Chapter 56: The news

35 1 1
                                        

"Welcome back Acel." Niyakap niya ako pero I feel something wrong pero minabuti kong wag nalang muna magtanong, ganun din naman siya. Alam kong alam niyang may mali sa biglaan kong pagbalik pero hindi na siya nagtanong. Binitbit niya lang ang maliit kong bag at isinakay sa kotse.

"I don't know what happened but I'm glad you're here again." Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you Vince. Hay! May jetlag pa ata ako. Can I sleep muna?" Kinuha ko yung u-shaped na unan niya na palagi kong ginagamit at inilagay sa leeg ko.

"Of course." He smiled weakly at natulog na ako.

***

"Why are we here? Sinong nandito?" Bigla akong kinabahan nung nandito kami sa harap ng isang ospital. I went here nung nagpapa-medical at check up ako every six months pero alam kong hindi ito about sa check up ko. Wala din namang sakit na kumakalat sa Pilipinas kaya hindi niya dapat ako ipa-check.

"Acel.." He started while looking at me intently.

"Di ba sabi ko sayo you need to go back here? I even told you that there are problems regarding to the entertainment. Ito yun.." Tumigil kami ng paglalakad sa harap ng ICU.

Nagtatanong akong tumingin sa kanya.

"Mr. Choi suffered from a heart attack. Two days after bumalik nila Manager Kim dito." Inabutan niya ako ng gown at mask. Kinuha ko yun unconsciously.

"I decided not to tell you this on Skype kasi ayokong maabala ka dun. Alam kong importante si Mr. Choi sa iyo so I decided na pag nakabalik ka na tsaka ko sasabihin." Pinauna niya akong papasukin tapos sumunod siya.

Naabutan ko si Mr. Choi—pale, lifeless, sleeping na maraming something na naka-kabit sa kanya. Tumulo agad ang luha ko. Napaka-weak niya tingnan.

"Na-over fatigue daw siya sinabayan pa ng stress dahil sa debut nila Eun Neul at Ji Eun na hindi pa natutuloy dahil hindi na niya nagawang i-approve ang mga last minute important matters."

"S-sinong nagbabantay sa kanya? Bakit siya nag-iisa?" Nakatingin lang ako kay Mr. Choi.

"His son hired a private nurse for him pero hindi ako tiwala dun kaya for the mean time sila Manager Kim lang ang nagbabantay."

"Bakit hindi pa siya gumigising?"

"He's in comatose Acel. Kagagaling lang niya sa operation sabi pa ng doctor niya it takes a month or less."

Tumingin ulit ako kay Vince.

"Siya, yung anak ni Mr. Choi. Nasaan siya? Bakit hindi niya binabantayan ang Appa niya?" Nakaramdam ako ng inis. Napaka walang kwentang anak.

"He's coming tonight. At for awhile si Yi Min muna ang gagawa ng mga trabaho niya."

"Siya? Bakit siya?" Lalo akong nainis.

Si Choi Yi Min ang pinaka-walang kwentang tao na nakilala ko. Nag-iisang anak siya ni Mr. Choi na nagrebelde. The last time I check ay nasa France ito kasama ang iba't-ibang babae. Wala siyang ginawa kundi ang mambabae at maglustay ng pera ng tatay niya.

"We don't have a choice Acel. He's the only family he has." Tumingin siya ng malungkot kay Mr. Choi.

***

"I've heard that you had your vacation on your country. How was it? Did you enjoy?" Pinigilan ko ang sarili kong magpakita ng inis sa taong kaharap ko na nakangiti ng parang goons. Nakakatakot, nakakadiri, at nakakainis.

"I went there for special works Sir not just to have my vacation." Sabi ko.

Eh ikaw nga ilang taon na nagbabakasyon.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon