Kanina pa ako dito sa bench malapit sa gate. Inaantay ko kasi sila Thea.
"Ang tagal naman nila." Tumingin ako sa relo ko. 7:00 PM na.
"Hello best actress!" Ngumiti ako sa hyper na si Cookie. Hawak niya pa din ang DSLR niya.
"Best actress ka diyan."
"Talaga naman ah? Ang galing mo kaya. Lahat ng emotions mo parang totoo. Pati nung nasa bar kayo, ang galing nung iyak mo dun. Muntik na nga ako maiyak eh."
Ah yun siguro yung nagkasagutan kami ni Ven. Nakakatawa ako dun. Umiiyak tapos umiinom. Si Ven naman parang awang-awa siyang nakatingin. Hindi niya kasi ako mapigilan. Tapos kami nalang ang naiwan sa bar kasi nauna ng umuwi sila Thea kasi lasing na sila Cy at Dylan, susunduin nalang daw kami kapag nakatulog na ako.
"Salamat." Kinagat ko yung ibabang labi ko. Nakakahiya ako dun.
"Alam mo kung hindi ko alam na nagshooting kayo nung sabado iisipin ko totoo yung kiss.." Nanlaki ang mata ko kaya tumingin ako sa iba buti nalang hindi siya nakatingin sa akin.
Eh kasi totoo naman talaga yun!
"Ang galing ng camera angle nun!"
"Ah hehe!" Lumingon ako sa paligid hanggang sa makita ko siya--si Ven.
Agad akong tumayo para tawagin siya.
"Ven!" Tumigil siya sa paglalakad saglit pero hindi siya lumingon, maya-maya'y naglakad na ulit siya. Kaya naalarma ako at hinabol siya.
"Huy Ven!" Hinawakan ko ang braso niya. Nakablack na siyang t-shirt at black na jacket.
Tumigil siya at tumingin sakin. Ang cold ng mga mata niya.
"Okay ka lang ba?" Hihipuin ko sana ang noo niya pero umiwas siya. Hindi ko nalang pinilit kasi baka masama na naman pakiramdam niya.
"May kailangan ka ba? Nagmamadali ako." Nagulat ako sa cold treatment niya. May nagawa ba akong mali?
"Uhh pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko.
"Busy ako." Tatalikod na ulit siya pero hinila ko parin ang braso niya.
"Ah okay pero pwede mamaya after ng battle of the band niyo?" Tanong ko pa.
"Hindi. May gagawin pa ako."
"Ano yung gagawin mo?"
"Wala ka na dun." Napa atras ako sa sinagot niya. At napabitaw ako sa braso niya.
Wala ka na dun.
Wala na ako dun?
Psh! Sino ba kasing may sabi na importante ka ha Acel? Assuming ka kasi eh.
Bigla ako nanlambot nung tinalikuran niya ako.
Totoo nga. Wala akong halaga sa kanya.
"Acel?" Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko.
"Okay lang ako." Ngumiti ako ng pilit tapos sinulyapan ko si Ven na medyo malayo na.
Bakit ganun? Parang mas doble pa ito dun sa naramdaman kong sakit nung nasa resort kami? Bakit bigla siyang nanlamig?
"Problema nung gag*ng 'yun?" Tanong ni Cookie habang nakatingin sa kanya.
"Masama siguro ang pakiramdam. Wag mo nalang isipin." Ngumiti ako ng pilit at inaya siyang maupo ulit sa bench.
"Wag mo na siyang isipin. Birthday na birthday mo e."
"Alam mo?"
"Oo naman. Kinukuntsaba kaya ako ni Thea na minsan ilayo ang attensyon mo sa kanila para makapag-plano sila." Ngumiti siya at may hinanap sa backpack niya.