Chapter 16: Is this love?

65 0 0
                                    

(Let's get back to Acel's POV)

"Gisingin mo na para makainom na siya ng gamot. Hindi pa nga siya nag-aalmusal e."

"Jen kasi ang ganda ng tulog niya nakaka-konsensyang gisingin!"

Nakarinig ako ng mga boses. Gusto kong tingnan kung sino ang maiingay, nakaka istorbo eh. -___- Pero parang ayaw ayaw sumunod ng katawan ko. Hinihila parin ako ng antok at yung ulo ko masakit pero nakakapagtaka may kumikirot sa may paa ko. Yung talampakan ko, masakit.

"Ang iingay niyo." Sabi ko sa kanila nung nakilala ko ang boses nila: Pres and Best. Pero nakapikit pa din ako.

"Gosh! Best you're awake!!" Tili ni Thea. Oh no.. pati tenga ko masakit na din dahil sa kanya. Iminulat ko na ang mata ko pero nanghihina pa din ako.

"Kamusta Acel? Anong masakit?" Tanong ni Pres. Sumimangot lang ako kasi nanlalambot pa talaga ako.

"Ay sayang!" Napatingin ako sa pinto nandito na silang lahat. Teka-- lahat nga ba?

"Problema mo Dy?" Tanong ni Thea sa sumigaw din na si Dylan.

"Eh kasi nagising na agad siya, iki-kiss ko pa sana. Alam mo yun, true loves kiss."

"Weh? Iki-kiss mo si Acel? Hindi ka kaya kumi-kiss ng may bad breathe pa." Sabi ni Desiree. (ó﹏ò)

Nagtinginan kami sa kanilang dalawa.

"Pano mo nalaman Des? Na-try mo na?" Nangaasar na sabi ni Royce. Bigla naman namula si Desiree. (o///o)

Agad akong napatingin kay Pres. Nakangiti siya, pero hindi umaabot sa mata niya.

"Kamusta na Acel? Nagugutom ka ba?" Tanong ni Tito Calvin na nasa tabi ko na.

"Umm.. medyo nanghihina pa po ako. Ano po bang nangyari?" Tanong ko. Wala akong matandaan ma umuwi ako. Ang tanda ko lang ay magka usap kami ni Tita Cora then umuwi nako tapos hindi ko na alam.

"Nawawala ka kahapon, hindi ka namin makita. Saan ka ba galing?"

"Oo nga pinag-alala mo kami. Pati si Tito Calv nagpatawag ng mga pulis." Sabi ni Thea. Nagulat ako sa balitang yun. Seryoso?

"T-talaga po? N-naku sorry po Tito, andami ko palang naabala. Sorry." Naiiyak kong sabi.

How can you be selfish Acel Nichi?"

"Shhh.. Don't cry Acel. It's okay da susunod lang magpaalam ka para hindi kami mag-alala tsaka dapat nagsama ka kahit isa sa kanila para hindi ka naaaksidente, ayan tuloy papasok ka ng school ng may benda ang paa." Tinuro ni Tito ang paa ko.

Tinilungan ako ni Pres na sumandal.

"Nabubog ka kagabi. Medyo malalim ang  sugat kaya baka daw matagalan ang paghilom niyan." Paliwanag ni Pres. Itinaas ko ang nakabenda kong paa. Arouch! (T_T)

"Ehem! Kumain ka muna Acel." Natuwa ang mga nasa paligid ko nung dumating si Cy na may dalang pagkain.

"Tara na munang bumaba. Let's give her some privacy naman. Kaya mo naman kumain mag-isa right?" Kumindat si Cy. Tumango nalang ako.

Brunch in bed!

Nagstart na akong kumain pero napapangiwi ako. Wala akong panlasa. Psh.

Maya-maya pa'y biglang bumukas ang pintuan.

Si Ven.

"Uhh.. Nagdala ako ng orange, baka lang wala kang panlasa." Ipinatong niya sa mini table na nasa kama ang isang platitong orange na balat na.

Tiningnan ko lang siya. Medyo malalim ang mata niya tapos may itim sa ilalim nun. Mukhang hindi pa din siya naliligo dahil gulu-gulo pa ang buhok niya. He looks tired.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon