Chapter 21: Kiss

78 2 3
                                    

"Best si Cookie oh." Nakangiting tinuro ni Thea si Cookie na papalapit sa amin.

"Bakit nandito yan?" Narinig kong tanong ni Dylan kay Cy.

"Ewan ko." Sagot ni Cy. Hindi ko nalang sila pinansin at nginitian nalang si Cookie.

"Bakit ka nandito? Sabado ngayon ah?" Tanong ko. Nandito kasi kami sa school para mag shooting ng movie namin.

Tumingin muna siya sa gilid--kila Ven, bago sumagot.

"Ah bored kasi ako sa bahay, kaya magba-basketball sana ako." Varsity si Cookie kaya may free pass siya sa basketball court anytime.

"O eh magbabasketball ka pala bakit dito ka sa classroom namin pumunta?" Nagulat ako nung biglang lumapit at sumabat sa usapan namin si Ven. Pati yung pananalita niya iba. Parang nang-aasar. Parang yung way ng pananalita niya nung bully pa siya.

Bully

"Masama na ba ngayong pumunta dito? Tsaka hindi naman sayo itong school." Kaswal na sagot ni Cookie.

Lumapit si Ven sa kanya, hindi naman nagpatalo si Cookie at nagtitigan sila. Kahit mas bata si Cookie kay Ven ay hindi naman siya dehado dahil halos pantay lang sila ng height.

"Hep! Hep! Teka awat muna bawal ang away dito ha. Raven." Tiningnan ni Pres si Ven na parang sinasabi na tumigil na siya.

Hindi pinansin ni Ven si Pres sa halip ay lalo siyang lumapit kay Cookie tapos nag smirk.

Bigla akong kinabahan. Ito ang Raven na bully. Kilalang-kilala ko ang smirk na yun!

"Sumasagot ka na ngayon ha?" Tanong ni Ven sa mababang tono.

"Hindi na ako natatakot sayo." Sagot naman ni Cookie.

Lalapit na sana ako pero hinawakan ako ni Thea tapos umiling siya. Tumingin ulit ako sa dalawa. I feel the tension between them. Kulang nalang makakita ako ng electric sa pagitan ng mata nila dahil walang kumukurap sa kanila.

"Ven.." Hindi na ako nakatiis. Natakot ako sa mangyayari kaya tinawag ko na siya. Mabuti naman at tumingin siya at tumalikod na pabalik sa gilid kanina.

Huminga ako ng malalim bago harapin si Cookie.

"Sige Acel pupunta nakong court." Lumapit siya sakin sabay...

Hala!! (O--O)

Did he just kissed me?

Mukhang nagulat din ang lahat ng nandito. Ako nama'y napahawak sa pisngi ko habang nakatingin sa pinto na nilabasan ni Cookie.

"Ehem!" Naagaw ang atensyon ko ni Thea na unang nakabawi sa pagkagulat.

"Let's start again guys?" Ngumiti siya na parang nakangiwi.

"Gosh! Ang bilis ng batang iyon ah?" Kumento ni Desiree.

"May gusto ba yun sayo Acel?" Tanong ni Royce.

"Obvious naman Royce. Tara na set na ulit." Sagot ni Pres.

Nagready na sila sa susunod na scene. Good thing hindi ako kasama sa scene na yun kasi hanggang ngayon shocked pa din ako.

May gusto nga ba si Cookie sakin?

Pakiramdam ko may nakatingin sakin kaya hinanap ko kung sino. Nakita ko si Ven na mariing nakatingin sa akin habang mahigpit na nakatikom ang mga kamao.

"Okay lang yan." Tinapik siya ni Cy bago tumayo at iwan si Ven.

The way he looks. Parang galit siya, pero yung mga mata niya... Is that pain? Nasasaktan ba siya?

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon