Chapter 36: Lost his chance

35 0 0
                                    

Nabago ang plan ni Vince. Yung right after the graduation ceremony niya, naging right before. Sinundo niya ako sa bahay namin ng maaga para daw magka-time pa kami to celebrate so eto ako ngayon... basang basa sa ulan! Joke (*^^)v Nandito ako sa heavy tinted van nila with my luggages.

Kanina pa nags-start ang ceremony pero hindi ako sumilip or lumabas dito. Natatakot akong may makakilala sa akin. Natatakot akong malaman nila na nandito ako. Natatakot akong masaktan. Hay! The pain I've been through is enough. Kaya nga ako aalis ng bansa e--to forget everything behind. Babalik pa ba ako? Oo naman, pero sa ngayon alam kong matatagalan pa yun mangyari. Hindi pa nga kami umaalis e. -____-

"Ms. Acel hindi po ba kayo manonood? Speech na yata ni Sir Vincent." Tanong ni Mang Juan, driver nila Vince. Manonood ba ako? Kung sabagay maikli lang naman yung speech niya. Hindi naman siguro masama na lumabas ako dito, isa pa naiihi na din ako.

"Sige po Mang Juan, manonood po ako. Kayo po ba?" Tanong ko.

"Hindi na Miss. Dito nalang ako." Nakangiti akong nagpaalam bago bumaba ng van.

Hay! Namiss ko itong lugar na ito and I'm sure mas mamimiss ko ito pag nasa SoKor na ako.

Dumaan ako sa hallway. Wala namang ibang dadaanan dito papuntang auditorium kundi ito eh. Bigla akong napatigil nung tumapat ako sa part na may maraming benches. Dito yun. Yung binully ako ni Ven. Yung for the first time naranasan ko ang bagsik ng bad boy in town.

Hindi ko alam kung bakit pero narealize ko nalang na nasa classroom na pala ako.

I sit on my chair tuwing Values education. Yung upuan katabi ng upuan ni Ven.

Natawa ako. Nagva-vandalism siya. Ang daming drawing sa desk niya. May mga computations, drawings at may isang word ako na napansin.

Nichi

Gusto kong umiyak. That's my name! Siya lang ang tumatawag sakin ng second name ko. But what makes me tear up is that sa paligid ng pangalan ko ay isang puso. Tapos may mga words pa na 'miss you', 'love you', at 'sorry'.

Mukhang matagal na yung mga words na yun kasi may mga new words na nag-over lap pero hindi ko maintindihan.

Napatingin naman ako sa right side ko--upuan naman nila Thea at Cy. Kamusta na kaya sila? Sana going strong ang relationship nila. Naku! Pag nalaman kong sinasaktan ni Cy si Thea kukutusan ko siya.

I found a piece of paper sa ilalim ng upuan ni Thea.

"Huh?" Nagtaka ako. Isa ito sa mga quiz nila sa English.

"5 over 15?" Bakit bagsak ang score ni Thea? At sa English pa talaga? Never siya bumagsak dun. Lagi nga siyang highest eh. Tiningnan ko ang date.

11-04-14

"November 04, 2014." Napakunot ako ng noo. It's the day after namin mag-usap. The day that she wants me gone.

"Hindi. Baka coincidence lang." Umiling nalang ako then may napansin akong something sa upuan ni Cy. Ballpen na may star sa itaas na parang magic wand na color violet. It's our friendship pen. Meron din ako nito, color blue yung sakin.

Ganun niya ba talaga ako inaayawan at pati important things sa friendship namin ay itinatapon niya?

I sigh. The first step in moving on is to forgive and forget kaya pinilit kong ngumiti tapos nag drawing sa quiz paper niya ng happy face.

Be happy Best! :)

After that iniwan ko na yun sa table niya. As if naman na babalikan niya yun di ba?

Lumabas na ako ng classroom. Dinaanan ko ang locker room. May nakita akong nakaipit sa pinto ng locker ko. Kinuha ko yun kahit hindi ako sure kung akin pa nga ba yung locker na yun.

