiti siya at mukhang mabait kaya ngumiti din ako.
"Naku hindi po. Sa kabilang resort po ako, naggagala-gala lang po." Sagot ko.
"Ah kaya pala mukhang bago ang hitsura mo. Ako pala si Cora, ako ang may ari ng resort na ito. Kanina pa kitang natatanaw eh mukhang may problema ka, ayos ka lang ba?" Inaya niya ako sa malapit na cottage, dahil medyo uminit na.
Ganun na ba ako ka-transparent na kahit ibang tao napapansin na may mali sakin?
"Uh wala naman po. Gusto ko lang po mapag-isa, nagsasawa na po kasi ako sa mga mukha ng kasama ko. He-he." Sana hindi niya mapansin na pilit lang yung tawa ko. Pero sino ba niloko ko? Kahit nga sarili kong tenga hindi sang ayon sa tunog ng tawa kong yun. Hay.
"Alam mo hija, hindi masamang magsabi ng problema.." Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti. "Lalo na sa mga taong hindi mo kilala. Kasi dun mo masisigurong hindi ka nila mahuhusgahan, iintindihin ka nila at maaaring makahanap ka ng mga advice na hindi bias."
Tumingin siya sa dagat tapos sakin ulit.
"Pwede kang magsabi sakin hija. The way you look awhile ago parang magsu-suicide ka na eh kaya nabahala ako. Pero kung ayaw mo naman, inirerespeto ko yun. Oh by the way!" May kinuha siya sa pouch niya.
"Ito. If you want a stranger to listen to you, just contact me okay?" Kinuha ko ang papel na inabot niya.
"Marami pong salamat Mam Cora." Ngumiti ako ng tipid.
![](https://img.wattpad.com/cover/23927902-288-k671873.jpg)