Ikatlong araw na namin dito sa resort at masasabi kong isa ito sa pinaka masaya kong sembreak ever.
Dati kasi pag sembreak, sa bahay lang ako at gumagawa ng kung anu-anong project. Samantalang ngayon, gumagawa na ako ng school works nag eenjoy pa ako at hindi ko nararamdaman ang pagod kasi marami kaming nandito at isa pa relaxing yung dagat sa likod nitong rest house.
"After nito gumala naman tayo sa paligid nitong resort." Sabi ni Dylan habang nagliligpit ng mga props na ginamit kanina sa taping.
"Oo nga. 3 days na tayo dito hindi pa tayo nakakagala." Dagdag ko pa.
"Sige-sige may alam akong club jan sa malapit puntahan natin mamaya." Excited na sabi ni Royce.
"Hindi ba tayo bawal dun?" Tanong ni Thea.
"Bakit naman bawal? Were on a legal age na naman tsaka kakilala ni Tito ang may ari nun."
"Good yan Royce. Tagal ko na din hindi nakakainom ulit." Sabi ni Cyrus at nag apir sila ni Dylan.
"Huy bawal maglasing maaga pa taping natin bukas." Paalala ni Pres.
"Konti lang naman President." Sabat ni Dylan at dun na nagsimulang kulitin ng dalawa si Pres.
Inayos ko nalang ang mga gamit namin habang natatawa sa pagka childish nung dalawa.
"Are you going?" Nagulat ako nung biglang nagsalita sa likod ko si Ven.
"Gosh! Papatayin mo ba ako? Para kang kabute." He chuckled.
"Kasalanan ko pang ang seryoso mo jan?" Tinulungan niya akong ilagay sa bag ang mga kurtinang ginamit.
"May iniisip lang." Sagot ko.
"So sasama ka mamaya?" Tanong ulit niya.
"Oo naman. Minsan lang naman eh. Ikaw?" Binuhat na niya ang bag na inaayos namin kanina.
"Sure. See you later." Ngumiti siya at nauna nang maglakad papunta kina Dylan.
***
"Hindi ba sobrang iksi nito Best? Mukhang pang itaas lang to eh." Pilit kong hinihila ang fitted black tube dress na pinasuot sakin ni Thea.
"Baliw dress yan. Tsaka okay lang yan, club yung pupuntahan natin at hindi school kaya okay lang yan.
Tiningnan ko ang suot niyang halter dress na black din. Maikli din yun at kung ikukumpara sa suot ko mas maikli yung sa kanya kasi mas malaki ang hips niya kaya medyo umaabot yung sa gitna ng hita niya. Yung akin naman ay mas mababa ng siguro'y 1 inch.
Inayusan ako ni Pres ng make up ni Pres kasi kung ako daw ang magme-make up sa sarili ko ay baka hindi ako papasukin sa loob ng club kasi mukha akong minor although 18 years old na ako.
"President nagtext si Dylan, kung pwede daw ikaw yung i-date niya." Napatigil si Pres sa maglalagay ng eye shadow ko sa sinabi ni Thea. Nagmulat ako ng konti at nakita kong namumula ang pisngi niya.
"Pasabi sige." Natawa ako sa reaksyon niya kasi nakagat niya ang labi niya para hindi mapangiti pero hindi niya napigilan.
"Ayiiii! Sige ite-text ko na." Nagmadaling nagtype si Thea. "Ayan na send na!"
"Thea ikaw sinong date mo?" Tanong ni Pres.
"Sino pa? Eh di si Cy." Sagot ni Thea.
Teka "Kailangan ba ng date?" Tanong ko sa dalawa.
"Umm.. Oo daw sabi ni Royce. Required daw yun eh pati yang dress code nila. Sa mga girls dapat black tapos sa boys ay white." Sagot ni Pres.
"Hindi ka ba niyaya ni Raven?" Tanong niya.
"Huh? Dapat ba siya ang date ko. Okay nako kay Kuya Ruel. Hehe."
"Hay naku ang kupad talaga niyang Cannavarro na yan." Saad ni Thea habang nagsusuot ng heels niya.
"Wait nalang natin Thea. If ever naman na sasama siya wala na siyang choice kundi isama si Acel kasi I think everyone has a partner na."
"Aba sandali! Hindi naman ako papayag na choice niya lang si Best. Look how beautiful she is. Sigurado akong tutulo laway nun pag nakita ka Acel." Pinaharap na nila ako sa salamin.
"Ako ba talaga 'to?" (。ŏ_ŏ)
***
![](https://img.wattpad.com/cover/23927902-288-k671873.jpg)