Chapter 51: How can I leave you?

41 1 0
                                    

"You only have three weeks to finish everything."

Napapikit ako nung maalala na naman ang sinabi ni Vince.

Bakit? Bakit kung kailan masaya na ako? Dapat three months ako dito, pero bakit three weeks nalang?

"Mr. Choi will be there bago ka umalis."

Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko nung for the nth time may luha na namang dumaloy dito.

Nagka-problema sa vacation ko sa entertainment kaya pinababalik agad ako doon. Hindi na-file ni Manager Kim ang leave ko so AWOL ako o absence without leave. Nagkataon pa na may concert ako sa Osaka four weeks from now. Supposedly nag-rerehearse na ako. Wala namang problema kay Mr. Choi yung leave ko since siya ang dahilan kung bakit ako nandito hanggang ngayon kaso yung concert nga na gaganapin ay ubos na ang tickets at hindi na pwedeng i-postpone dahil private event center ang paggaganapan nun at medyo mahigpit ang management nila.

Umiling ako. Negative vibes go away! Negative vibes go away!

Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ko. I need to do something dahil konti nalang mababaliw na ako!

Unconsciously sinearch ko sa search engine ng Google ang Facebook. Matagal ko na itong hindi ginagamit. I even set it's privacy kasi baka sumabog na friend requests nito ngayon gawa nung mga fans ko.

I typed my email address and password. Good thing that I still remember my password.

Loading...

Napangiti ako nung nag log in. I feel nostalgia nung nakita ko yung direct photo ko ay yung picture ko pa nung highschool ako at yung cover photo ay yung picture ko pa nung naggawa kami ng movie sa resort ng tito ni Royce.

Sino bang mag-aakala na ang Acel na nakikita ko ngayon sa screen ay uba na sa Acel na ako?

Napaka-carefree ng ngiti niya. Halatang walang ibang iniisip.

I clicked the notifications. May 300+ akong notification!

Yung iba mga flood likes ng classmates ko nung highschool, ilang tagged pictures, at ilang birthday greetings.

Nags-scroll down lang ako nung may nahagip ang mata ko.

Jenny Ramirez tagged you in a video

"Ang daming comments." Sabi ko habang inaantay na matapos mag-load ang video.

'You deserves a second chance.'

'Kyaaaahhh!! Ang gwapo ng boseees! Aylabyu!'

'Bad boy still a bad boy... sa stage na nga lang. You rock my world!'

Nakarinig ako ng ingay. Nag-play na pala yung video.

"So may gusto ba kayong sabihin?"

Ang stage. Sila Ven kasama sila Dy at Cy. Si Miss Ghe. Ang magulong crowd.

Ito ay nung battle of the band dati! Wala ako dito eh, dahil nasa canteen kami ni Thea kasama si Cookie. Ito ay nung tinanggap nila Ven ang trophy nila.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon