"Kinakabahan ako Best. Hoo!" Huminga ako ng malalim. This is it! Ito na yung premiere ng movie namin and sana! Sana talaga maging maganda. Pero malakas ang pakiramdam ko na maganda ang kinalabasan ng movie kasi si Kuya Ruel ang nag-edit eh. Ang galing kaya niya!
"Wag kang kabahan. Swear Best maganda ang movie. Si Kuya pa, di ba Kuya?"
"Naman!" Nag-apir silang dalawa. Nandito din si Kuya Ruel para daw support. Isinama na din niya si Ate Jean, girl friend niya.
"Oo nga Acel. Trust us maganda talaga yung movie." Ngumiti si Ate Jean sakin. Mahilig kasi siya sa movies and siya daw ang gumawa ng sound effects. Graduate din siya ng Filming.
"Sabi niyo yan ah?" Tumawa ako at tumingin sa salamin. Nakasuot ako ng white sunday dress dahil kailangan daw formal para sa red carpet premiere. Wala pa sila Ven kasi nagpa-polish pa sila ng kakantahin nila mamaya sa battle of the band. Excited ako at kinakabahan.
***
"Woohh!" Sigawan ng mga manunuod pag pasok namin sa auditorium.
"Ang daming tao." Bulong ko sa partner kong si Ven na for the first time nakita kong naka formal. As in formal talaga! Naka white siyang long sleeves na nakatupi sa gitna tapos yung buhok niya itinaas niya yung bangs niya kaya kitang-kita ang kagwapuhan niya. Kinikilig tuloy ako pag tinitingnan niya ako. Ang pogi ni Ven!
"Nakakakaba pala." Bulong din niya kaya natawa ako. Naglalakad na kami sa red carpet at natawa din siya.
"Acie smile!" Napatingin kami kay Cookie na may hawak DSLR. Ako ngumiti samantalang si Ven sumimangot.
"Psh." Bulong niya.
"Smile kung ayaw mo pumangit sa school paper natin. " Bulong ko. Ako kasi ang editor-in-chief ng school paper namin.
"Whatever." -___-
Puro flash ng camera at bulungan ang sumasalubong sa amin hanggang sa maka-upo na kami. Nasa front row kami tapos sa kabilang side ay puro mga teachers.
"Ang daming tao. Nandito ata sila ngayong lahat." Sabi ni Thea.
Marami nga talagang tao. Sabi nila Erika kanina wala daw silang nagawa kundi gamitin yung expansion room nitong auditorium.
"This will be the big hit!" Nae-excite na sabi ni Desiree sa tabi ni Royce.
"Shhh~" Kinabahan ako nung nagstart na ang movie. Gosh feeling artista naman ako dahil namamawis ang kamay ko at kili-kili. Hahaha.
"Relax." Bulong ni Ven tapos ngumiti.
***
(O___O)
This can't be happening!
(T___T)
"Sh*t!" Narinig kong sabi ni Ven. Hindi ako makagalaw sa napapanuod ko. Gusto kong umiyak pero nangingibabaw sakin ang gulat.
How can it be?
"Stop that. I said stop that!" Gigil na bulong ni Ven sa kausap sa cellphone niya.
"I don't care! This is pure bullsh*t Dylan! Make it stop." Hinawakan ko yung kamay niyang namumuti na ang knuckles sa sobrang gigil. Tumingin siya sa akin tapos bumuntung-hininga at pinutol ang tawag.
"Hindi ko alam ito." Sabi niya. Tumango lang ako tapos tumingin kay Thea.
"I'll explain it to you later Acel. Panuorin niyo nalang." Wala na akong nagawa kundi panuorin ang movie. Mali! Hindi ito movie dahil hindi ito yung movie na alam kong mangyayari.
Lahat ng nangyari sa amin sa resort ni Tito Calvin hanggang sa nangyari nung last shooting namin ang ipinapalabas ngayon. Lahat! I mean yung mga bagay na hindi namin shinoot. Ginawa nila kaming documentation. Para itong docu ng buhay namin ni Ven!