At tuluyan na akong naiyak nung nakita kong picture yun. Picture namin ni Ven nung nasa premiere kami ng movie namin. We looks so happy on this picture. Nakangiti siya na nakatingin sakin tapos ako nama'y nakangiting kumakaway sa ibang direction. Naka-hook ang kamay ko sa braso niya.

"Acie?" Agad akong nagpunas ng luha at tumingin sa likod ko. Shoot may nakakita nga sakin!

"C-cookie. Hi!" Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap.

"Acie ikaw nga! Namiss kita." Malambing na sabi niya. Natawa ako.

"Ang OA mo Cookie ah. Kamusta?" Tanong ko nung naghiwalay kami.

"Hindi okay kasi wala ka na eh. I've heard what happened. Gusto kitang dalawin kaso hindi sinasabi ni Thea kung nasaan ka. Nag-away ba kayo? Ang moody niya kasi eh. Tapos yung si Raven din ayaw ako sagutin. After ng public apology niya sa--"

"Wait! What? Public apology?"

"Oo. Si Raven, you really did a great job changing him. Imagine, he apologizes to all sa mga pinaggagawa niya. Ngayon sobrang bait na niya."

"Kailan yun nangyari?"

"Hmm.. nung battle of the band. After nila kunin yung trophy nila. Sinabi lang yun sakin eh. Meron daw video. Panoorin mo nalang. I'll send you the link." Ngumiti siya ako nama'y stunned pa din. After a while ngumiti din ako.

Tapos na pala talaga ang role ko sa buhay ni Ven. Nagbago na siya.

"Sige, sige." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Thank you Cookie, I'll miss you." After nun bumitaw na kami.

"Grabe parang sobrang lalayo ka na ah? Saan ka ba magka-college at sobra naman yang I'll miss mo na yan?" Ngumiti siya. His patented Cookie Chua smile.

Ngumiti nalang ako.

"Basta. See you when I see you nalang. Ay wait! Thank you dito.." Pinakita ko ang picture.

"Always welcome Acie." We bid goodbyes and parted our ways.

Grabe ang drama naman nun! Anyway, naiihi na talaga ako eh. Gotta go!

*Vincent's POV*

"Mang Juan kanina pa ho ba siya umalis? Ayaw niya po sagutin ang phone niya e." Tapos na ang ceremony at eto ako ngayon aligaga sa pagtawag kay Acel. Nasaan na kaya yun?

"Naku Ser kanina pa ho. Akala ko nama'y magkasama kayo kaya hindi ko na siya hinanap." Kinamot niya ang ulo niya. Napailing nalang ako.

"Wag na mainit ang ulo Vince hanapin mo nalang sa loob." Utos ni Mommy.

Hay! Ano pa nga ba?

Hinubad ko ang toga ko at tumakbo muli sa loob ng school. Kinakabahan ako, baka magkita sila ni Raven. Natatakot ako na baka magbago ang isip niya at hindi na sumama sakin. Chance ko na ito eh! Tapos na ang kanya pero alam kong mahal parin niya siya kaya kahit anong tago ang gawin ko sa kay Acel, delikado ang chance ko pag nagkausap sila.

"Acel?" Nanlamig ako nung makita siya..na nakatayo sa harap mismo ni Raven.

Eto na nga ang sinasabi ko eh.

Tumingin sila parehas sa akin.

"Inaantay na tayo ni Mommy." Sabi ko sa likod ng kaba kong nararamdaman. Please sumama ka sakin.

Parang nagdadalawang isip pa siya na nakatingin sakin tapos titingin kay Raven. Please...

Tatalikod na sana siya at pupunta sakin pero tinawag siya ni Raven.

"N-nichi.."

Leche!

"Bae!" Lahat kami'y napatingin sa sumigaw.

"E-erika." Bati ni Acel.

Sh*t! Ito ang ayoko eh. Masasaktan na naman siya.

Lumapit at inakbayan ko si Acel nung parang natigilan si Erika na nakatingin sa kanya.

"Uy! PRO kamusta?" Bati ni Erika. Nagtitigan naman kami ni Raven. Tiningnan naman niy ako na parang papatay.

You're too late Raven. You lost your chance. You lost your forever.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon