"Baby Bro--- OH MY!!"
Nagulat ako nung may sumigaw kaya bigla akong napabangon.
"Ms. Ghe?" Takang tanong ko.
Kinusut-kusot ko pa ang mata ko baka kasi nananaginip pa ako. Pero hindi! Nandito talaga si Ms. Ghe!
Anong ginagawa niya sa kwarto k--
(O____O)
Napatingin ako sa may bewang ko. May braso! Braso ni Ven! At oo nga pala, wala ako sa bahay namin.
"Acel?" Muli akong napatingin kay Ms. Ghe. Hanggang ngayon feeling ko disoriented pa ako hanggang sa naramdaman kong humigpit ang yakap sa akin ni Ven tapos nagmulat siya ng mata. At tumingin sa paligid niya.
"Oh sh*t!" Napabangon din siya nung makita si Ms. Ghe.
***
"Ms. Ghe kape po." Ibinaba ko sa mesa ang kape niya. Medyo naka-recover na naman ako sa shock, ganun din ata silang dalawa.
"Thank you."
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Pinanlakihan ko ng mata si Ven. Bakit ganun niya kausapin si Ms. Ghe? Ang bastos ata.
"Masama na bang bisitahin ang Baby ko?" Ngumiti si Ms. Ghe ng matamis kay Ven. Ako nama'y nanlaki ang mata.
Baby?
Sila ba?
"Can you stop calling me Baby?" Inis na sagot ni Ven tapos uminom ng kape niyang hinanda ko. Tumingin siya sa akin.
"Bakit ka nakatayo?" Tanong niya na medyo nakakunot ang noo.
"Umm.. Inaantay ko matapos yung minacrowave ko." Sagot ko tapos tumingin kay Ms. Ghe. If ever na sila nga kailangan kong magpaliwanag. Pero paano naging sila? Tsaka di ba bawal yung teacher-student relationship?
"Imuwi ka na." Cold na utos ni Ven. Ako ba kausap niya?
Nagkatinginan kami ni Ms. Ghe. Wala na bang mas a-awkward dito?
"A-ah s-sige. Excuse me." Lalabas na sana ako ng kusina nung..
"San ka pupunta?" Tanong ni Ven sakin.
"Uhh uuwi?"
"Hindi ikaw ang pinapaalis ko. Ihahatid kita mamaya." Tumingin siya kay Ms. Ghe.
"Hindi ka pa ba aalis?" Paangil niyang tanong. Mukhang inis na inis na siya. Huminga ng malalim si Ms. Ghe.
"I don't mean to intrude you pero can you please explain this to me first? Ano yung naabutan ko kanina? Bakit ka nandito Acel?"
"Wala kaming dapat i-explain sayo." Sagot ni Ven.
Naawa ako sa hitsura ni Ms. Ghe kaya sumabat na.
"Uhh Ms. Ghe kaya po ako nandito kasi may pinuntahan kami kahapon, tapos bigla pong umulan at nabasa po kami kaya dito muna niya ako pinatuloy. Dapat po uuwi din ako kagabi kaso hindi po tumila yung ulan." Paliwanag ko.
"Eh bakit magkatabi kayo sa higaan?" Tanong niya pa.
Oo nga? Bakit nga ba? Nung natulog ako mag-isa lang ako sa kama.
Tumingin ako kay Ven. Hindi ko alam ang isasagot ko eh.
"I don't need to explain to you." Tiningnan niya si Ms. Ghe.
"You do Raven. Kasi I care for you. Kasi kapatid kita and since mawala si Dad you're under my responsibility not until you reach 21."
"Kapatid?" Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko sinasadyang mai-voice out ang iniisip ko.