Nandito kami ngayon sa pinaka malapit na ospital at isinugod ang bugbog saradong si Vincent. Sa hitsura niya kanina siguradong matindi ang nagawa ni Raven and I blame myself, to think na I'm the peace representative officer ng section namin pinabayasn ko lang na gawin ito sa kanya ni Raven. I feel worthless. Napaka-iresponsable ko.
"Hindi naman malalim ang sugat mo kaya madali lang yang gagaling, still kailangan pa rin kitang resetahan ng gamot para maiwasan ang pamamaga at impeksyon."
"Sige po. Thank you Doc."
Pagkalabas ko ng clinic ay sinalubong ako ni Thea.
"Ang gaga mo talaga Acel! Nakita mo naman ang ginawa niya kay Vince umepal ka pa din tingnan mo yang nangyari sayo."
"Okay lang naman ako. Simpleng sugat lang ito Thea."
"Anong simple? May cut ka sa pisnge, sa braso at sa mga hita mo tapos sasabihin mong simple. Tsaka.." Hinawakan niya ang pisngi kong may gasa.
"..sayang ang ganda mo Te. Sa mukha ka pa talaga nagkasugat. Puhunan natin yan eh."
"Best, hindi naman ganun kalaki yung cut diyan. OA lang talaga maglagay ng gasa yung nurse."
"Hay kahit na! Tinakot mo'ko dun Acel Nichi Montenegro. Kung sinaktan ka talaga nung bully na yun, ipapa anod ko siya sa ilog pasig."
"I'm okay Best. Kamusta na daw si Vincent?"
"Ayun, tulog pa din. Langya naman kasi yang si Raven, mukha talagang papatayin niya si Vince kanina. Sana talaga ma-expell na siya."
***
Nang dumating na yung guardian ni Vincent, pinabalik na kami ni Ma'am Agoncillo sa school. Pinatatawag daw kasi ako ng guidance councillor.
"Ay Best, mauna ka na sa room, magsi-CR muna ako." Tumango lang siya at naglakad na.
Hindi naman talaga ako pupuntang CR. May gusto lang akong kausapin.
"Raven." Napatigil siya sa paghithit ng sigarilyo niya at tumingin sakin na may pagtataka.
Kahit naman ako nagtataka kung bakit ko siya kakausapin.
Tiningnan niya ang mga gasa sa mukha ko pero wala siyang sinabi.
"Pwede ba kitang ahmm.. makausap?" Nakaka-intimidate siya tumingin. Parang lahat ng sasabihin ko mawawala.
Hindi pa rin siya sumagot kundi pinagpatuloy niya ang paghithit ng sigarilyo niya. Lumapit ako sa kanya at kinuha sa kanya ang hinihithit niya. Nagulat siya na napatingin sakin at pati ako'y napa-amang sa ginawa ko.
"This is bad for your health. Alam mo ba na one cigarette a day can lessen 11 minute of your life?" Sabi ko nalang.
"Ano bang pakialam mo." Angil niya.
"Let us say na concerned friend lang ako. Masarap mabuhay, you just need to learn how to enjoy it." Umupo ako sa bench katabi niya.
"Raven he's fine now. Unconscious pa nga lang pero sabi ng doctor anytime gigising na siya."
"I don't give a d*mn." Sabi niya pero naramdaman kong narelax siya. Itinapon ko ang sigarilyong kinuha ko sa kanya at inapakan matapos tumayo.
"I know you're not that bad Raven. I trusts you." Ngumiti ako at umalis na