Chapter 31: The confession

49 1 0
                                    


***

"Tara?" Agad niya akong hinila palabas ng gate ng school.

"Uy t-teka! Saan tayo pupunta huy!" Hindi siya sumagot kaya nagpatianod nalang ako.

Nakarating kami sa Raven's haven.

"Anong gagawin natin dito?" Isinara na niya ang pinto ng kotse niya tapos nauna sakin maglakad and as always! Nakasunod na naman ako.

"Ven may problema ba?" Napansin ko kasing ang tahimik niya. Umupo ako sa tabi niya dun sa ilalim ng punong mangga.

"Bakit wala ka dun sa awarding kanina?"

"Ahh kumain kasi kami ni Thea tapos pagbalik namin nagliligpit na sila Pres. Congrats pala ha? You deserve it. Ang ganda ng kanta niyo." Lalo na yung Like only a woman can. That's my favorite song, dati pinangarap ko na kantahan ako nun ng magiging boyfriend ko. For me kasi napaka powerful ng girl na aalayan ng kanta na yun. Tapos parang love na love niya pa yung babaeng yun.

"Thanks." Simple niya lang na sabi. By the way, champion sila. No doubt, ang lakas ng audience impact nila. Yung tipong dahil ang lahat ay na-overwhelm mapapanganga ka at makakalimutan mo na you need to cheer dahil mas maingay mas maganda yung points na ibibigay for the audience impact. Eh dahil napatunganga at na enchant din ang mga judges, ayun perfect score daw nila sabi ni Pres.

Mahabang katahimikan. Nakatingin lang ako sa langit na puro stars. Ang gaganda. (✪▽✪)

"Happy birthday." Nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at may something na inilagay.

Hindi kaya hayop ito o kaya insekto? Naku mababatukan ko talaga ito pag ganun nga. Takot pa naman ako sa mga iyon.

Unti-unti kong binuksan ang palad ko.

"Piercing?" Ito yung kapares nung ibinigay niya dating hikaw sakin.

"Nasayo pa ba ang kapares niyan?" Tumango ako at kinuha ko sa wallet ko yung isang pair.

Kinuha niya iyon at pinagdikit. Nabuo ang heart. (⌒_⌒)

"Gusto kong ibigay na ito sayong parehas, baka ma-temp kasi ako na isuot ulit yan." Ngumiti siya. Alam kong may sasabihin pa siya.

"Nung naisipan kong magbago ng fashion, it means a new me. Tinanggal ko yung mga bagay na akala ko unique ka kapag meron ka o astig ka kasi you have this kind of attitude."

"Isa sa mga bagay na yun ay iyang hikaw na iyan. It's my Moms earring. At isinuot ko siya mula ng namatay siya. I become rebel kasi si Mom lang yung karamay ko dati e but then she also leaves me."

"Now that you have both of them. Please take care of it. It's really important to me and I am giving it to someone who is important to me too. It's my heart. I just give you my full heart Nichi."

Natulala ako habang hawak ko ang magkapares na hikaw sa kamay ko.

Anong ibig niyang sabihin?

"I like you Nichi. Medyo naguguluhan pa din ako pero alam ko gusto kita. Yung mga sinabi ko dun sa movie, totoo yun. Nahiya akong humarap sayo kanina dahil dun kaya lumayo muna ako pero what's the use kung magkikita at magkikita pa rin naman tayo di ba? I don't expect you to feel the same. Sino ba naman ako di ba? Pero sana wag kang magalit o kung anu man sa sinasabi ko ngayon. First time ko to kaya I don't know what to do." Huminga siya ng malalim bago uli magsalita.

"Please say something." Nakikiusap na sabi niya.

Nakatulala lang ako at hindi alam ang sasabihin.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon