Chapter 18: For you

71 1 0
                                    

"Ang gwapo nila ano? Sana sumali sila sa battle of the band next week!"

"True!! Lalo na si Raven! OMG he's so hot!!"

"Lalo ko siya naging crush haay."

Kapapasok ko palang ng school iyan agad ang bumungad sakin. Mga babaeng hyper. -____-

Ano kayang meron?

"Best!" Lumingon ako nung narinig ko ang boses ng nag-iisa kong best friend.

"Anong nangyayari sa paligid?" Tanong niya.

"Ewan." Sagot ko at patuloy ba kami sa paglalakad.

"Magme-meeting tayo later ah? Ang ganda ng idea ni Kuya gosh. I didn't expect na ganun siya kagaling. I don't even noticed it." Nakangiti niyang sabi. Halata ang awe niya kay Kuya Ruel. No doubt! Magaling naman talaga siya e.

"Ano bang sinabi niya sayo?" Tanong ko.

"Later Best!" Kumindat siya at pumasok na sa classroom.

Pagpasok ko may lalaking nakaub-ob sa upuan ni Ven. May new classmate ba kami?

"Excuse me?" Sabi ko pagkaupo ko. Naku baka magalit si Ven na may natutulog sa upuan niya kaya kailangan mapaalis ko agad siya bago pa sila---

"Acel may meeting daw tayo?" Nakangiting sabi ni--teka?

"Cy?" Tumango siya ng nakangiti. Hala! Ang dating rainbow hair niya ay naging natural black na.

"Hehe. Bagay ba?" Nahihiyang napakamot siya ng batok.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Black shoes--check! Proper wearing of uniform? Check! Black hair? Check na check!!

"Of course. You look-- Hay ang cute mo!!" Pinisil ko ang pisngi niya sa sobrang tuwa sa kanya. Napatingin ako sa likod para tingnan si Dylan. Ganun din. Black hair na din, yun nga lang ang dami niyang babae sa may bintana na naging instant celebrity na sya.

Kung si Dylan at Cyrus ay nag black ng hair so it means--

Tumingin ako sa katabi ko. Nakaub-ob pa din siya pero black din ang buhok kaya pansin ko na ang white na ear phone niya.

"Ven." Tawag ko sa kanya. Gusto ko siya makita. Gusto ko makita kung bagay nga sa kanya.

Parang nasal naalimpungatan siya kaya unti-unti niyang itinaas ang ulo niya at tumingin sakin.

( ºωº )...

Totoo pala yung...

You take my breathe away

Hala ang gwapo niya!!

"You look uhmm.. better." Napangiti siya tapos may dinukot sa bulsa niya.

"Here." Inabot niya ang nakatikom niyang kamay.

"Ano yan?" Hindi ko kinukuha kasi baka kung ano yun eh.

"Tss." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko yung--

"Hikaw mo?" Yung piercing niyang diamond.

"Ikaw na magtago niyan. Baka kasi hindi ko mapigilan, masuot ko ulit." Nag smirk siya. Ang kanyang patented smirk.

"Sure!" Inilagay ko sa wallet ko yung hikaw.

"Bakit nyo nga pala naisipang mag uhmm.. magbago ng fashion?"

"Bakit bawal ba?"

"Naku hindi. Nakakagulat lang kasi, hindi niyo kami ininform akala ko tuloy may transferee na umupo dyan sa upuan mo kanina."

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon