"Nakaka asar naman yung lalaking yun. Alas onse na oh. Tsk!" Humigop ako ng pangalawang frappe ko this day.
Sayang yung trabaho ko ngayong araw dahil nandito ako sa Starbucks na ito at inaantay ang dakilang si Raven na iyon.
"Magkita nalang tayo bukas sa Starbucks. 10am. SHARP."
May pa 10am-10am sharp pa sya, sya naman pala itong late. Hay! Tumingin-tingin ako sa mga nagdadaan at mga nagpa-park pero wala pa din sya. Nasaan na ba yung tukmol na yun? Hindi ko naman siya matawagan dahil wala akong number niya.
Nung nag 11:30 na napagpasyahan kong umalis na.
"ACEL!" Napatigil ako nung may tumawag sakin. Bigla akong nanghinayang teka-- bakit ako manghihinayang? Aish ewan.
Ngumiti ako nung nakalapit siya.
"Cyrus anong ginagawa mo dito?" Bati ko sa kanya. Si Cyrus, kahit kaibigan siya ni Raven napaka bait niya minsan nga lang nangunguna sa paggawa ng ingay kaya siguro tama lang na kasama niya si Dylan.
"Ahh pupuntahan ko si Dy sa kanila. Ikaw, bakit ka naligaw dito?"
"Si Raven kasi.." Nakita kong napangisi siya pero hindi ko nalang pinansin.
"May meeting kami dito para sa project namin sa bio kaso hanggang ngayon wala pa siya."
"Ganun ba? Nakakapagtaka, hindi naman yun nale-late--"
Naputol ang sinasabi niya nung mat bumusina sa tabi namin.
"Speaking of. Nandito na siya." Sabi niya habang nakatingin sa lalaking lumabas ng drivers seat.
"Anong ginagawa mo dito Cruz?" Tanong ni Raven ng makalapit siya sa amin.
"Good morning din Dude. Pfft! Teka, nagpunas ka ba bago magdamit? You're soaking."
Tama si Cy. Raven's soaking. Tapos yung buhok pa nya tulo ng tulo. Parang bagong paligo palang itong isang ito.
"Tss." Inirapan ni Raven si Cy at bumaling sakin.
"Bakit ka nandito sa labas?"
"Uuwi nako eh." Sagot ko.
"Ha? Akala ko may meeting pa tayo?"
"Oo nga. Akala ko din eh kaso yung ka meeting ko halos 2 hours nang late." Napakamot siya ng ulo dahilan ng pagtalsik ng mga tubig sa amin.
"Ano ba?!" Lumayo ako sa kanya. Ganun din ang ginawa ni Cyrus. Kinuha ko ang bimpo sa bag ko at inabot kay Raven.
"O. Punasan mo muna yang buhok mo." Kinuha naman niya at ginawa ang sinabi ko.
"Ahh Acel, Raven uuna na'ko baka maka istorbo pako sa inyo. Bye!" Magtatanong pa sana ako kung bakit siya makakaistorbo kaso tumakbo na siya. Tiningnan ko si Raven.
"May iba ka pa bang damit na dala? Tingnan mo yang damit mo basang-basa kulang nalang tumulo yan." Black shirt ang suot niya na may print na bungo sa unahan at halos dumikit na sa katawan niya ang tela nun dahil basang basa na parang kalalaba palang.
"Teka nasa kotse." Pumasok siyang muli sa kotse nya at paglabas niya ay iba na ang shirt na suot niya.
***
"Bakit tayo gagawa ng scrap book. That's so gay." Reklamo niya nung hinahatak ko siya papasok ng National book store.
"So gay ka dyan. Mas maganda ng may ganun tayo. Remembrance ba."
"Gusto mong magka remembrance sa tulad ko? Okay ka lang? Tss." Umirap siya kaya pinukpok ko ng hawak kong naks-roll na cartolina.
"Bakit? Anong masama sa remembrance sayo? You're a friend, natural lang yun sa mga magkakaibigan." Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng materials sa scrap book na gagawin namin.
"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Ang ibang tao ayaw na ayaw madikit manlang sakin tapos ikaw humuhingi pa ng remembrance? Iba ka." Inayos niya ang suot na ball cap.
"You're degrading yourself Raven. Wag mo nalang sila pansinin. Isipin mo nalang yung mga taong nandyan sa tabi mo, no matter what you think your image is. We believe in you. I believe you." Ngumiti ako. Maya-maya'y ngumiti din siya.
Tumalikod na ako para kunyaring kumukuha ng pang design, pero ang totoo hindi ko mapigilan ang ngumiti ng mas malawak nung makita ang ngiti niyang umabot sa itiman niyang mara. Pati yung puso ko gusto atang lumabas sa rib cage ko.
Oh my gosh! Hindi kaya crush ko na siya? (。ŏ_ŏ)